Judy Ann Santos clarifies purpose of accompanying husband Ryan Agoncillo in London

Itinanggi ni Judy Ann Santos na ang dahilan ng pagsama niya sa asawang si Ryan Agoncillo sa show ng Eat Bulaga! sa London ay dahil may pinagseselosan siyang babae. Saad ng aktres, "Kahit kailan, wala akong pinagselosan na kahit sino na kasama ni Ryan, ngayon at sa mga susunod pang panahon, dahil enough naman yung ipinapakitang pagmamahal at pagsuporta sa akin ng asawa ko. Walang rason para magselos ako!”


Mariing pinabulaanan ni Judy Ann Santos ang isyu na diumano’y pinilit niyang sumama sa show ng Eat Bulaga! kamakailan sa London para bantayan ang asawang si Ryan Agoncillo, na co-host sa show.

Diumano’y may pinagseselosan daw si Juday na isa sa mga kasama ni Ryan doon.

“Maryosep naman!” agad na reakisyon ni Juday.

“Hindi, hindi, talagang part po ako ng show. Part ako. Guest nila ako.

“And kung sakali mang magpunta ng London ang buong Eat Bulaga! Dabarkads at hindi ako kasama, okay lang. Kasi sobra talaga yung pagiging pamilya nila sa Eat Bulaga!

“At kahit kailan, wala akong pinagselosan na kahit sino na kasama ni Ryan, ngayon at sa mga susunod pang panahon, dahil enough naman yung ipinapakitang pagmamahal at pagsuporta sa akin ng asawa ko.

“Walang rason para magselos ako!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa mini-presscon ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako para sa kanya.

Kasama ni Judy Ann sina John Lapus, Yassi Pressman, at Ryzza Mae Dizon kahapon, Nobyembre 24, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang pelikula ang entry ng limang film companies—Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment, at GMA Films—sa Metro Manila Film Festival 2012 sa Disyembre.

Paliwanag pa ni Juday sa isyu sa kanila ni Ryan, siyempre ibang usapan na raw pag harapan na siyang may nakikita sa asawa niya.

“Kung yun sigurong talagang may makita akong nakalingkis sa asawa ko—ibang usapan naman yun, di ba?

“Yung nakalingkis na wala sa camera, ha. Magkaliwanagan tayo dito.

"Baka naman lumingkis sila nang lumingkis sa asawa ko e hindi naman sa camera.”

Kung sakali lang naman na mangyari ito, ano ang gagawin niya? Magiging pisikal ba siya?

“Ay, hindi, maraming puwedeng magpakapisikal para sa akin. Titingin lang ako!” natatawang sabi ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FULL TRUST IN RYAN. Malaki raw ang tiwala ni Juday kay Ryan, kaya hindi niya kailangang bantayan ang asawa magpunta man ito abroad—lalo pa nga’t ang kasama nito ay ang Eat Bulaga! Dabarkads na malalapit din sa puso ng aktres.

“Para lang po sa kaalaman ng lahat, ako yata ang isa sa pinakamasayang tao para sa asawa ko na nakasama siya sa Eat Bulaga! family dahil talagang napaka-genuine ng pagsasama nila.

"Nakakainggit, actually.

“At saka ang tindi ng disiplina nila sa buong pamilya nila.

“Parang karamihan yata ng mga artista, gustong maging part ng Eat Bulaga! dahil alam mong panghabambuhay yung pagkakaroon mo ng pamilya, may kaibigan ka, may ano ka… masaya, masaya sila.”

Secure daw si Judy Ann kay Ryan at wala siyang dapat pagselosan.

“Wala, nakikita bang nagseselos ako? Meron ba? May napapansin ka ba? Wala talaga.”



PINOYS IN LONDON. Matapos linawin ni Juday ang naunang intriga, nagpakuwento na ang PEP tungkol sa naging trip nila sa London.

“Masaya, relax lang. At saka pagod lang yung mabilisang biyahe.

"Pero, at the end of the day, masaya pa rin dahil alam mong nakita mo yung kapwa mo Pilipinong nandodoon sa ibang bansa.

"Nabigyan mo sila ng kaunting kaligayahan sa ilang taon nilang nag-stay doon.

“At saka yung moment na malibot mo yung London na nagte-tren ka, nagbu-bus ka, masaya.

“Makikilala ka pa rin ng mga Pilipino doon. Pero ang maganda lang kasi doon, pag nakilala ka nila at naliligaw ka, may mapagtatanungan ka at maiintindihan mo sila.

“Na-enjoy ko yung pagiging generous ng mga Pilipino.

“Kahit kailan talaga, ang mga Pilipino, matulungin, sobrang matulungin.

“Kahit sabihin mong mapa-artista o hindi, talagang sabik sila na makakita ng kapwa Pilipino na hindi nagtatrabaho doon sa London, yung alam nila na kagagaling lang ng Pilipinas.

“So, sobra silang makapag-alaga.

“Nakakatuwa na after a long time, ngayon lang ulit ako nabigyan ng chance na makapag-show abroad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BABY MADE IN LONDON? Dahil silang dalawa nga lang ni Ryan ang magkasama sa London at wala ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho, may ie-expect ba ang mga tao na baby made in London?

Natawa muna si Juday at saka sumagot, “Hindi ko alam.”

So, may naganap bang “honeymoon” sa London?

“Sasagutin ko ba iyan? Baka ma-PG 13 o 18 ba tayo dito?

“Hindi ko masabi ha, hindi ko masabi kung hanggang saan ang abot ng napuntahan ng pagha-honeymoon naming mag-asawa.

“Pero ang pagkakaroon ng kasunod ni Lucho, palagi naman naming napag-uusapan. Pero talagang hindi namin pinaplano.

“Si Lucho kasi, talagang plinano namin siya. Yung talagang sinadya, trinabaho talaga namin.”

Wala naman daw problema kung sakaling masundan na si Lucho.

“Sa amin ngayon, parang kung ibibigay ng Diyos ang magkaroon ng kapatid ulit si Lucho, ibig sabihin, ginusto ni Lord na magkaroon ng kasunod, dahil handa na kami.

“Yung na-enjoy na namin yung dalawa, mas handa na kaming magkaroon ng pangatlo.

“Pag hindi pa, ibig sabihin, baka mas pine-prepare pa lang kami ni God sa mas marami pang anak. Mas marami pang anak!” biro ni Juday.



CONVENIENT CHRISTMAS. Samantala, magiging busy si Judy Ann sa pagpo-promote ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, na pinagbibidahan nilang tatlo nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto.

Ikinatuwa nga niya ang balitang ngayong taon daw ay December 23 na ang Parade of Stars na dati-rati’y tuwing December 24 ginaganap.

Ilang taon na rin kasi na sunud-sunod na may entry si Judy Ann sa Metro Manila Film Festival.

“Mas convenient sa akin ang Pasko ngayon kasi hindi na 24 ang parada.

“Actually, excited nga ako, e. Excited akong makapagluto ng buong araw sa 24.

“Kasi mga ilang Pasko rin yung nagdaan na hindi ko maabala, e, yung Noche Buena dahil nasa parada ka.

“So, yun ang talagang pinaka-excite-an ko. Yung umaga pa lang abalang-abala ka na sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May menu o listahan na ba siya ng mga gusto niyang lutuin at ihanda sa Noche Buena?

“Magsisimula pa lang ako kasi recently ko lang nalaman na [December] 23 ang parada e. So, hindi pa ako nakakapag-isip kung ano ang gagawin ko.”

Nae-excite din daw si Judy Ann na isama sa panonood ng filmfest entry nila ang kanyang mga anak.

“Isa itong pelikula na puwedeng mapanood ng mga anak ko. Kasi mae-enjoy nila yung mga powers-powers.

"Huwag lang nila akong hingan ng kapangyarihan pagkatapos ng pelikula dahil wala akong maibibigay na magic sa kanila,” biro niya.

Ginagampanan ni Juday ang role ng diwatang si Angelina Kalikasan Orteza o AKO, for short. Siya ang namumuno sa mga diwatang nangangalaga sa kalikasan.

Ang tawag sa grupo nila ay Alagang Kalikasan Organization, na kinabibilangan nina John Lapus as Che, Yassi Pressman as Sol, at Ryzza Mae Dizon as Chichay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN