Businesswoman Cristina Decena on estranged husband Ariel Villasanta: “Mabuting tao si Ariel. Maayos siya. Hindi siya kamukha ng ibang lalaki na mag-aabuso, magti-take advantage.”

Mayo ng taong ito nang maghiwalay ang mag-asawang sina businesswoman-TV producer Cristina Decena at TV host-comedian Ariel Villasanta. Ayon kay Cristina, may 20 percent pa ring tsansa na magkabalikan sila ni Ariel kaya hindi pa nila kinu-consider ang pagkuha ng annulment.


May anim na buwan na rin daw simula nang maghiwalay ang mag-asawang Cristina Decena at Ariel Villasanta. Mayo ng taong ito nang maghiwalay ang dalawa.

(CLICK HERE for related story.)

Pero bago sila naghiwalay, may ilang beses silang nagpa-civil wedding sa iba’t ibang bansa.

Sa katunayan, kung hindi naganap ang kanilang hiwalayan, ngayong December sana ang plano nila para sa isang church wedding.

(CLICK HERE for related story.)

Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang businesswoman, na nakilala noon dahil sa relasyon niya kay Phillip Salvador at nitong nakaraan nga ay kay Ariel.

Pinuntahan namin siya sa kanyang opisina sa Ortigas, Pasig City, noong November 16.

Ani Cristina, wala na siyang komunikasyon kay Ariel mula nung magkahiwalay sila.

“Wala, totally wala,” saad ng businesswoman.

“Iba kasi si Ariel, e.”

Tinanong namin siya kung sa tingin niya ba’y may karelasyon nang bago si Ariel.

“Wala. At saka, yung driver niya, driver ko rin.

“Then si Mommy [Elvie Villasanta, ina ni Ariel], parang basket na bukas.

“Kapag sinabi mo, sasabihin niya yun. Nakakakuwentuhan ko pa rin siya,” sabi pa ni Cristina.

“Kahapon, nandoon ako, pinuntahan ko siya. At saka from time to time, nagkakatawagan kami.”

Pero kung nagkakausap sila ni Mommy Elvie, bakit hindi naman sila nagkakausap ni Ariel?

Sagot ni Cristina, “Gusto niya ng space. So, nirerespeto ko yun.

“Kasi si Ariel, artist. Gusto niyang mag-isa.

“Akala niya siguro gusto niyang mag-asawa, pero mas gusto niyang mag-isa.”

GETTING BACK TOGETHER AGAIN. May 20 percent chance pa naman daw silang magkabalikan, ani Cristina.

Ganun din daw ang sinabi ni Ariel sa isang interview nito, kaya hindi pa nila kino-consider ang pagkuha ng annulment ng kanilang kasal.

“Siya rin kasi, ganoon ang sinabi niya noong ininterbyu siya sa Sharon noong Friday.

"Sabi niya, hindi pa rin daw niya sinasarado ang pintuan ng bahay niya para kay Cristina Decena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman, ganoon din.”

Hindi kaya kailangang isa sa kanila ang maunang lumapit na?

“In God’s time,” saad naman niya.

Dugtong din ni Cristina, “Kamukha niyan, sa January, mag-e-air ulit ang Mommy Elvie.

"Hindi naman kami puwedeng hindi mag-usap, ako ang producer ng show, e, di ba?” banggit pa ni Cristina sa GMA News TV show ng ina ni Ariel.

So, parang business na lang?

“Doon naman magsisimula ‘yan. Kapag nag-uusap na kami at naramdaman naming gusto namin ang isa’t isa, alangan namang mapigil yun?

“After all, mag-asawa naman kami.”

ARIEL IS A GOOD PERSON. Sinabi ni Cristina na mabuting tao raw si Ariel at nakita niya ito.

Hindi rin daw ito nagsamantala na maaaring tulad ng iniisip ng iba.

“Mabuting tao si Ariel. Maayos siya. Hindi siya kamukha ng ibang lalaki na mag-aabuso, magti-take advantage.

“Naghiwalay kami nang walang problema sa pera, walang third party involved.”

Tahasan niyang masasabi na hindi pera niya ang dahilan kung bakit naging sila?

“Hindi talaga, hindi talaga,” seryosong sagot niya.

“Kasi, lahat ng ibinigay ko sa kanya, ibinalik din niya sa akin sa paraan na kaya niya. At saka, sa paraan na alam niya.

“Ibinibili rin niya ako ng bagay na hindi alangan sa status ko.

"Sa mga anak ko, iniisa-isa rin niya, mahal din niya.”

Tinanong namin ang businesswoman-TV producer kung iniyakan ba niya ang paghihiwalay nila ni Ariel.

“Oo naman. Kaya nga ako nangayayat, hindi ako nakakain. Matagal din, siguro mga four months.

“Pero ngayon, moving-on na, nakaka-move-on na.”

ANOTHER AWARD. Nakatanggap namang muli ng award si Cristina.

Una niyang award noon ang Most Outstanding Woman In The Field of Real Estates.

Pangalawa niyang award ang Bayaning Filipino Award mula sa Gawad Amerika na naka-base sa California, U.S.A.

Isa raw rason marahil ay ang Rated K guesting niya kaya siya nakilala at napili ng Gawad Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, TFC, naipon siguro nila ang mga feature ko sa Rated K na nagkakawanggawa, nagpu-foot spa sa mga Aetas, sa Golden Acres. So, ganoon,” palagay ni Cristina.

Bukod kay Cristina, tumanggap din daw ng award si Manny Pacquiao ng Bayaning Filipino Award at gayundin ang actor-politician na si Daniel Fernando na Vice Governor ng Bulacan sa larangan naman ng pulitika.

Personal daw na tinanggap ni Cristina ang award niya sa Gawad Amerika, kasama pa ang lahat ng anak niya.

BEING LINKED TO DANIEL. Sa isang banda, nagulat naman si Cristina na nali-link sila ni Vice Governor Daniel.

Sabi nga niya, “Nali-link ba kami? Hindi naman, dahil lang sa launching yun.”

Walang asawa at binatang-binata pa pala si Daniel.

“Sinabi niya yun, straightforward na wala siyang asawa at anak.”

Bakit naman sinabi sa kanya ni Daniel yun?

“Hindi ko alam. Sinabi niya sa amin na hindi pa siya nagpapakasal sa buong buhay niya at wala siyang anak.”

Niyaya rin daw siya nitong mamasyal noong nasa U.S. sila. Pero, dahil sa kakulangan ng oras, hindi raw siya sumama.

Kung tutuusin, hindi man artista si Cristina, puwedeng sabihin na daig pa niya ang ibang artista dahil ilang produkto rin ang ineendorso niya.

Ano nga ba ang pakiramdam na siya ang kinukuha?

“Siguro dahil pinaniniwalaan ka nila, dahil may credibility,” simpleng sagot ng businesswoman at producer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN