Max Collins on kissing scene with Dingdong Dantes: "It’s just work. Kaya work lang din po ang trato namin sa eksena at trabaho lang po."

Mapapasabak si Max Collins sa mga beteranong aktor at direktor sa bago niyang teleserye na Pahiram Ng Sandali. Sa pakikipagsabayan niya sa mga ito, sabi ni Max, “Not only sila ang mga idol ko, not only marami rin akong matututunan sa kanila, but it’s a once in a lifetime talaga ito—dream ko ito.”


Huling episode na ng Coffee Prince bukas, November 23, at sa Lunes, November 26, naman magsisimula ang papalit ditong programa—ang Pahiram Ng Sandali.

Parehong nasa cast ng dalawang programa si Max Collins kaya patuloy siyang mapapanood sa primetime programming ng GMA-7.

Yun nga lang, halata sa mga mata ni Max na halos wala siyang tulog nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa huling taping ng Coffee Prince noong Lunes, November 19.

Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa magandang nangyayari sa career niya.

Pumunta raw si Max sa last taping day ng Coffee Prince para lamang sa isang eksena.

Sabi niya, “Kung hindi ako makaabot ngayon, parang biglang mawawala na lang ako.

“Pero ano naman, ano’ng nangyari sa character ko dun, parang mamamatay lang ako.

“At least, pinahiram ako ng Pahiram Ng Sandali kahit ngayon lang.”



BENJAMIN ALVES. Sa Coffee Prince, mukhang may magandang nabuong samahan sa pagitan nila ni Benjamin Alves. Sila na ba?

“Hindi,” ang mabilis na sagot ni Max.

Nanliligaw na ba si Benjamin sa kanya?

“Hindi… ano, e, sweet-sweet kami, pero walang formal step.

“Nagha-hang out kami. Lumalabas minsan, kasi close kami.

“Close lang,” diin ng dalaga.

Ano ang naging reaksiyon ni Benjamin nang malaman nitong si Max na ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali?

Sagot ng young actress, “Masaya siya. Ang exact word niya, ‘I’m very proud of you and you deserve it.’”

Hindi ba nalungkot si Benjamin na tapos na ang Coffee Prince at may iba nang leading man si Max?

Natatawang sabi naman ni Max, “Ang sabi niya, ‘Ipinagpalit mo na ako!’"



POSITIVE COMMENTS. Sa Pahiram Ng Sandali, panay magaganda ang sinasabi tungkol sa kanya ng co-stars niyang sina Dingdong Dantes at Lorna Tolentino, pati na ng direktor nilang si Maryo J. de los Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya rito?

“Sobrang honored talaga ako.

“Noong umpisa, kinabahan talaga ako. Actually, hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako para sa project.

“Pero dahil nakilala ko sila agad, napakabait nilang lahat and supportive.

“Masasabi ko lang na napakasuwerte ko na sila ang makakasama ko, makakatrabaho ko.

“Not only sila ang mga idol ko, not only marami rin akong matututunan sa kanila, but it’s a once in a lifetime talaga ‘to. Dream ko ‘to.”

Kaya na ba niyang sumabay sa pag-arte sa mga ito, idagdag pa na nasa cast din sina Christopher de Leon at Mark Gil?

“Tingnan po natin,” nakangiting sagot ni Max.

“Gagawin ko po ang lahat para maging proud sila sa akin and to prove myself as an actress.

“Kasi, ito na po ang pagkakataon ko.”

LEADING LADY. Pagkatapos ng dalawang projects sa Kapuso network—The Good Daughter at Coffee Prince—heto’t lead na siya sa Pahiram Ng Sandali.

“Yes po, napakabait po ng GMA sa akin,” sambit niya.

Pinalitan ni Max ang original choice bilang leading lady ni Dingdong Dantes na si Kylie Padilla.

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Kylie, na nakasama niya noon sa The Good Daughter.

“Hindi pa nga po kami nagkakausap.

“Pero gusto ko siyang kausapin, kumustahin, kasi friends naman kami.

“Kaya lang, hindi pa kami nagkikita in any event.”

KISSING SCENE WITH DINGDONG. Kuwento ni Max, sa first taping day niya sa Pahiram Ng Sandali ay ang kissing scene nila ni Dingdong ang agad na kinunan.

“Never kaming nagka-eksena, yun ang first eksena talaga namin.”

Kumusta naman ito?

Sabi ni Max, “Kinabahan ako, first scene namin, but then, I’m happy with the result.

“Parang natuwa si Direk and then one take lang. So, I’m happy.

“Yung kinabahan po, kasi first scene sa entire soap.

“E, never ko pa rin pong nakatrabaho si Direk Maryo sa teleserye kaya nandoon po ang pressure.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagbiro naman sa press kung nagpaalam daw ba si Max kay Marian Rivera, girlfriend ni Dingdong, sa kissing scene nila.

Nakangiting sabi ni Max, “Professional lang naman po.

“It’s just work. Kaya work lang din po ang trato namin sa eksena at trabaho lang po.

“At si Dong naman po, sinuportahan niya ako.

“Nag-usap kami beforehand para maging comfortable kami sa isa’t isa at hindi maging awkward ang eksena.”

Noong magkita sila ni Dingdong sa taping, ano ang sinabi nito sa kanya?

“Sabi po niya, congratulations and nag-thank you ako.

“Sinabi ko na na-surprise talaga ako because I have no idea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN