Christopher de Leon on Pahiram Ng Sandali co-star Dingdong Dantes: “He’s a big star and a good one.”

“Well, we’ve been looking forward to doing this. Na sana we can work together in a special project, and this is the one,” sabi ni Christopher de Leon tungkol sa kagustuhan niyang makatrabahong muli si Dingdong Dantes. Huli silang nagkasama sa isang proyekto nung 2003 sa pelikulang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.


Mula sa fantaseryeng Luna Blanca, sasabak na muli ang award-winning actor na si Christopher de Leon sa isang drama series, ang Pahiram Ng Sandali, na magpa-pilot episode na sa Lunes, November 26, sa primetime ng GMA-7.

“Ngayon, straight drama naman,” nakangiting sabi ni Christopher habang kausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng entertainment press sa presscon ng Pahiram ng Sandali sa GMA-7 nung Martes, November 20.

“I played the husband of Janice, played by Lorna Tolentino. My name is Phillip.

“I am a lawyer, pero si Janice, si Lorna, was the one who made me [become] a successful lawyer. So, without her, wala.

“And at the same time, meron siyang [Philip] affair. A singer, Baby ang pangalan niya. But still, he’s very much in love with his wife.

“Siguro, nagagawa niya lang yun because of…siguro, insecurities. Dahil si Janice ang nagpasikat sa kanya,” palagay ni Christopher tungkol sa karakter niyang si Philip.

Ang papel na Baby naman ay ginagampanan ni Alessandra de Rossi.

SIMILARITY WITH HIS ROLE. Kahit na walang maisip na pagkakahawig si Christopher ng karakter niya sa series sa aktuwal na personalidad niya, malapit naman daw ang pagiging abugado nito sa kanyang pagiging miyembro ng Batangas Provincial Board.

Isang abugado ang role na ginagampanan ni Christopher sa Pahiram Ng Sandali.

Sa totoong buhay, sabi ni Christopher, “I’m not a lawyer, but I tried to be one. And I’m a public servant. So, I got to be involved in the legislative process.”

At dahil tatakbo siya bilang kongresista sa darating na eleksyon sa 2nd District ng Batangas, sinabi ni Christopher na baka hanggang March lang siyang puwedeng tumanggap ng trabaho sa TV.

“I think so, hanggang March, yun ang sabi ng lawyer ko. Pero kapag campaign period na, wala nang palabas sa TV,” aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT THE FIRST TIME WITH DONG. Excited naman daw si Christopher na makatrabaho si Dingdong Dantes, na siyang bida ng Pahiram Ng Sandali.

Ayon pa kay Christopher, “It’s not my first time to work with him. [I worked with him and] with Regine Velasquez, Pangarap Ko Ay Ibigin Ka [2003]. Bata pa siya no’n.

“But this is the first in teleserye and, now, he’s a big star and a good one.”

Kumusta naman nang magkita sila sa isang teleserye after so many years?

“Well, we’ve been looking forward to doing this. Na sana we can work together in a special project, and this is the one.”

REUNION. Tila reunion naman nina Christopher, Lorna Tolentino at direktor Maryo J. delos Reyes ang proyektong ito sa GMA-7.

Marami na rin kasi silang ginawa noon na magkakasama sila.

“Oh, yes, especially with Maryo. Iba ang quality, I’m sure,” ani Christopher.

“Iba rin ang ginawa namin ni Lorna with Maryo. Ang dami naming ginawa.

“Yung mga movies na ginawa namin noon e pinagaganda siguro nila ngayon.

“Katulad nito, yung Pahiram Ng Sandali, movie namin noon na Pahiram Kahit Sandali [1998], na si Ara Mina naman ang mistress ko.

“So, I guess, ganoon lang siguro, mas pinagaganda lang ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN