John James Uy is very happy to star in his first movie after being in showbiz for five years

Wala raw pagsisisi si John James Uy na marami siyang pinalagpas na movie offers at ngayon lang siya nagkaroon ng pelikula kahit na limang taon na siya sa showbiz. Aniya, “Everything happens for a reason. But it’s ok. Who will remember naman those small roles, if ever?”


After five years sa showbiz, leading man na sa pelikula ang model-turned-actor na si John James Uy.

Born and raised in California, U.S.A., ang claim to fame ni John ay nang maging runner-up siya ni Carl Guevarra sa Be Bench model search ng ABS-CBN noong 2007.

In John’s first ever film, Rigodon, ka-partner niya ang bini-build up ng Viva Films na bagong film sex goddess na si Yam Concepcion.

Kasalukuyang palabas sa mga sinehan mula pa noong November 21, ang Rigodon ay sinasabing magbabalik ng sexy genre sa Philippine Cinema.

Sa direksyon ni Erik Matti, ang Rigodon ay mula sa Viva Films and Reality Entertainment.

May dalawa itong Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ratings na R-18 (director’s cut) para sa lahat ng sinehan ng Robinsons Movieworld, at R-16 naman para sa major SM Cinemas.

Sobrang saya ni John sa pagkakapili sa kanya ni Direk Erik. Kabilang sa magagandang sexy films na ginawa ni Direk Erik ay ang Scorpio Nights 2 (starring Joyce Jimenez), Ekis (starring Rica Peralejo), at Prosti (starring Aubrey Miles) na produced din ng Viva Films.

Three to four years ding naging under contract si John ng Star Magic (talent management arm ng ABS-CBN) mula pa noong pumuwesto siya sa Be Bench search.

Sa Kapamilya network, ang naging past regular TV shows niya ay Love Spell: Cindy-rella (2007); Pieta, ASAP, MYX North America (2008); Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal, Tayong Dalawa, Your Song Presents: Love Me, Love You;

Agimat Presents Tonyong Bayawak (2009); various guestings noong 2010; Your Song Presents: Kim, at Reputasyon (2011).

Rigodon is my first film ever, and I’m proud of it,” sabi ni John nang eklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva Office, sa Ortigas Center, Pasig noong November 19, Monday.

“There were film offers before, pero schedule conflicts at that time, e. Pero most of those offers rin are small roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is really my first ever film role and I’m so happy about it.”

Nire-regret ba niya na after five years ay ngayon lang siya nagkapelikula?

“No,” mabilis niyang sagot. “Everything happens for a reason. But it’s ok. Who will remember naman those small roles, if ever?”

GETTING THE LEADING MAN ROLE. Sa dinami-rami ng mga aktor sa industriya, paano nga ba napasa-kamay ni John ang role na leading man ni Yam sa pelikula?

“Ganito yung story. Bini-build up ng Viva si Yam. ‘Tapos, may common friend kaming girl.

“Sabi ni Yam doon sa girl, ‘Kilala mo ba si John James Uy?’ Sagot nung girl, ‘Yeah, yeah, he’s my friend. Good friend, oh my God!’

“And then Yam said, ‘Can I ask for his number?’ So, she gave her my number, without telling her the reason yet.

“‘Tapos, minsan, may text ako: ‘Hi, John James. This is Yam. Is it ok to call you?’

“Then she called me. ‘I’m doing a movie with Erik Matti, and it’s a really nice film. We’re interested [in you]. Can you come to the audition?’

“So, ‘ayun, pumunta kami sa Reality office. Andoon sila lahat, Direk Erik, Dondon [Monteverde, executive producer], lahat. Sa Revolver studios nila.

“The first audition went great. Actually, there were more people who went sa audition.

“Pero nung nag-audition ako, later that night, tinawagan ako that I got the part… So, everything happens for a reason.

“Then, Direk Erik wanted to test the chemistry between me and Yam. Pumunta si Yam, screen test na. Nung okey na, binigyan na ako ng script and the shoot dates…

“Ni-relay ko siyempre sa manager ko, si Joji [Dingcong], sabi ko, ‘Oh, my God, first movie!’”

WHY JUST NOW? Bakit kaya natagalan na magkapelikula siya?

“I don’t know, siyempre, dati, I was with Star Magic pa and di pa naman ako matagal kay Joji. Of course, who doesn’t want a film?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wasn’t updated with the indie scene before, wala akong kilala dati. Pero had I known somebody, at maganda ang script, why not?”

Hindi kaya dahil mapili rin siya sa roles?

“Hindi naman, mali yun… I’m just being a real person.

“I don’t wanna put up this showbiz personality, ‘tapos, behind the camera, you’re completely someone else,” sabi ni John.

Sa pagsubok niya sa isang sex film, okey lang ba sa kanyang ma-identify bilang isang sexy actor?

“Sexy actor? Di naman po!” tawa ni John.

“Kasi, my next film that I’m doing now is comedy, directed by Jade Castro [director of Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington]. I’m very thankful to them.”

Kumusta naman ang experience niya sa shooting with Yam ng Rigodon?

“Before the shooting, nag-workshop muna kami with Emman [dela Cruz], he’s a very good teacher. He’s funny, he tries not to put pressure on anybody.”

Ano nga ba ang kuwento ng pelikula?

“Kuwento ito ng isang husband, ako yun and my wife played by Max [Eigenmann]. Biglang pumasok si Yam.”

Para ba itong mistress film na naman like No Other Woman?

“No, it’s not. This one’s very daring. Sensual.”

Hindi ba siya nagdalawang isip na sa pagpapa-sexy niya ay magbago na ang image niya sa publiko, pati na sa advertisers, considering na dati siyang commercial model?

“I just embraced the role. I just embraced the sexiness about it… I mean, it’s one of the selling points, e. It’s one of the main attractions of the film, it’s sexy. So, I gave it my all, and I hope I came out sexy.”

Paano niya ito pinaghandaan?

“Character study. Hindi naman masyadong workout, kasi, I have a very healthy lifestyle. I don’t party a lot na keep on drinking, I watch what I eat, so, hindi naman double time to workout…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang launching film namin itong tatlo, pero actually, I don’t feel any pressure.”

LOVE SCENES. May nabanggit si Direk Erik sa interview nito sa press na may isang matinding love scene daw sina Yam at John na inabot ng 15 takes. Bakit ganoon karaming takes?

“Yeah, 15 takes yun, to have more options. It’s direk’s call. Iba-ibang anggulo, iba-ibang version. Kailangan, e.

“In the end, it shows the sexiest, the best.”

Sa nasabing matinding love scene, nag-usap muna ba sila ni Yam bago i-take?

“No, it’s better not to talk about it. Diretso na, para vulnerable ka, mas natural.”

Natensiyon ba siya noong kukunan pa lang ang lovescene?

“Wala, wala akong kaba. Kasi, you know what, as a matured person, I’m ‘experienced’. I’m not a virgin or something like that. So, I just do what I know, and I just give what I know.

“Si Direk, he lets us give out our opinion, to tell him what we’re comfortable with…

“Although medyo nahirapan ako sa love scene…I had butt exposure, pero not only that! They will just expect realistic love scenes. Wild. Passionate. Make love...”

May pumping scenes?

“Not just one,” tawa niya. “Sa buong film, mga four times. Kailangan sa kuwento. Pareho with the two girls.

“Sa amin ni Max, yung chemistry ng mag-asawa, very sweet and tender… Kay Yam, ‘Raaarrrrrr!’

“I don’t mind showing my butt, basta kailangan.”

Bago lumabas ang pelikula this week ay na-cover muna si Yam Concepcion sa FHM Philippines, na dinumog ng male readers.

WORKING WITH YAM. Kumusta namang katrabaho si Yam, considering na bago pa lang itong sumasabak sa pag-arte?

“Sabi nila, we have chemistry daw. As in chemistry daw talaga…

“She’s a great person. She’s also an artist, musician siya, she’s also in line with music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I found out na si Yam is really down-to-earth, she’s very lovable, she has quirkiness. She has a great sense of humor.”

Kahit bago pa lang silang magkakilala, hindi ba sila nailang sa isa’t isa sa lovescene?

“No way. Ako pa?” tawa niya.

There’s nothing special ba sa kanila ni Yam mula nang magkasama sila sa shoot?

“No strings attached kami ni Yam, what we have is purely work.

“In the film, we have the same amount of exposure, we have to be wild and intense sa love scenes.”

Gaano ka-“intense” ang love scenes na yun?

“Hindi naman siya bastos or something, it’s more of an art film… Pero matagal po ang mga eksena, e.”

Sabi ni Yam sa press, ang most daring or sexiest love scene daw na ginawa nila ay yung eksena sa wall at hagdan.

“Yeah, that was the first sexual encounter with my character with that of Yam. That’s the sexiest. That was the first time we meet, the first time we hooked up, because I can see how we interacted with each other.

“We were nervous at first, until the sex became rough… Everything followed na.

“Unlike the lovescene namin ni Max, since she’s my wife, it’s more loving and tender. Very romantic.”

A KAPATID TALENT. Pumirma na pala si John ng three-year exclusive contract sa TV5. Gaano siya ka-excited sa development na ito sa career niya?

“I’m very excited, kasi, five years na ako sa kabila [ABS-CBN], hindi ako nabigyan ng ganitong break.”

Siya kaya ang magho-host ng Temptation Island na reality show ng Singko?

“No, I’m not doing any reality show anymore. Galing na ako diyan.”

Ano’ng expectations niya ngayong exclusive Kapatid star na siya?

“No expectations. I’m not naman expecting to be a big star, or lead kaagad… I’m just happy and very proud to be part of the fastest-growing network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very thankful ‘coz they signed me up for three years. I hope ma-renew after nung three years.”

Anong important lesson ang natutunan niya sa showbiz sa limang taon niyang pag-stay rito?

“Never give up! In everything, not just in showbiz… Never give up!”

Sa limang taon niyang pamamalagi sa showbiz, anu-ano’ng frustrations na pinagdaanan na niya?

“No frustrations. I accept everything, I get offers. No regrets.

“Except for my first show na Love Spell, that was after Be Bench, I just wished I just had the experience under my belt. Like, if I had five years of experience, then they’d give me that break.”

CARLA AND REGINE. Kinumusta naman namin ang mga nakaraang nakarelasyon ni John James, sina Carla Humphries at Regine Angeles,

Si Regine ay ka-batch niya pa sa Be Bench.

Since nasa showbiz din ang dalawa, hindi pala siya masyado nagsalita sa press tungkol sa relasyon niya sa mga ito noon.

“I usually never talk about my lovelife before. They’re actresses din, e. So I think, ayaw nila [pag-usapan].

“And what showbiz teaches is like you need to keep it as a secret, don’t reveal it to the press.

“And personally, I don’t think that it’s part of being an actor. Your personal life is not part of your being an actor.

“If you wane be a celebrity, then, you can give up your personal life. If you just wanna be an actor, personal life must not be in the public eye…

“I just wanna be an actor, I don’t like talking about personal things.”

Malihim o masikreto ba siya pagdating sa pag-ibig?

“No, not naman secretive. I just feel like that.”

Paano naman ang supporters and admirers niya na nais ding makaalam ng personal niyang buhay, lalo na ang lovelife? Hindi ba niya kayang mag-share ng personal life niya sa fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya, I don’t have anything to hide. But usually, when people ask about lovelife, I think, shouldn’t they be asking about projects, your films, your shows?”

Pero nauunawaan naman daw ni John na as a public figure, okey ring paminsan-minsan ay mag-share siya ng tungkol sa personal niyang buhay.

CURRENT GIRLFRIEND. Inamin niyang may girlfriend siya sa kasalukuyan, pero non-showbiz na.

“Actually a year na kami…”

Isa ba itong model or from the modeling industry?

“Not really, she’s not into showbiz, so it’s kinda weird [to talk about her]. Pero ‘pag showbiz, okey lang yun. But this one, she’s just a normal person, she just wants to live her life…away from the limelight.

Siya ba ang marrying type of guy?

“I am. Someday soon, I wanna get married, have my own little JJ’s… JJ babies… But you know, my ultimate goal is, you have to be stable.”

As an actor?

“As a person. ‘Coz we grow every day. We learn new things about ourselves. I just want my soul to be complete.”

Sa palagay niya, paano magiging “complete” ang kanyang soul?

“I think just loving life every day and loving everything, keep an open mind. Trying new things. Don’t judge.”

LEARNING FROM BREAKUPS. Going back to Carla and Regine, gaano ba katagal ba niya naging girlfriend ang mga ito? Sino ba ang nauna?

“Nauna si Carla, actually… Kami, kami ni Regine, sa Be Bench, para kaming magkapatid lang. Parang tropa. Na-in love kami after mag-break kami ni Carla.”

Gaano katagal sila naging mag-on ni Carla?

“One to one and a half years?”

Papaano niya made-describe ang panahon ng pagmamahalan nila ni Carla, and ni Regine?

“Good. No regrets, again! I never had regrets in life. No baggage.”

Gaano katagal naman sila ni Regine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Same. One and a half years…

“I think I have a curse! I don’t know what happened. I don’t know why I don’t have long relationships. I don’t know why.

“Baka I have a curse? Na after one and a half years, that’s it! Tapos na, bye-bye!” tawa ni John.

“Wala akong mas matagal pa doon, never. I don’t know! Ang sama.”

Ano kaya ang mga naging pagkukulang niya as a boyfriend before?

“I don’t think there were faults. It’s just that maybe before, I was immature with Carla. Pero now, I think, I’m more developed as a person. I know myself more. Mas matured na ako ngayon.”

Ano naman ang naging dahilan ng split up nila ni Regine?

“Actually, si Regine, mas mature siya. She’s three years older than me, mas mature siya kesa sa akin. Personalities clash sometimes, di ba?

“Noong una, di ba, parang magnet, opposites attract? Pero noong nagtagal na, hindi na ganoon.”

Did he fell out of love with Regine?

“No, but actually, I was super hurt when I broke up with her. All breakups naman are frustrating. I get hurt every time my relationship ends.”

Iniyakan ba niya?

“Of course. I’m not afraid to cry… Masakit ang breakup. Pero naging friends din naman kami, in time.”

Totally ba, nakapag-move on na siya?

“Move on? I’m just thankful that I had memories and thankful that we were together… ‘coz you know, life is short.”

Paano niya ide-describe ang one and a half years niyang relasyon with Regine?

“Happy,” sagot ni John. “Pero di lang nag-work out. Pero I never fell out of love.

“When we broke up, of course, I was still in love with her. I just had to swallow it [pride].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi niya ipinaglaban ang pagmamahal niya kay Regine kung mahal pa niya ito during that time?

“As a person, I feel that if you love someone, it’s ok to let them go sometimes. Sacrifice. Ganoon ako magmahal. I’m not selfish when it comes to love.

“I know someday, I’ll be ok with love. I’ll be fine. I’m a survivor, so, when we broke up, of course, I was really hurt.”

Ano’ng natutunan niya sa relasyon with Regine?

“I learned a lot. I grew as a person. I handled things more maturely. Mga little aways, you just let it go. Sometimes, you just say, ‘Ok, hon, you’re right’, kahit na alam mong ikaw ang tama. You just say, ‘Yes, baby!’

“You can do that na lang para iwas-away. But of course, sometimes, it’s ok, it’s healthy.”

Kaya ba ayaw na niyang mag-showbiz girlfriend ngayon ay nasaktan siya nang husto sa dalawang ex-celebrity girlfriends?

“Oh, no,” pagtanggi niya. “I’m open to everybody. I just don’t wanna be with a showbiz girl.

“I keep my options open. And there’s billion of women in the world,” pagtatapos ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN