Billy Crawford on five-year relationship with Nikki Gil: “Hindi kami nagsasawa sa isa’t isa.”

Dalawang tropeyo ang nakamit ni Billy Crawford sa 26th PMPC Star Awards For Television. Sabi niya tungkol sa mga napanalunang awards: “Kung manalo ako ng isang award, bonus na iyon sa akin. Tapos nanalo ako ng dalawang award, mas grabeng bonus na iyon!”


Dalawang tropeyo ang napanalunan ni Billy Crawford sa 26th PMPC Star Awards For Television na ginanap noong Linggo, November 18, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University.

Nanalo si Billy bilang Best Male TV Host para sa ASAP 2012 at Best Talent Search Program Host para sa Pilipinas Got Talent.

Katuwang ni Billy bilang Best Talent Search Program Host si Luis Manzano ngunit hindi nakasipot sa awards night ang huli.

Ito ang ikalawang taon na napanalunan nina Billy at Luis ang naturang parangal.

“Kasalanan ni Luis ‘yon!” natawang biro ni Billy nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night.

“Pero it’s an honor na laging kami ang nananalo sa category na ‘yon. Kumbaga, mas nai-inspire pa kami to do our job.”

Ano naman ang pakiramdam na dalawang awards ang napanalunan niya sa Star Awards for TV this year?

“It feels great!” bulalas niya.

“It feels like a blessing na nandito pa rin ako, nagtatrabaho pa rin ako.

“It feels like I can still learn—iyon ang pinakaimportante.

“Actually, kahit yung na-invite lang ako dito sa Star Awards, okey na ako. E, yun pa kayang maging isa sa nominees?

“Feeling ko, kung manalo ako ng isang award, bonus na iyon sa akin.

“Tapos nanalo ako ng dalawang award, mas grabeng bonus na iyon!”



SINGING CAREER. Mas nalilinya ngayon si Billy sa hosting. Kumusta naman ang kanyang singing career kung saan nakilala rin siya as an international artist?

“Okey naman. Still singing, still performing. I’ll be going back to France maybe by next year.”

May bago siyang album?

“Oo, tapos na yung album. Pero doon muna sa France lalabas kesa dito.”

Ano ang tema ng mga kantang nasa bago niyang album?

“Just in general about having fun, love, and life.”



FIVE YEARS. Kumusta naman sila ng girlfriend niyang si Nikki Gil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami pa rin!” sabay tawa ni Billy.

“Magpa-five years na kami.”

Ano ang sikreto at tumatagal ang kanilang relasyon?

“Siguro just by being honest and by being real with each other.

“Hindi kami nagsasawa sa isa’t isa.

"And you have to really grow with the person you’re with.

“Uhm… siguro ang isa pang sikreto sa amin is we put God at the center of pur relationship.

“We are definitely happy.

“Of course, lahat naman ng relationship may pinagdadaanan, pero you can always overcome it.”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

“Hindi pa naman. Matagal-tagal pa ‘yon… oo.”

Mga ilang taon pa kaya bago sila magdesisyon to settle down?

“I’m not sure. Only God can really tell,” nakangiting sabi ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN