Pokwang does not mind having a foreigner boyfriend: "Hindi ako namimili ng lahi."

Nilinaw ni Pokwang na wala silang relasyon ng napabalita noong British boyfriend niya. Sabi niya, “Hindi ko po boyfriend, kaibigan lang. Walang ligawang nagaganap, parang, ‘Hi, hello, ano’ng balita?’ parang ganun lang.”


Sa pelikulang 24/7 In Love, isa sa mga nakakaaliw na episode ang teamup nina Pokwang at Sam Milby.

Naging makuwela kasi ang pag-arte ni Pokwang bilang si Virginia, isang 40-year-old virgin na nakipag-date sa isang hindi niya kilalang lalaki na ginagampanan naman ni Sam bilang si Charlie.

“Bumagay sa akin ang karakter ko na virgin-virgin-an!” natatawang sabi ni Pokwang nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ginanap na Star Magic Gives Back concert noong Sabado, November 24.

Ang nasabing concert ay isang charity event kaugnay ng SunPIOLOgy Run, na ginanap sa McKinley Hills, Fort Bonifacio, Taguig City.

Isa sa mga nakakatawang eksena nina Pokwang at Sam sa pelikula ay ang sabay na pagligo nila sa jacuzzi.

Hindi rin ito malilimutan ni Pokwang dahil, aniya, “Gininaw ako doon sa totoong buhay kasi aircon yung aming location, yung kuwarto.

“Ayun, nakakaloka, gininaw ako doon!

“Enjoy naman kami habang ginagawa namin ‘yon.”

Hindi ba siya nailang kay Sam sa eksenang iyon?

“Hindi. Siya ang nailang! May pagtingin din siya sa akin, ayaw lang niyang aminin.

"Samuel, umamin ka na!” natatawang sabi ni Pokwang.

Dahil sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nila ni Sam, may posibilidad kaya na magkasama silang muli sa isang proyekto?

“Bakit hindi? Sana, sana. Hintayin natin, malay natin,” sagot ni Pokwang.



STILL SINGLE. Kung ang karakter niyang si Virginia ay mapalad na nagkaroon ng kasintahan sa pelikula, single naman daw ngayon si Pokwang.

Kaya naman nilinaw niya ang tungkol sa sinabi niya noon na "British boyfriend."

“Hindi ko po boyfriend, kaibigan lang.

“Walang ligawang nagaganap, parang, ‘Hi, hello, ano’ng balita?’ parang ganun lang,” sabi ng komedyana.

Ayon kay Pokwang, na-meet niya ang kanyang kaibigan na chef sa isang birthday party sa Las Vegas. Hanggang ngayon ay nakakapalitan pa rin daw niya ng text message ang kanyang foreigner na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Pokwang na hinihikayat niya ang kanyang British friend na bumisita sa bansa.

Kuwento niya, “Hindi pa kasi raw siya nakakarating dito.

“Kapag ginu-Google daw niya ang bansa natin, natutuwa siya kasi, sabi niya, kung saan-saan siya pumupunta sa malalayong lugar. Nakita niya, ang ganda pala ng beaches natin dito.

“Siyempre, proud ako at talagang sinabi ko sa kanya na kailangan niya talagang bumisita dito sa atin kasi maraming magagandang place.”

Anu-anong lugar ang mga iminungkahi niya sa kanyang kaibigan?

“Palawan, Boracay, nandiyan ang Cebu... Actually, buong Pilipinas ang puntahan niya dapat.”

Puwede naman daw niyang samahan ang kaibigan kung magbabakasyon dito sa Pilipinas. Basta sabi ni Pokwang, “Depende kung walang trabahong mabigat.”

May pag-asa ba ang foreigner friend niya kung sakaling manligaw ito sa kanya.

“Pag-aralan muna natin. Ayaw ko nang mag-ano, baka mamaya heto na naman tayo,” sagot ni Pokwang.

Gayunman, nilinaw ng Kapamilya star na hindi siya mapili pagdating sa magiging karelasyon niya.

Aniya, “Hindi ako namimili ng lahi.

“As long as siya talaga yung para sa akin, na gift from heaven above.

“Hindi ko talaga matatanggihan kung ‘yon ang destiny ko, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN