Party Pilipinas mainstays Rachelle Ann Go and Rita de Guzman get callbacks for Miss Saigon auditions

Itinuloy ng singer na si Rachelle Ann Go (kaliwa) ang kanyang planong mag-audition para sa Miss Saigon. Bukod sa kanya, nag-audition din ang kasamahan niya sa Party Pilipinas na si Rita de Guzman (kanan). Pareho silang nakakuha ng callback para sa ikalawang bahagi ng auditions.


Nakatanggap ng callback sina Rachelle Ann Go at Rita de Guzman matapos nila mag-audition para sa revival ng musical na Miss Saigon sa West End London.

Si Rachelle ay nag-audition kanina, November 20; habang si Rita ay nag-audition kahapon, November 19.

Sina Rachelle at Rita ay kapwa talents ng GMA-7 at napapanood sa musical-variety show na Party Pilipinas.


Bukas, Nobyembre 21, ay babalik sina Rachelle at Rita upang mag-audition ulit para sa specific roles, at para sa dance auditions.

Makakasabay nila rito ang ibang Pinoy na nakapasa sa unang araw ng auditions, kabilang na sina Karylle at Tippy Dos Santos.

(CLICK HERE for related article.)


RACHELLE. Si Rachelle ay itinuturing na isa sa pinakasikat at pinakamagaling na batang singer sa Pilipinas.

Nagsimula siya sa amateur singing contests at naging champion sa Search For A Star ng GMA-7 at Viva Television noong 2003. Ang host ng programa ay si Regine Velasquez.

Nakagawa na siya ng ilang albums at nakapag-perform na sa maraming concerts.

May karanasan na rin sa teatro si Rachelle nang gumanap siya bilang title role sa musical na The Little Mermaid noong isang taon.


RITA DE GUZMAN. Nadiskubre naman si Rita nang siya’y tanghaling grand champion sa talent search show sa QTV Channel 11 na PopStar Kids noong 2005.

Naging miyembro siya ng kiddie singing group na Sugar Pop, gamit ang screen name na Rita Iringan, kung saan nakasama niya ang naging kapwa finalists sa PopStar Kids, kabilang na si Julie Anne San Jose.

Pagkatapos nito ay pinasok din ni Rita ang pag-arte.

Napanood siya sa GMA-7 shows na Kaputol ng Isang Awit (2008), Pahiram ng Isang Ina (2011), One True Love (2012).

Ngayo’y napapanood si Rita sa primetime show na Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.

Si Rita ay apo ng yumaong comedian na si Teroy de Guzman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN