Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza planning for second baby

Dingdong Avanzado on daughter Jayda: “Si Jayda really has the qualities we feel will enable her to have a career in show business, particularly sa music field. And, pag nakikitaan mo ng ganyan yung bata, as parents, responsibility mo na i-encourage yun. And that’s what we are doing.”


Noong Biyernes, November 23, ay nagkaroon ng pocket presscon sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa Dayrit’s Burger and Roastbeef House sa Tomas Morato, Quezon City.

Ito ay itinaon ng mag-asawa sa Thanksgiving holiday sa Amerika, para na rin magpasalamat sa magandang takbo ng kanilang career ngayong taon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Dingdong, sinabi niyang naging maganda ang 2012 sa kanya dahil nakapag-celebrate siya ng 25th anniversary niya sa showbiz.

Kuwento ng singer, “It was a busy and good year for us. Ang daming nangyari this year.

"My album came out, and okay naman. I had a concert.

"Pati sa personal... we bought a house."

Dagdag ni Dingdong, espesyal ang pagkakabili nila ng bagong bahay pagkatapos ang ilang taong paninirahan sa isang townhouse.

“Actually, kahapon [November 22], we formally signed eveything. Legally, Thanksgiving namin nakuha ang bahay.

"We’ll be moving this Sunday [November 25]. We got a bigger place kasi townhouse kami, e,” saad niya.

BIGGER FAMILY. Bukod pa rito ay nagpaplano rin silang palakihin pa ang kanilang pamilya, lalo na’t nine years old na ang kanilang panganay na anak na si Jayda.

Ayon kay Dingdong, matagal na nilang pinagpaplanuhang magkaroon ng bagong baby ngunit hindi lang kinakaya ng kanilang schedule.

“Dahil, you know, having a baby requires a lot—physically, ganyan.

"Saka hinihintay namin na malaki na si Jayda. Kasi pag dalawang bata, mahirap, e.

"Ngayon, si Jayda, puwede mo na pabayaan, e... Hindi naman sa pabayaan, pero puwede nang walang yaya,” pahayag niya.

Excited na raw si Dingdong na mag-alaga ng bagong anak.

“Iba yung may supling.

"Kapag nakakakita nga kami ng baby, nagtitinginan kami, e.

"Di ba, si Ogie [Alcasid] and Regine [Velasquez], anak nila si Baby Nate? Ang cute-cute ni Baby Nate!

"At saka, believe it or not, my dad has another child. Oo, nagka-baby pa yung daddy ko. Nakahabol pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naaaliw nga kami,” natutuwang kuwento niya.

Gusto rin daw nila ni Jessa na magkaroon ng anak na lalaki.

“That’s what we’re hoping for,” sambit ni Dingdong.

Ngunit inamin ng singer na tila hindi pa handa ang kanilang anak na magkaroon ng kapatid.

“On the contrary, she doesn’t want. Gusto niya, siya lang.

"Hindi pa niya siguro naga-grasp yung concept ng may kapatid.

"Pero, she loves kids. She always has friends in the house, then yung mga cousins niya.

"But, di niya ma-imagine yung baby,” saad ni Dingdong.



JAYDA’S CAREER. Nine years old na ngayon si Jayda. Tinanong ng PEP si Dingdong kung may balak ba silang ipasok sa showbiz ang anak

Sa ngayon kasi ay nakikitaan ng talento sa pagkanta si Jayda. Sa katunayan ay kasama itong nag-perform sa nakaraang concert ni Dingdong sa Music Museum.

Sagot ng singer, “Si Jayda really has the qualities we feel will enable her to have a career in show business, particularly sa music field.

"And, pag nakikitaan mo ng ganyan yung bata, as parents, responsibility mo na i-encourage yun. And that’s what we are doing.”

Kaya lamang, hindi pa raw nila pinapayagan na mag-showbiz ang kanilang panganay.

“Minsan, tinatanong niya, bakit hindi pa raw siya nagkakaroon ng taping. Hindi ba siya kinukuha ng network?

"Sabi namin, ’Hindi ka pa namin ino-offer. Hindi ka pa nga namin hinahanapan ng management.’”

Tingin kasi ni Dingdong ay hindi pa handa ang anak na harapin ang showbiz. Malaki rin daw ang magiging pressure rito kung saka-sakali.

“There will be pressure on you, kasi ano ka, e, pedigree ka, e.

"Anak ka ng dalawang singers, so ang laki ng pressure sa ’yo.

"So when you get out there, you should not just be good. We set the bar for her,” sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman ay tinutulungan na raw nilang maghanda ang anak.

“Si Jayda, nandun yung desire para i-improve yung craft niya.

"Nag-aaral pa nga ’yan maggitara. Nag-aaral ’yan to learn other instruments.

"Sabi namin, ’One at a time. And what’s important is to know your priority,’” saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN