Bianca Manalo denies rumor she has new boyfriend: "Wala akong boyfriend. I’m not dating anyone."

Hindi raw nagmamadali si Bianca Manalo na magkaroon ng panibagong lovelife pagkatapos ng breakup nila ni John Prats. Sabi ng dating beauty queen, “Sa akin, if it will come, it will come. If it will happen, it will happen. Hindi ako nagmamadali. Di ba, sabi nila, ang love, di mo hinahanap, kusang darating ‘yan."


Ilang buwan pagkatapos ng breakup nina Bianca Manalo at John Prats, nababalita ngayong may bago nang boyfriend ang beauty queen turned actress/TV host.

Ayon pa sa reports, isang modelo raw ang ipinalit ni Bianca kay John, na sinasabi pang mas bagay sa dating beauty queen pagdating sa pisikal na aspeto.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca ay mariin nitong pinabulaanan na may boyfriend siya ngayon.

Saad niya, “Wala akong boyfriend. I’m not dating anyone.

“Walang nanliligaw sa akin, masaya ako mag-isa.

“Ever since I was in the industry, alam ninyo, na-witness ninyo na nagkaroon ako, nawalan ng mahal sa buhay.

“Ngayon, humaharap ako at sinasabi sa inyo na hindi totoo ang lahat ng mga lumalabas.”

Giit pa niya, “Masaya akong mag-isa ngayon.

“Walang katotohanan, wala akong dine-date.”

WHO IS CARLO? Hindi rin daw kilala ni Bianca ang “Carlo Gonzales” na sinasabing boyfriend niya.

Sabi niya tungkol kay Carlo, “I only met him once. Kaibigan ko kasi sina Jonas [Gaffud] sa Mercator… mga may-ari ng modeling agencies. Barkada ko sila.

“One time siguro, napadaan yun [Carlo], ipinakilala, nagpa-picture. Pero yun lang.

“Hindi ko alam kung bakit nagka-issue, in all honesty, sa akin. ‘What? Why?’

“Kapag tinatanong nga nila sa akin kung may kakilala kang ganito, sabi ko, ‘Teka, teka… ano?’

“Hindi agad pumapasok sa utak ko, ‘Sino nga uli yun?’

“Pag sinabi, ‘A, okay.’ Kasi, ganun nga, once ko lang na-meet.

“Hindi kami nagkahingian ng number, hindi kami nagte-text. Picture lang talaga.”

Nang ipalarawan namin kay Bianca si Carlo, sinabi nitong guwapo at matangkad nga ang nasabing modelo.

“Model, e… matangkad, 6’1”. Bata, twenty-three lang ’ata siya.

“Sabi ko nga, ‘Ay, alam ko na kung bakit nagre-react ang lahat—kasi nga matangkad, model-model.’

“Pero walang katotohanan.”

NOT NOW... Kung sakali bang manligaw nga sa kanya si Carlo ay may pag-asang sagutin niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Bianca, “Sa totoo lang, ayoko muna ngayon.

“Darating din ‘yan siguro, pero kasi sa ngayon, masaya na ako sa career muna talaga.

“Naniniwala ako na siguro, at this time, you can’t have the best of both worlds. Kung career, career.

“Para ngang naiisip ko, every time na nasa teleserye ako, may nawawala sa akin.

“So, baka sign yun ni Lord na focus na muna ako sa career.”

Kasalukuyang napapanood si Bianca sa telefantsya ng ABS-CBN na Aryana.

HAPPY FOR JOHN. Sinabi noon ni Bianca na nasaktan talaga siya sa paghihiwalay nila ni John Prats.

Hindi ba siya nag-aalalang isipin ng iba na hindi pa siya nakaka-move on kaya ayaw pa niya sa panibagong pakikipagrelasyon?

Hindi nagpadala si Bianca sa tanong. Kalmang sagot nito, “Ako, masaya na ako for him. Masaya na rin ako na mag-isa talaga… Ngayon ko ito mas naa-appreciate.

“As a matter of fact, magbi-birthday ako next week [November 28], first time to celebrate single!

“Ngayon din ako magse-celebrate ng New Year and Christmas na single, so I’m looking forward.

“Sa akin, if it will come, it will come. If it will happen, it will happen. Hindi ako nagmamadali.

“Di ba, sabi nila, ang love, di mo hinahanap, kusang darating ‘yan?

“Masasabi ko lang sa aking prinsipe: ‘Dear The One, sige lang, take your time. Darating ka rin sa tamang panahon—in God’s right time.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN