PART 2: Zoren Legaspi and talent manager Shirley Kuan relate how a blind item almost ruined their surprise for Carmina

Ang ikinaiinis ng talent manager na si Shirley Kuan tungkol sa blind item na lumabas ilang oras bago ang sorpresa kay Carmina Villarroel ay ang tangka nitong sirain ang lahat ng pinaghirapan nila ni Zoren Legaspi at iba pang kasama sa paghahanda ng sorpresang proposal at wedding.


May tweet na natanggap si Carmina Villarroel dalawang gabi bago ng surprise November-15 wedding niya kay Zoren Legaspi.

Ito ang kuwento ni Carmina Villarroel noong November 20, Martes, sa Patio Carlito, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalo ng presscon ng Carmina-Zoren: Always, Forever. A Wedding Like No Other TV special, na ipapalabas na mamayang gabi.

Kuwento ni Carmina sa presscon: “Two nights before that, kasi nga, hindi na ako masyadong nag-aano sa computer. Noong patulog na ako, nag-check lang ako.

“May isang mama roon, hindi ko naman siya kilala, ‘Ay, sa November 15, sa Thursday, magaganap na ang kasalan at ABS-CBN ang magko-cover no’n kaya siguradong maganda.’

“Sabi ko, ‘Huh, anong wedding?’

“Gusto ko sanang sagutin at ikorek siya na, ‘Uy, hindi ito kasal, TVC ito ng Selecta. Mag-ano ka riyan, nakakahiya.’

“Kaso, hindi ko siya puwedeng sagutin kasi confidential naman ang Selecta. Sabi ko, naku, ano ang gagawin ko?

“Hay, hayaan mo na nga. Inisip ko pa, baka nalaman pati storyboard. Paano nalaman ang storyboard?

“Naku, dedma na nga. So, dedma na. Pero, hindi talaga pumasok sa isip ko na baka ikasal ako…wala!

“As in, confident ako na Selecta TVC.

“Hindi pala. Tama siya.”

STRESS-FREE BRIDE. Todo rin daw ang production dahil lahat daw nang nandoon sa Fernbrook, naka-I.D. ng production para sa Selecta.

Kung ang ibang mga bride ay nagkakaroon ng mga wedding jitters, hindi mapagkatulog sa gabi, 100 percent stress-free bride naman daw si Carmina.

Ang groom na si Zoren daw ang nagpasan ng lahat ng stress.

Natatawang kuwento nga ni Carmina, “It’s really a stress-free bride.

“The night before, I was asleep. Sleeping like a baby. So, wala lang.

“Kaya sinasabi nila na lahat ng stress, lahat ng tension ng bride e nasa groom!”

Hindi niya naramdaman kay Zoren na natetensiyon na ito noong gabi pa lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala,” saad ni Carmina.

“Ang alam ko, meron siyang gustong idirek, meron siyang gustong i-produce na pelikula.

“Ganoon si Zoren, kapag meron ’yang gusto o meron siyang iniisip na gawin, hindi talaga makatulog ’yan.

“So, yun ang iniisip ko. Hindi ko iniisip na dahil may pini-prepare siyang mga ganito, wala talaga akong ganitong ni katiting na inkling.”

Sabi pa niya, “No regrets. Kung meron nga akong gustong baguhin? Wala, wala akong gustong baguhin. In fact, very thankful nga ako dahil sila ang na-stress. Silang lahat ang na-stress.”

Natawa naman ang lahat nang sabihin ni Zoren na gusto raw niyang batuhin ng unan si Carmina habang natutulog at siya ay hindi makatulog.

“Worried ako noong last night namin kasi gusto kong matulog. At may naramdaman akong kakaiba, na na-realize ko na ang daming taong tumulong sa amin. Hindi ko na magagawa ‘to.

“Hindi ko na inalala kung matutuloy ang wedding, ano pa ba ang kulang…

“Yung mga taong behind it, doon ko na-realize how big the party is and how difficult to mount a surprise wedding.

“Kaya nga noong gising pa ako ng 3 a.m., siya mahimbing ang tulog, gusto kong batuhin ng unan.

“Sabi ko, ‘Walanghiya, ang himbing-himbing ng tulog, tapos ako…’

“Pinahiram nila ako, ng ABS, ng portable videocam na ginagamit nila sa PBB [Pinoy Big Brother]. Na makikita mo, mahimbing ang tulog nilang tatlo, ako hindi.”

Nagulat naman si Carmina at saka sinabing, “Mapapanood nila ang pagtulog ko?! Oh, my God! Nakakaloka ka!”

BLIND ITEM ALMOST RUINS IT. Pero ilang oras bago ang kasal, ikinuwento rin ni Zoren na medyo nag-panic sila dahil sa isang blind item na lumabas.

Sabi naman ni Zoren, “Maganda naman ang pagkakasulat, pero, nakakainis.”

Ang blind item daw ay nanggaling sa isang blogsite.

Sa puntong ito, si Shirley Kuan na ang nagsalita.

“Grabe yung preparation at protection for the secrecy and the surprise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, even the closest, closest friends namin sa press, hindi namin nasabihan. Kahit alam namin na mapagkakatiwalaan namin.

“Parang the lesser, the better. Nag-leak, wala tayong sisihan.

“So, the closest, amongst you, you know who you are, talagang tiniis namin.

“Then, at 2 a.m., tumawag ang ABS-CBN sa amin, may blind item na lumabas...”

Wala naman daw clues na ibinigay ang blind item na magtuturo kina Carmina at Zoren, liban sa isa nga itong “local mob-style wedding.”

“Six a.m., paggising ko, tinext ko agad si Zoren at Tita Dolor, sabi ko, ‘Urgent, call me.’

“Tinawagan ko si Tita Dolor na may blind item. Ang importante lang doon, we really don’t care kahit ang buong mundo mabasa nila ang blind item.

“Ang importante—hindi mabasa ni Carmina.”

Hindi raw talaga nila nagustuhan ang ginawang blind item ng blogsite.

“Alam niyo, ang sama, malicious. Parang unfair ng ginawa mo.

“Gusto mong maka-scoop, pero hindi mo naisip ang hirap namin.

“Sabi ni Tita Dolor, ‘Tawagan mo si Zoren.’

“So, ‘Zoren, nasaan ka?’ ‘Sa loob ng kuwarto.’

“’Si Carmina?’

“‘Tulog na tulog pa! Ako nga, two hours lang ang tulog ko. Ito, ang sarap-sarap ng tulog. Buti na lang surprise sa kanya.’

“Sabi ko, kung ganoon, magkahiwalay sila ng call time. Sabi ko, ‘Dalhin niyo na ‘yan.

"’Huwag niyong papayagang mag-online ‘yan! Tanggalin niyo sa online ‘yan dahil hindi niya puwedeng mabasa ‘yan.

“’Bisihin niyo. Bibisihin ko rin.’

“Text din ako nang text kay Carmina.

“My point is, I really thank you, guys. I know we trust you, but this is a surprise.”

Ipinarating ni SK ang disgusto niya sa ginawa ng blogsite.

“Naka-scoop ka, pero malicious ka. And we really don’t appreciate you wrote it dahil hindi mo kami pinagbigyan.

“Same day na, e. We were there, we were almost there. Balak mo pang sirain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But anyway, I went to bed, and I said a prayer and I said, ‘Lord, Thy will be done.’”

Dugtong naman ni Zoren, kahit daw ang mga kasamahan nila sa bahay, walang alam.

“Yung mga driver ko, mga P.A. ko, walang alam. Kasi, ang fear ko ron, ‘Kuya, pahingi po ng raise. Kung hindi, sasabihin ko kay Carmina ang plano mo,’” biro pa ni Zoren.

TWINS KNOW ABOUT BB. All the while naman pala, ang akala nina Carmina at Zoren, alam ng kambal nila na kasal ang mga magulang nila.

Kaya inisip pa raw ni Zoren na magiging “dramatic” ang pagtatapat niya kina Mavi at Cassy.

Ayon kay Zoren, “’Di ba, alam niyo naman ang past ni Carmina? At napag-usapan talaga namin ni Carmina na this year, ipagtatapat na namin sa kambal ang kabuuan ng kuwento niya.

“Tapos, dumating itong kasal. So, sabi ko sa sarili ko, dapat masabi ko yata sa kambal yung istorya ni Carmina kasi, ang alam ng kambal, kasal kami. E, hindi namin sinasabi at wala kaming kinukuwento.

“E, mga five hours to go na lang at magre-rehearse na ng sayaw ang kambal. So, sabi ko, kailangan ko nang ipagtapat sa kambal ang katotohanan.

"Nagkataon na si Carmina nasa banyo. E, ang tagal niyan.

"So, ginather [gather] ko na ang kambal. Alam nila ang tono ng boses ko kapag alam nilang something serious.

“So, I said, ‘What I’m going to tell you is very important. You have to listen.’

“So, ang sine-set-up ko, Coco Martin-drama na may iyakan kami dun. Ganoon ang sine-set-up ko.

“So, sabi ko, okey, iyakan ‘to for sure. Lalo na yung babae, susunod yung lalaki, iiyak.

“Sabi ko, ‘Kids, do you know that I’m not the first husband of mommy?’

“’Yeah, we know,’ sabi ng dalawa.

“Nagulat ako. Sabi ko, ‘What? What do you mean you know?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’We know!’

“’So, who’s the first husband of mommy?’

“BB! [Gandanghari]’

“’How do you know BB? How do you know that guy?’

“’We watched The Buzz, he’s there!’

“’Are you serious?’

“’Yes, we know.’

“Then, ‘Are you not married?’ sabi sa akin ng dalawa.

“Sabi ko, ‘Not yet.’

“’What? You’re not married?!’ Biglang nagka-what-what-an kami.

“Then, I said, ‘We’ll get married and I have a surprise nga.’

“’Yeah, totoo?’

“So, nakakatuwa rin ang kambal kasi, kahit alam pala nila, wala silang inhibition.

“So, kumbaga, para sa kanila it’s very light.

"And so, I said, ‘When you see that person [BB], you have to be very polite. Alam niyo naman ang story.’ So, yun ang story nun.

“So, ngayon, wala na kaming itatago, pero gusto ko pang si Carmina pa rin ang magsabi. Not in full details, but you know, siya dapat ang magsabi nun.”

Sabi naman ni Carmina, “After the wedding, siguro mga 2 a.m. pa yata yun, alive na alive pa kami. Nasa venue pa kami.

"Sabi ni Cassandra, ‘You know, Mom, all this time, I thought you guys are married.’ Pero masaya. Walang tampo.

“’Yeah,’ sabi ko.

“E, hindi ko naman alam na kinausap niya [Zoren] ang kambal, kasi nga, hindi pa kami nagkakakuwentuhan pa.

“’Tapos sabi niya, ‘Tatay told us, so we know everything.’

“Kaya kung ano ang sinabi niya,” turo ni Carmina kay Zoren. “Yun din ang sinabi niya [Cassy] sa akin.

“So, isang shock na naman yun sa akin.

“Na-amaze lang ako sa mga anak namin, kung papaano nila…I mean, mga bata sila, but in a mature way nila hinandle [handle] ang mga bagay-bagay.

“Nagpapasalamat din ako, with my part, wala silang hinanakit. Walang insecurities growing-up. Hindi sinasabing, ‘You’re a liar!’ ‘Amalayer!’ walang ganun,” tawanan ang lahat sa paggaya ni Carmina sa isang eksena mula sa isang viral video na sumikat kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala ba ng kambal si BB?

“Kilala nila,” sagot agad ni Carmina. “Kilala nila as Rustom [Padilla] at kilala nila as BB, kasi nga, magkasama sila [Zoren] sa show, Enchanted Garden, at na-interview pa ni Zoren.

“Naalala ko pa nga dati, noong makita ni Mavi, nakita niya yung picture ni BB, sabi niya, ‘Mom, that dude used to be a guy?’

Sumingit naman si Zoren at sinabi kay Carmina na, “Tama na, move-on na tayo.”

“Ganoon lang yun, sine-share ko lang kung gaano ka-light at gaano sila ka-relax,” sabi naman ni Carmina.

“Ibig sabihin, wala nga silang hinanakit sa atin, very light, very casual lang.

“So, si Cassy, tinatanong pa nga sa akin, ‘So, he used to be your boyfriend, your husband?’

“Kaya nga ang sagot ko…” Napatango na lang daw siya.

Dugtong pa niya, “Ibig kong sabihin, I don’t have to lie, I don’t have to sugarcoat. Alam na nga nila. Iba na ang generation ng mga kabataan ngayon.”

WHERE IS RUFFA? May nagtanong naman kay Zoren kung bakit daw hindi inimbitahan ni Zoren si Ruffa Gutierrez.

May nagbiro na baka raw ba ikalat ni Ruffa ang secret?

“Hindi, e. Hindi naman baka itsismis… Baka ihinto niya, e,” biro naman ni Zoren.

Sabay bawi, “Erase, erase… hindi yun.

“Hindi talaga siya na-invite dahil tinanong ko si Jimmy [Ruffa’s personal assistant] kung ano ang gagawin nila ng Thursday, sabi niya, meron. So, I didn’t bother them.”

Hindi ba nagtampo sa kanya si Ruffa lalo na’t magkasama pa sila sa Enchanted Garden?

“Sabi niya, magpa-lechon daw ako sa set. Ganoon lang. Magkaibigan naman kami ni Ruffa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN