Cristalle Henares confirms support of Belo Medical Group for Regine Velasquez’s free concert

Sabi ni Cristalle Henares (kanan) sa patuloy na pagsuporta ng Belo Medical Group sa concert ni Regine Velasquez (kaliwa) na Silver, “She’s been so good to us. She’s a wonderful endorser. And yun, parang gusto naman namin na mapasaya rin yung mga tao at ma-appreciate ng mga tao what’s she’s all about.”


Hindi pa rin maayos ang boses ni Regine Velasquez nang dumalo siya sa presscon para sa ineendorso niyang Sexy Solutions by Belo noong Nobyembre 20 sa Cravings restaurant sa Il Terrazzo sa Tomas Morato, Quezon City.

Kaya naman hindi na masyadong pinagsalita ang Asia’s Songbird sa presscon.

Ang higit ngang nagpaliwanag sa pinagdaanang pagpapapayat ni Regine, matapos ang kanyang panganganak, ay si Cristalle Belo Henares ng Sexy Solutions at ang partners nilang sina Nadine Tengco at Rachel Alejandro.

Matatandaang nawalan ng boses si Regine sa mismong araw ng Silver anniversary concert niya noong Nobyembre 16 dahil sa virus.

Isa sana sa ipagmamalaki ni Regine sa concert ay ang pagpayat niya matapos maabot ang kanyang target na 29-inch na beywang, mula sa 37.2 inches, dahil sa pagsailalim niya sa Ultimate Sexy Solutions Program.



PROUD OF REGINE. Pagkatapos ng presscon ay kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristalle at nalaman nga namin na present din siya sa concert ni Regine. Isa kasi a major presenters ng Silver ay ang Belo Medical Group.

Ano ang naramdaman niya sa pinagdaanan ni Regine sa concert?

“Umiyak ako,” sagot ni Cristalle.

“Noong nandoon ako, pinapanood ko siya, umiiyak ako. Nakita ko kung paano siya nahirapan.

“Alam naman natin na napakagaling niyang singer at napakabuting tao, so she deserves lahat ng biyaya going her way.

“Kaya siya hindi binu-boo kasi alam naman ng lahat ng tao what she is capable of.”

Mas lalo nga raw siyang humanga kay Regine dahil sa ipinakitang tapang nito at pagpapakatotoo sa audience.

“I’m truly proud of her for showing that kind of courage.

“All throughout, pumapalakpak ang mga tao para sa kanya, tsini-cheer siya.

“I admire her for being so professional na hindi niya kinansel yung show.

“Tapos magbibigay pa siya ng free concert.”

Dahil ang Belo nga ang isa sa major presenters ng concert, nag-commit na rin ang kumpanya ni Dra. Vicki Belo na muling tutulong sa pagpapalabas ng free concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Personal ngang nagpasalamat si Regine kay Cristalle sa presscon dahil dito.

Muli rin kinumpirma ni Cristalle sa PEP na tuloy na tuloy ang pagsuporta ng Belo sa free concert.

Saad ni Cristalle, “Correct, tuloy na tuloy.

“She’s been so good to us. She’s a wonderful endorser.

“And yun, parang gusto naman namin na mapasaya rin yung mga tao at ma-appreciate ng mga tao what’s she’s all about.”



GOOD LUCK CHARM. Sabi pa ni Cristalle, higit daw sa pagiging endorser ng Belo, matagal nang kaibigan ng pamilya nila si Regine.

“She first came to Belo when she was 17 or 18 years old. Dinala siya ni Ronnie Henares. Batang-bata pa siya.

“First clinic ng Belo, doon na pumunta si Regine.

“Kumbaga, she was not only our first endorser but the most loyal endorser.

“Parang good luck charm namin si Regine. Kaya when we launched Belo Essentials, Regine was also our endorser.

“So, yun, nandun na talaga yung relationship namin.”



A SEXIER SONGBIRD. Malaki nga ang kinalaman ng Sexy Solutions by Belo para pumayat si Regine.

Paliwanag ni Cristalle, “Bakit namin itinayo ang Sexy Solutions? Kasi marami riyan ay takot mag-lipo [suction].

“So, yung mga gustong magpa-sexy, pero takot magpa-surgical treatment, ito yung solusyon nila.

“Ang kailangan lang nilang gawin is humiga doon, meron kaming mga machine, puwedeng gumagamit ng ultrasound, gumagamit ng radio frequency, hihiga lang sila doon at gagawin namin sila.

“Nakaka-melt ng fats at nakakapayat.

“Maganda sa Sexy Solutions is meron kaming partners, katulad ni Nadine Tengco, siya yung nutritionist ng Biggest Loser Philippines. So, meron din kaming diet.

“Si Rachel Alejandro naman is with Sexy Chef para doon sa Anti-Plateau Diet.

“Meron din kaming fitness expert, si Edward Mendez.

“So, kung gusto rin nilang mag-start ng fitness regimen nila, puwede namin silang i-guide.

“One-stop-shop yun ang gusto naming gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, si Regine, yun exactly yung ginawa namin sa kanya.

“Yun, tinulungan namin siya, siyempre after giving birth ang dami niyang excess weight.

“So, from 37 inches naging 29 inches ang waist niya bago yung concert.

“Si Regine kasi endorser na namin siya ng Belo, humingi siya ng tulong kay Dra. Belo.

“Sabi sa kanya ni Mommy, ‘Perfect, gusto mong magpapayat? Meron kaming Sexy Solutions. Puwede ka naming tulungan.’

“At saka si Regine, very disciplined siya when it comes to diet.”

Bago si Regine, nauna nang sumubok ng Sexy Solutions sina Raymond Gutierrez, Andi Eigenmann, at Georgina Wilson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN