Snooky Serna wants to clear name in controversy about acting school in Cabanatuan City

Hindi makapagbigay ng detalye si Snooky Serna nang usisain namin tungkol sa sinasabing nagsarang acting school sa Cabanatuan City, kunsaan magkasosyo sila ng manager niyang si Anthony Hernandez. Sabi lang ng aktres, “Kasi I find it a little bit unfair na may mga naririnig ako from his [Anthony] camp na may sinasabi siya this and that, this and that. Hindi naman ’ata tama.”


Paalis na si Snooky Serna sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University nang matiyempuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa katatapos lang na 26th PMPC Star Awards for Television noong Linggo, November 18.

Inusisa muna namin si Snooky kung ano ang mga bago niyang pinagkakaabalahan.

Excited niyang sabi, “Ay naku, medyo marami tayong aabangan!

“Una po sa lahat ang Shake Rattle and Roll 14 for the Metro Manila Filmfest.

“And yung The Bride and The Lover with Lovi Poe and Paulo Avelino.”

Lahat daw ito ay sa Regal Entertainment kaya malaki raw ang kanyang pasasalamat kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde na muli siyang pinagkatiwalaan ng malalaking proyekto.

Saad ng dating child star, “Ah, yes, salamat po and I’m very very happy and so thankful, una siyempre sa Ama, thank God na nabigyan po ako ulit ng industriya, ng showbiz…

“And siyempre, sa lahat po ng nagbibigay ng tulong sa akin—yung mga nagbibigay ng tiwala pa rin at suporta, kagaya ng Channel 2 and all the stations.

“Na ako ay mapalad naman na i-guest, kagaya po ng may show po ako sa kabilang channel, ongoing pa rin po yun,” pagtukoy niya sa Angelito Ang Bagong Yugto ng ABS-CBN.

Dagdag ni Snooky, “Sa lahat ng mga sumusuporta, thank you so much.”



ACTING SCHOOL. A few months back ay napabalitang nagbukas ng bagong negosyo si Snooky katuwang ang kanyang manager na si Anthony Hernandez.

Ito ay isang acting school na naglalayong maging venue sa mga gustong matutong umarte, kumanta, at sumayaw sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Pero ang latest, sarado na raw ito. Ano ang nangyari rito?

Pahayag ni Snooky, “Actually, yung acting school, medyo ano nga ‘yan e…

“I had to clear my name nga kasi nagkaraoon kasi kami ng falling out ni Mr. Anthony, yung aking former manager—which I haven’t talked to for a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We really has to sit down and talk kasi marami akong narinig, marami akong nabalitaan na pati ako ay naapektuhan.

“And I’d really, really like to clean my name naman, lalo pa ngayon na I have a responsibility on my shoulders.”

Ang tinutukoy ni Snooky ay ang TV show niya sa Gem TV.

Saad niya, “Nagpapasalamat po ako sa mga kapatid ko sa Iglesia Ni Cristo [INC] na ako po ay binigyan ng pamamahala, ng enough trust po para mag-host po ng Lingap Sa Mamamayan ng Gem TV.

“Malaki po yung responsibility, yung nakaatang sa aking mga balikat in the sense na, siyempre po, ang ginagawa ko kasi, ang adhikain po kasi ng Felix Y. Manalo Foundation ay lumingap ng mga kababayan—hindi lang mga kaanib [ng INC] kundi mga kababayan natin.

“And we really do a lot of public service work in different areas of society, in different ways, hindi lang sa iisang area.

“Malaki yung scope na hinahawakan ng Lingap sa Mamamayan, kaya with that trust na ibinigay sa akin na pamamahala, ay gusto ko na parang linisin yung name [ko].

“Kasi I find it a little bit unfair na may mga naririnig ako from his [Anthony] camp na may sinasabi siya this and that, this and that.

“Hindi naman ’ata tama.”

Nilinaw namin sa kanya kung pera ba ang dahilan ng paghihiwalay ng landas nila ng manager niya, pero ayaw naman itong kumpirmahin ni Snooky.

Sabi lang niya, “Actually, it’s not the money ang problema ko kundi yung trust…

“I don’t know kung kailangan ko ‘to sabihin right now, kasi I have to talk to my lawyer about it.

“Kasi it has something to do with legal matters na, e.

“Hindi ito simpleng problema, e.

“I’m praying that with God’s help, everything will be put in the right place.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas naman ang PEP sa panig ni Mr. Hernandez kaugnay ng mga naging pahayag ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN