Quezon City Prosecutor’s Office recommends filing of grave threat case against Tulfo brothers; Raymart Santiago and Claudine Barretto “fortunate and thankful” about the decision

Ikinatuwa ng kampo ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago (kaliwa) ang rekomendasyon ng Quezon City Regional Trial Court na kasuhan ng grave threat ang magkakapatid na Ben, Erwin, at Raffy Tulfo (kanan). Gayunman, iginiit ni Raffy Tulfo na wala silang alam sa isinampang kaso. Aniya, “Di kami nakatanggap ng notice re [regarding] sa schedule ng mga preliminary hearing. Wala rin kaming natanggap na kopya ng affidavit of complaint.”


Inirekomenda ng Quezon City Prosecutor’s Office na sampahan ng kasong grave threat ang magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Ito’y matapos pagbantaan diumano ng Tulfo brothers ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa kanilang public-service program sa TV5 na T3: Kapatid, Sagot Kita noong Mayo 7 ng taong kasalukuyan.

(CLICK HERE for related article.)

Kaugnay ito ng insidenteng naganap noong Mayo 6, 2012, sa pagitan ng mag-asawang Santiago at ni Mon Tulfo, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Mon ang nakatatandang kapatid nina Ben, Raffy, at Erwin.

(CLICK HERE for related article.)

Ang rekomendasyon na ito ng korte ay ikinatuwa naman ng kampo nina Raymart at Claudine.

Ayon sa text message na ipinadala ng abugado ng mag-asawang Santiago sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, Nobyembre 26, “fortunate and thankful” daw sila sa naging desisyon ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Pahayag ni Atty. Alex Avisado, “We are fortunate and thankful that the Office of the City Prosecutor of Quezon City found probable cause for the crime of Grave Threats against the Tulfo Brothers.

“Now that the case is in court, we expect both parties to face each other during trial where mediation is an available option.

“This is a step in the right direction in the quest for justice by our clients Claudine Barretto and Raymart Santiago.”



TULFO BROTHERS. Samantala, nakatakda namang maghain ng “motion for reinvestigation” ang kampo ng Tulfo brothers.

Ayon sa text message na ipinadala ni Raffy Tulfo ngayong umaga sa PEP, hindi sila nakatanggap ng notice tungkol sa schedule ng mga preliminary hearing.

Narito ang buong text message na ipinadala ng radio and TV host sa PEP:

“Magpa-file kami ng motion for reinvestigation dahil di kami nakatanggap ng notice re [regarding] sa schedule ng mga preliminary hearing.

“Wala rin kaming natanggap na kopya ng affidavit of complaint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang natanggap lang namin ay yung temporary protection order at sinagot namin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN