Chito Roño on SRR 14 cast members who can’t deliver: "Pinapatay ko kaagad!"

"Pero ang feeling ko, sila-sila mismo maglalaban-laban. Dito naman kasi, kahit iba-ibang istorya, realistic ang performances. Mineyk sure ko naman na, kumbaga, makatotohanan ang mga pagganap nila. Hindi yung mga eksaherada," pagmamalaki ni Direk Chito Roño sa magagaling niyang artista sa SRR 14.

Ang scriptwriters ng Shake Rattle & Roll 14: (L-R) Ricky Lee, Roy Iglesias, at Rody Vera.

<


Tatlong miyembro ng press lang daw ang ine-expect ng batikang direktor na si Chito Roño sa mini-presscon na inihanda ng Regal Entertainment kaninang tanghali, November 22, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City.

Pero nagulat siya nang tatlong lamesa pala ng invited press ang tumambad sa kanyang harapan.

Ang presscon ay para sa idinidirek na pelikula ni Direk Chito—ang Shake Rattle & Roll 14: The Invasion, entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Kasama rin ni Direk Chito sa presscon kanina ang tatlong writers ng SRR 14 na sina Ricky Lee ("Pamana"), Roy Iglesias ("Unwanted"), at Rody Vera (Lost Command).

Tanging si Direk Chito ang nagdirihe ng tatlong episodes ng horror trilogy.

Paunang tanong ay kung paano napunta sa kanya ang 14thinstallment ng horror franchise na ito ng Regal.

Sabi ng award-winning director, "Mero’n akong standing offer kay Mother, [Lily Monteverde] matagal na. Papalit-palit ang project.

"There was one time, dapat si Vhong [Navarro] tsaka si Marian [Rivera], ayaw pumayag ng Star [Cinema]..."

Si Vhong ay nakakontrata sa film arm ng ABS-CBN na Star Cinema, samantalang si Marian ay Regal baby.

"Ang daming dramang di maayos. So, walang mabuong…

"Until finally, last Christmas [2011], no’ng sinabi nilang last ng Shake 13, ‘Pak, babaliwin ko ’to. Hindi ’yan last.’

"Sabi ko, ‘Mother, gusto ko Shake!’" sabi ni Direk Chito na ikinatawa ng lahat.



VHONG NAVARRO. Inusisa naman kung bakit sa tatlong episodes ay sa "Unwanted" niya isinali ang alaga niyang si Vhong.

"Para matapos na yung contract niya na luma," diretsang sabi ni Direk Chito na ikinatawa uli ng press.

"Hindi, no kasi… gusto ko naman na parang iba-iba, kasi yung mga hunks ko, nasa Lost," seryoso niyang bawi.

Nasa "Lost Command" episode sina Dennis Trillo, Paulo Avelino, Mart Escudero, JC Tiuseco, AJ Dee, at Alex Castro.

"Tapos gusto kong buuin yung original cast ng Shake do’n sa isang episode," pagtukoy niya kina Janice de Belen, Herbert Bautista, at Arlene Muhlach, na nasa iba’t ibang episodes ng first instalment ng SRR noong 1984, pero magkakasama ngayon sa "Pamana" episode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nilagay ko naman si Vhong sa isa, kasi… ang episode ni Vhong, kung napanood mo, halos silang dalawa lang ni Lovi [Poe] ang makikita sa buong movie.

"And I wanted that actor na kayang mag-iba-iba ng ano… kahit wala siyang kaeksena kundi kadiliman lang. Parang gano’n."

Ano ang bagong mapapanood o kaibahan ng 14th instalment sa mga naunang Shake Rattle & Roll movies?

"Ang gusto ko sana sa Shake na ito, sa 14, parang lahat back to the original Shake.

"Parang mas malapit siya sa original concept ng Shake na talagang ang istorya, tumatakbo sa character.

"Tapos ang horror, hindi naman kailangan gross. Hindi naman kailangan bloody.

"Puwede siyang maging creepy lang. Gano’n lang."



RICKY LEE. Paano naman napapayag ni Direk na muling magsulat si Ricky Lee sa pelikula pagkatapos ng isang dekada ng pamamahinga nito pagsgsulat ng script sa big screen?

"Si Ricky, kape lang yata yung kay Ricky!" natatawang biro ni Direk Chito.

"Hindi, kung napanood mo yung ginawa namin ni Ricky, maiintindihan mo kung bakit.

"Parang medyo may touch of sentimental tungkol sa Filipino horror through the ages—mga local ’50s, ’60s horror.

"Kaya yung trailer, medyo naka-costume yung mga character. But it’s really a look back of mga lumang-lumang characters ng Philippine movies.

"At nagpi-figure out dito yung demise of the celluloid film, kasi ngayon digital na lang.

"Of course, ayaw naman naming i-bore yung mga batang audience sa sentimental retrospective ng pelikula, but it’s there in the movie.

"Gano’ng feel ang ’Pamana’ episode namin."



MOTHER LILY. Ayon mismo kay Mother Lily, behave daw siya kapag si Chito Roño ang direktor ng kanyang pelikula. Meaning, hindi ito tumatanggi lalo na kung budget ang pinag-uusapan.

"Wala siyang makikitang direktor na kasing sipag ko," nangingiti pero seryosong sabi ng batikang direktor.

"Hanggang promo, hanggang editing, nagpupunta ako ng laboratory.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag babalik ako ng Regal, dapat bongga, di ba? Yun."

Sa mga nagdaang taong ay halos sa Star Cinema kasi gumagawa ng pelikula si Direk Chito.



KRIS AQUINO. Masasabing dahil kay Direk Chito ay nakabalik rin sa pelikula si Kris Aquino dahil sa hit movies nilang Feng Shui noong 2004 at Sukob noong 2006.

Sa SRR 14 ba ay may maaaring tanghaling kagaya ni Kris na certified Queen of Horror Films?

"Kasi three episodes siya, e," pagtukoy ni Direk sa SRR 14.

"It will not favor [just] one actor, it will favor all.

"So, kumbaga, each episode also is parang tempered to be unsimilar to one another.

"So, kumbaga, like for example yung ’Lost Command,’ lalaki lahat—kinse yata sila. Ang dami-dami nila!

"Isang episode, iba-ibang treatment. There would somebody there who would be noticed.

"When we did kasi Feng Shui, Kris was not known to do any movies at all. Bata pa siya, di ba?" noong huling makagawa raw ng hit films ang Queen of All Media.

"She was not really doing movies. She was more of a TV actress.

"Parang Feng Shui put her in the cinema list again.

"If I remember, before Feng Shui, if you remember, what was her last movie?"

"Massacre movies," sagot ng isang manunulat.

"Yun. Talagang sinusundan mo mga massacre films?" natatawang sagot ni Direk.

Nakagawa rin si Kris ng ilang pelikula, pero hindi kasing laking hit gaya ng Feng Shui at Sukob. Ang huli ang may hawak ngayon ng record bilang third highest-grossing Filipino film of all time.



THREE EPISODES. Aling sa tatlong episodes ng SRR 14 ang sa tingin niya’y pinakamaganda?

"Good luck. I-text ko sa ’yo mamaya!" natawang iwas ni Direk Chito sa nagtanong.

Sino naman among the cast members ang sa tingin niya ang may laban sa awards night ng MMFF?

"Alam mo, sa totoo lang, karamihan talaga sa kanila, magaganda ang performances... kanya-kanyang characters kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang feeling ko, sila-sila mismo maglalaban-laban.

"Dito naman kasi, kahit iba-ibang istorya, realistic ang performances.

"Mineyk sure ko naman na, kumbaga, makatotohanan ang mga pagganap nila. Hindi yung mga eksaherada.

"Yung mga hindi marunong umarte, pinapatay ko kaagad!

"May lisensiya ako dito!" natatawa niyang pahayag patungkol sa karakter ng mga hindi marunong umarte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN