Film director Celso Ad. Castillo dies at 69

Celso Ad Castillo, the director of classic films such as Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara (1974), Ang Pinakamaganadang Hayop Sa Balat Ng Lupa (1974), and Burlesk Queen (1977), passed away early morning today, November 26.


Pumanaw na ang beteranong direktor na si Celso Ad. Castillo sa edad na 69.

Binawian siya ng buhay ngayong araw, November 26, bandang alas-dos ng madaling-araw, dahil sa atake sa puso sa kanyang tahanan sa Siniloan, Laguna.

Naisugod pa sa Pakil General Hospital ang direktor ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.

Huling napanood si Direk Celso sa telebisyon, bilang aktor, noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mga seryeng Reputasyon ng ABS-CBN at Babaeng Hampaslupa ng TV5.

Isa rin sa mga huling proyektong kanyang natapos ay ang TV movie na Medical Center. Kabilang sa cast nito sina Gloria Diaz, Ara Mina, Zoren Legaspi, Ryan Eigenmann, Denise Laurel, at Mat Ranillo III.

Isa si Direk Celso sa napiling 12 veteran filmmakers ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para maging kalahok sana sa Sineng Pambansa: Master Directors Film Festival sa susunod na taon.

AUTOBIOGRAPHY. Nakatakda rin sanang ilathala ni Direk Celso ang kanyang libro na pinamagatang Celso Ad. Castillo: An Autobiography and His Craft.

Ayon sa kabiyak ni Direk Celso na si Ophelia Lopez-Castillo, kagagaling lamang ng direktor sa printing press upang i-check ang naturang libro.

“He kept revising the last few chapters. He wanted it to have a beautiful ending," sabi ni Ophelia sa panayam nito sa Philippine Daily Inquirer.

Sa huling panayam naman ni Direk Celso sa InterAksyon noong November 17, nagpahayag ito ng damdamin tungkol sa kanyang autobiography.

Sabi ng direktor, “Actually, it’s more than just a journey, it’s an adventure. It’s a trek into an eerie man’s mind in the real world and in the insanity of a make believe one. Are you ready for that?

“How does a total novato enter a tough business like the movie business and reach the top of the line? A director and his film must become one so that there will be total unison in pursuing the dramatic conclusion of a film masterpiece.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga obrang pelikula ni Direk Celso ay ang mga sumusunod: Asedillo (1971), Nympha (1971), Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa (1974), Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara (1974), Burlesk Queen (1977), Pagputi Ng Uwak Pag-itim ng Tagak (1978), Virgin People (1984), at Paradise Inn (1985).

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Direk Celso sa kanilang tahanan sa P. Burgos St., Siniloan, Laguna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN