Cristalle Henares admits breakup with Azkals player Jason Sabio

Dahil pupunta na ng States si Jason Sabio upang mag-aral, denisisyunan ni Cristalle Henares na tapusin na ang kanilang relasyon. Paliwanag ng anak ni Dra. Vicki Belo, “I think yung having a long-distance relationship, you really need to work for it. You have to invest time. And,e sa Skype, parang very virtual yung relationship, hindi siya real. Ako pa naman, gusto ko yung laging magkasama. Importante sa akin yung touch, yung hug.”


Hindi itinatago ni Cristalle Belo Henares ang paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Jason Sabio, isang miyembro ng Philippine Azkals football team.

Noong isang linggo lang daw sila nag-break.

Paliwanag ni Cristalle, “Well, kasi between me and Jason, it was a very practical decision.

“Babalik siya sa States, mag-aaral ulit siya.

“It’s for a good reason naman, mag-aaral siya. It’s for the betterment of the person.

“Very mature yung decision.

“Hindi naman ako sanay sa long-distance relationship.

“So, rather than having a long-distance relationship, sinabi namin na, ‘You know, parang we’ll go on our separate ways.’

“Eventually, if we find each other in the future, then magkakabalikan kami.

“But, for now, we’ll give each other space muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristalle sa presscon ng Sexy Solutions by Belo, para sa bagong endorser nito na si Regine Velasquez, kahapon, November 20.

Hindi ba nila isinasara ang puso nila para sa isa’t isa?

“No, no,” sagot ni Cristale.

Ideal guy na raw sana si Jason para sa kanya.

“Kasi, we really get along and we work well together, e.”

So, posibleng hintayin niya rin si Jason?

“Kung available pa ako, why not, di ba?” sabi niya.



MUTUAL DECISION. Ayon kay Cristalle, siya raw ang nag-initiate ng breakup. Pero maayos naman daw silang nag-usap.

“Siyempre, it’s sad for the both of us. Pero it’s a mutual decision.

“Ako ang nag-initiate, kasi nga, I know he is going abroad. Tapos I’m getting older na rin.

“So, I didn’t want to limit him and I didn’t want to limit myself.

“At saka mahirap yung communication.

“I think yung having a long-distance relationship, you really need to work for it. You have to invest time.

“And like sa Skype, parang very virtual yung relationship, hindi siya real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako pa naman, gusto ko yung laging magkasama. Importante sa akin yung touch, yung hug.”

May pinag-usapan ba silang pangako sa isa’t isa na bawal munang makipag-date sa iba?

“No naman. I mean, we’ll just be friends. We still respect each other.”



WANTS A SERIOUS RELATIONSHIP. Sa edad niya raw na malapit na siyang mag-30, naghahanap na rin si Cristalle ng seryosong relasyon.

“I think because I’m getting old… parang for a woman, ideal age to get pregnant is twenty-five.

“So, at this age, medyo matanda na nga ako magkaanak.

“Medyo may pressure din kay Mommy [Vicki Belo]. Sabi niya, ‘Uy, gusto ko nang maging lola. Nasaan na ang mga apo ko?’

“So, yun. Kaya I’m looking na rin for the ideal partner.

“Time is running out.”

Ano ang reaksyon ng mommy niya sa breakup nila ni Jason?

“She respects it. Hindi naman siya nakikialam sa lovelife ko.

“Though close naman sila. She likes him, very smart.”

Dahil nga bago pa lang ang breakup ni Jason, wala pa raw bagong idine-date si Cristalle sa ngayon.

“I’m not dating anyone yet. But I’m open to it.

“Hindi naman ako nagmamadali na kung sinu-sino na lang, di ba?”

Biro pa ni Cristalle, ibabalita niya kaagad sa PEP kapag nahanap na niya ang "right guy."

“Balitaan ko kayo. Sabi nga, di ba, parang he will come?

“I’m sure God will bring him to me in the right time, in God’s time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN