Nora Aunor on recent win at the Asia Pacific Screen Awards: "Yung pagpapagod na ’yon ay nasulit naman."

Director Brillante Mendoza and Superstar Nora Aunor picked up another set of awards for Thy Womb at the recently-concluded 6th Asia-Pacific Screen Awards. The director says, "Panoorin natin ang pelikula at nang makita natin ang recognition na ‘yon [mula] sa ibang bansa... at malaman natin kung bakit siya nire-recognize."


Masayang-masaya ang Superstar na si Nora Aunor at ang direktor na si Brillante Mendoza matapos silang sabay na nagtamo ng panalo sa 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane, Australia, noong Biyernes, November 23.

Nagwagi ang dalawa para sa indie film na Thy Womb.

Nahirang na Best Actress si Nora para sa kanyang pagganap bilang si Shaleha Sarail, isang Badjau midwife.

Si Brillante naman ay nagtamo ng parangal for Achievement in Direction (Best Director).

Ang APSA awarding ceremonies ay kaugnay ng ginanap na Brisbane International Film Festival 2012, kung saan kalahok sa main competition section ang pelikula nina Nora at Direk Brillante.

Kasama rin sa major cast ng Thy Womb sina Bembol Roco, Lovi Poe, at Mercedes Cabral.

Sa kanyang unang pagkapanalo ng Best Actress sa APSA ay tinalo ni Nora ang mga aktres mula sa neighboring Asian countries.

Kasama rito sina Vidya Balan ng India (The Dirty Picture); Darya Ekamasova ng Russia (Once Upon A Time There Lived A Simple Woman); Humaima Malick ng Pakistan (Bol); at Cho Min-Soo ng South Korea (Pieta).

Para sa Achievement in Direction, nanalo si Brillante laban sa mga Asian filmmakers na sina Reis Celik ng Turkey (Lai Gece/Night Of Silence); Cheng Er ng China (Lethal Hostage); Anurag Kashyap ng India (Gangs Of Waseypur); at Khosro Masoumi ng Islamic Republic of Iran (Khers/Bear).



FIRST FILIPINO APSA AWARDEE. Pagdating nina Nora at Direk Brillante kahapon ng umaga, November 24, sa Terminal 3 ng NAIA, ay sinalubong sila ng ilang kinatawan ng media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa maikling panayam.

Pagmamalaki ni Brillante patungkol kay Ate Guy, "The first Filipino to win Best Actress at the Asia-Pacific Screen Awards!

"In fact, nakadalawa na siya. Yung Himala... at saka ito [Thy Womb].

"We should all be proud dahil ibang klaseng achievement ito ni Ate Guy. Nire-recognize talaga siya sa buong mundo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panoorin natin ang pelikula at nang makita natin ang recognition na ‘yon [mula] sa ibang bansa... at malaman natin kung bakit siya nire-recognize."



SURPRISED AND HAPPY. Ayon kay Ate Guy, hindi pa niya alam hanggang noong Biyernes ng gabi ang kanyang pagwawagi ng Best Actress.

Samantala, alam na ni Direk Brillante ang tungkol sa magandang balita dahil naroon ang direktor sa Brisbane, Australia, simula noong November 19.

Si Brillante ang dumalo sa screening ng Thy Womb sa Brisbane International Filmfest, kung saan naroon din ang mga hurado ng 6th Asia-Pacific Screen Awards (APSA).

Sabi ni Nora sa PEP, "Nagulat ako… Si Direk talaga, laging may sorpresa ‘yan!

“Kaya pala bulungan sila nang bulungan ni Kuya Boy [Palma, Nora’s personal manager] nung hapon, bago mag-start ang premiere night.”

Para sa Thy Womb, unang nanalo si Aunor ng Bisato d’Oro (Golden Eel) Premio della Critica Independiente mula sa Independent Italian Critics ng 69th Venice International Film Festival noong September 8.

Ikalawang parangal na ito ng aktres mula sa isang international filmfest jury. May excitement pa ba kay Ate Guy, at this point?

Sagot niya, "Siyempre, lahat naman... kasi lahat naman ‘yan ay pinaghihirapan.

"Hindi puwedeng hindi ka matuwa, lalo na nga at yun ang inaasahan ng mga fans.

"Yung pagpapagod na ’yon ay nasulit naman," sabi pa ng premyadong aktres.



PROSPECTS. Sinasabing bentahe ang bagong panalong ito nina Nora at Direk Brillante sa Asia-Pacific Screen Awards sa nalalapit na paglahok ng Thy Womb sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hinggil dito, tinanong uli ng media si Direk Brillante tungkol sa pagsali ng Thy Womb sa MMFF 2012, matapos magkaroon ng initial rejection ang pelikula.

Paliwanag ni Direk Brillante, "Unang-una, ako... kami... lalung-lalo na si Ate Guy, wala talaga akong iniisip na intriga. Wala.

"Kumbaga, pag maganda, tanggap. Pag hindi naaayon sa aming iniisip o pinaplano, siguro may magandang plano ang Diyos para doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad nito, inilapit namin [sa MMFF], hindi natanggap. Ngayon, kinuha, e di ibigay."

Tulad ni Brillante, masaya at excited daw si Nora sa paglahok ng Thy Womb, ang kanyang comeback film, sa MMFF 2012.

Bukod sa Thy Womb, may special participation si Nora sa historical epic film na El Presidente.

Saad ng Superstar, "Masayang-masaya ako dahil mapapanood na ang movie namin na Thy Womb sa festival.

"At siyempre, hindi lang yung pelikula namin ang dapat panoorin… lahat ng pelikulang kasali sa festival, panoorin din nila.

"Pero siyempre, lalo na yung sa amin, ang Thy Womb, dahil maganda talaga yung ginawa namin.

"Maganda ang pagkakadirek ni Direk Brillante."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN