Willie Revillame confirms Wil Time Bigtime will go off-the-air on January 2013; announces the coming of a new show

Tinapos na ni Willie Revillame mismo ang mga ispekulasyon kaugnay ng pahayag niya nung Martes, Nobyembre 20, sa Wil Time Bigtime. Kinumpirma nito,"Hanggang January na lang po ang Wil Time Bigtime.”


Aalis na nga ba si Willie Revillame sa TV5 at babalik ng ABS-CBN 2?

Isa ito sa mga haka-hakang nabuo dulot ng pahayag na ginawa ni Willie Revillame nung Martes, November 20 sa kanyang TV5 show na Wil Time Bigtime.

Ani Willie, nagpaalam na raw siya sa management ng Kapatid Network tungkol sa kanyang plano na iaanunsiyo niya naman sa January 5, 2013.

(CLICK HERE for related story.)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang taong malapit kay Willie at tinanong ito kung may katotohanan o may posibilidad nga bang bumalik ang 51-year-old TV host sa dati nitong pinagtrabahuhang istasyon.

“Malaking kalokohan ‘yan. Pagkatapos nang naganap?” sabi ng taong ito na humiling na huwag banggitin ang kanyang pangalan.

Matatandaang may nakabinbin pang kaso sina Willie, ang TV5, at ABS-CBN na nag-ugat sa pag-alis ng TV host sa Kapamilya Station at pagkakaroon ng show sa TV5.

(CLICK HERE for related story.)

Matapos ang pahayag ni Willie nung Martes, hindi naman ito sumipot sa Wil Time Bigtime nung Miyerkules, November 21, at kahapon, Huwebes, November 23.

Ayon sa nakausap ng PEP, na insider sa show, nagpapahinga lang daw si Willie at medyo masama ang pakiramdam.

Kahapon din, November 22, sa Andar ng mga Balita sa Aksyon TV Channel 41, nagbigay ng maiksing pahayag ang Business Unit Head ng Wil Time Bigtime na si Jay Montelibano.

Ayon sa kanya, matagal na daw nabanggit ni Willie sa kanya ang balak nito at rerespetuhin nila ng kanyang staff ang magiging desisyon ng TV host.

Dagdag pa niya, “He has also been telling me about it na rin, e. The daily grind…Monday to Saturday is really taxing.”

Hindi pa rin maliwanag sa maiksing pahayag ni Jay kung ano nga ba ang iaanunsiyo ni Willie sa Enero.

WIL TIME BIGTIME WILL GO OFF-THE-AIR. Kanina, November 23, sa pagsisimula ng Wil Time Bigtime, masayang ipinakilala si Willie ng kanyang mga co-hosts na sina Lovely Abella, Camille Villar, Cindy Miranda, at Grace Lee. Absent sa show si Mariel Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panimula ni Willie, “Okey naman kayo? Masaya naman kayo?”

Sumagot naman ng kanyang mga co-hosts ng, “Yes!”

Patuloy ni Willie, “Everybody, dapat maging happy lang dapat. Magandang gabi po, Luzon, Visayas, Mindanao, at sa buong mundo.”

“Okey, may mga lumalabas na na kung anu-ano, nagsalita lang ako nung Tuesday. Nagsalita ako ng Martes.

“Ang sabi ko, January 5. Para malaman niyo ang totoo, ako na ho, sa akin na manggagaling. Sabihin ko na sa inyo ang totoo. Hanggang January na lang po ang Wil Time Bigtime.”

Sigawan naman ng pagkalungkot ang mga tao sa audience, pati na ang kanyang co-hosts.

Pero natatawa lang na sinabi ni Willie na, “Huwag nga kayong OA.”

Sumabat naman si Grace Lee na, “Ako kasi ang pinagbibintangan...”

Sabi naman ni Camille, “Oo nga, na malas daw si Grace...Kaka-welcome lang natin, e...”

Nagsalita muli si Willie, “Para malaman niyo, ako po ay lilipat na.”

Tila napaiyak naman ang ilang mga tao sa audience, pati na co-hosts ni Willie.

Tanong tuloy ni Grace, “Sa’n kayo pupunta?”

“Huwag na kayong umiyak, hindi pa ako mamamatay. Ako po ay lilipat na by January. Wala na pong Wil Time Bigtime,” ani Willie.

“Magsasama tayo kung saan ako pupunta?” tanong niya sa audience, na sumagot naman ng “Oo!”

“Walang iwanan, kahit sa umaga? Tanghali? Madaling-araw? Gabi?” sunud-sunod na tanong ni Willie.

Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa studio sa pagsagot ng “Oo.”

“Para wala nang mga tanungan, sagutin ko na, gusto ko hangga’t maaga.

“We only have two months to go. At ako po ay lilipat na, at sa paglipat na ‘yan, mas maganda, mas malawak, mas maraming papremyong ibibigay!” pahayag ni Willie.

Dito nagsisigawan ulit ang mga studio audience sa kasiyahan naman.

Dugtong pa ni Willie, “Kaya i-enjoy natin yung Wil Time Bigtime hanggang nandito at marami kaming ibibigay sa inyo na big time na papremyo. Okey?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW SHOW, NEW SEGMENTS. Paliwanag pa ni Willie, “Yun po, sa paglipat na yun, bibigyan namin ng pagkakataon yung mga nangangarap na gustong sumikat.

“Marami kaming mga portions doon na bago. Para alam niyo na, tutal magmi-meeting tayo,” sabay harap ni Willie sa staff, “Okay?"

Pagpapatuloy niya, “So, maganda po itong gagawin naming programa para sa inyo, para alam niyo na.

“Meron diyan mahilig magiging star, meron tayong title diyan na ‘Born To Be A Star.’”

“Yung mga nangangarap, mga batang kapuspalad na walang pambili ng gamit, damit para sa pangkontes, ibibigay po ‘yan ng bagong programa.

“Okey. Yung mga magulang na walang pangpaaral sa kanilang mga anak, na kaya naming tulungan, sa abot kaya po ng programang bago, ibibigay po namin ‘yan.”

“Okey. Mga January 5, that’s it for Wil Time Bigtime.

“Pero ilang linggo lang po at ilang araw lang, bubuksan na ang bago—mas malaki, mas makikinig sa inyo at mas magbibigay ng pagmamahal na todo-todo para sa inyo. Okey?”

Pabiro pa niyang dugtong, “’Yan po ang good news. Ang bad news, magbabago na ako ngayon ng mga co-hosts.

“Magbabago na rin ng mga dancer. E, bago, e. Pero puwede pang iwanan yung Wil Time Bigtime, kayo na lang muna.”

Tanong naman ni Camille, “Uy, sabi mo walang iwanan?”

Pabiro pa ring tugon ni Willie, “Noong isang gabi, dalawang araw akong nagmumuni. Sabi ko, yung mga lolang ‘to kasama ko pa sa bago, siyempre mga bago naman, yung mga magaganda. Walang mga ugat sa katawan.

“Isa lang ang maiiwan, si Ana Feleciano lang. Dahil meron tayo dung portion na ‘Home for the Aged.’”

A NOONTIME SHOW FOR WILLIE? Seryoso namang pagpatuloy ni Willie, ‘O, yun. Sinabi ko na para yung mga ispekulasyon niyo na baka yung iba nagsasabing baka nagpapaimportante pa kami.

“Nagpapaimportante pa ako, nagpapa-cute pa ako…hindi po!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tandaan niyo po, yung bagong programa, mas magiging kumportable po kayo. Hindi na kayo aantukin.”

Ang tinutukoy ni Willie na aantukin ay yung mga lolo at lola at ilang mga audience sa Wil Time Bigtime na nakukuhanan ng kamera na natutulog.

Alas-siyete na ng gabi kasi nagsisimula ang kanyang programa at natatapos ito ng halos alas-diyes na.

Pagpatuloy pa ni Willie, “Dahil pakakainin namin kayo ng masarap, okey?

“Basta tandaan niyo po yan, ayan na matatapos na ang ispekulasyon, we only have two months.

“Yung dalawang buwan na yun, yung bagong programa, I think ilo-launch na ‘yan sa birthday ko na.

“Sa birthday ko na, bagong studio, bago lahat, bagong gamit.

“Iba na ‘to. Bagong mga games. Maaring may matirang ibang games, bago lahat. Bago, puro bago ang perang ibibigay namin sa inyo.

“Okay na?” tanong niya pa uli sa audience at sa kanyang co-hosts.

“Huwag na kayong sumama?” biro naman niya ulit kina Lovely, Camille, Cindy, at Grace.

Sabay-sabay namang sumagot ang apat na, “Sama kami!”

Dito ay nagsabi si Grace ng, “Ako, bago. Sabi nga nila, malas daw ako, nung sumali lang daw ako.”

Sabi naman ni Willie, “Hindi, bago ka, pero mukhang luma ka na.

“Loko lang, ikaw pa, ang ganda-ganda mo nga ngayon. Ang gaganda ng mga hosts natin. O, di ba?

“O, basta mag-enjoy kayo, pangako ‘yan, dalawang araw akong nag-isip at nagmuni-muni, pinag-aralan ko at pinanood ko yung mga dapat panoodin at iniisip ko kung anong wala sila.

“Yun ang ibibigay namin sa inyo.”

THANKFUL TO TV5 MANAGEMENT. Patuloy ni Willie, “O ayan na, para matapos na.

“Basta ho, lilipat kami ng bagong studio, mas madali niyong puntahan, mas malapit. Lumapit na kami sa mga istasyon, ang lapit-lapit na. Dikit dikit na kami.

“Yan po ay sa Quezon Avenue. Para pagbaba niyo sa bus stop, andun na. Hindi na kayo mahihirapan, maraming mga restaurants...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang iniisip namin, lalo na ang mga lola, ayaw namin na kayo ay inaantok.

“Kasi dito pag-uwi nila, gabi na.

“Mag-e-enjoy kayo, iba ‘to. Bagong kamera, bagong ilaw, bagong sound system.

“’Yan, of course, si Atty. Ray Espinosa at ’yan po si MVP, at sa buong TV5.

"Puro bago, bagong lugar, bagong saya. Para po sa inyong lahat,” banggit pa ni Willie sa TV5 President and CEO na si Atty. Ray Espinosa at TV5 Chairman na si Manny V. Pangilinan.

“Malapit na, sasabihin namin sa inyo, inaayos pa lahat. May mga bago kaming co-host na magaganda. Mga bata,” pagbibiro muli ni Willie sa kanyang co-hosts.

BIGGER STUDIO, BIGGER PRIZES. Muli ay inulit ni Willie na hanggang January na lang ang Wil Time Bigtime.

Ngunit sinigurado naman niyang babalik din sila agad.

“Magpapahinga lang kami sandali, pagbalik namin iba na.

“Kung namigay tayo ng ilang bahay…27—uy, birthday ko, ha—27 na po yung naibibigay na bahay.

“Hindi pa po tayo namigay sa loob ng studio ng malalaking pera, e…yung 100 thousand.

"Mamigay tayo ng sampung 100 thousand sa birthday ko, sampung isandaang libo,” palakpakan ang mga tao sa pahayag na ito ni Willie.

Sa darating na January 27 ang ika-52nd birthday ni Willie.

“Sa loob ng studio ‘yan, sa bagong studio natin. Abangan niyo po yan, tuloy na tuloy na ‘yan.”

Nagpasalamat naman si Willie sa mga bosses niya sa TV5.

“Atty. Ray Espinosa, sir, thank you so much. Palakpakan niyo ang aming president at CEO sa sobrang suporta, and, of course, MVP, salamat sa tiwala at paniniwala.

“In my behalf and of course sa lahat ng staff, sa lahat ng mga performers namin, marami pong salamat MVP and Atty. Espinosa sa sobrang pagmamahal niyo sa publiko, kami po ay kasama niyo. Thank you so much, TV5.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN