Vin Abrenica dismisses sibling-rivalry issue between him and brother Aljur

Idiniin ng Artista Academy Best Actor na si Vin Abrenica ang usap-usapan na may sibling rivalry sa pagitan nila ng kuya niyang si Aljur Abrenica. May mga nang-iintriga kasi na kesyo mas magaling umarte Vin kesa kay Aljur. Pahayag ni Vin, “Wala ring kumpetisyon, wala talaga, sinusuportahan niya ako.”


Pagdating sa pag-arte, totoo nga bang mas angat ang Artista Academy Best Actor na si Vin Abrenica sa kanyang kapatid na si Aljur?

Ito ang sinagot ni Vin sa victory party ng SoVin (o Sophie-Vin loveteam) last Sunday, November 18, na ginanap sa bahay nina Sophie sa Dasmariñas Village, Makati.

May sibling rivalry na nga ba sila ni Aljur dahil sa intrigang mas angat siya sa kapatid pagdating sa pag-arte?

Sabi ni Vin sa Ang Latest, “Wala namang rivalry.

“Actually, he’s really proud.

"Sinasabi niya sa akin, ‘So far so good.’

“Wala ring kumpetisyon, wala talaga, sinusuportahan niya ako.”



SO-VIN VICTORY PARTY. Nagkaroon muna ng thanksgiving mass sina Sophie Albert at Vin bago ang simpleng party na may kasama pang kaunting palaro.

Kasama nila ang mga kapamilya, kaibigan, at SoVin supporters.

Kuwento ni Vin, “We’re celebrating yung victory party namin ni SoVin. I’m so happy na kasama ko yung family niya and family ko.

“Sobrang saya, na nagsimula kami sa AA, paglabas namin ng AA, nandun pa rin yung SoVin.

“Akala ko mag-i-stay lang siya sa AA.

“Pagkatapos ng AA, SoVin pa rin, solid.”



REAL SCORE WITH SOPHIE. Marami ang nakakapansin na tila “more than friends” na ang pagiging loveteam nila ni Sophie. Ano ba ang totoo tungkol dito?

Sabi ni Vin, “Kami talaga, we’re getting close.

“Dati, close kami talaga sa AA pa, tapos solid pa rin kami hanggang ngayon.

“Yung iba, hindi nage-gets, akala nila minsan, kami na ni Sophie, minsan silang dalawa naman ni Jon [Orlando].

“Meron talagang solid kaming tatlo, we’re best friends.”

Incidentally, magkakaroon ng show sa Zirkoh Morato sina Vin, Aljur, at ang kanilang ama na si Jojo Abrenica na pinamagatang Father and Sons sa December 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN