Derrick Monasterio defends Barbie Forteza’s "mataray" image: "Mas gusto ko pa nga yung ganoong ugali kasi straightforward siya—hindi plastic."

Inamin ni Derrick Monasterio na attracted siya sa ka-loveteam na si Barbie Forteza. Sabi ng teen actor, “Maganda si Barbie. Maganda siya talaga. At saka mabait pa—dagdag pa iyon sa paghanga ko sa kanya.”


Habang tumatagal ay dumarami ang mga DerBie fanatics na nakakagiliwang tutukan ang programa nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa GMA-7—Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sabi ni Derrick tungkol dito, “Masaya po, kasi simula day one, tinangkilik na nila yung Paroa.

“At saka ang dami na pong Twitter pages na DerBie. Ibig lang sabihin nun, gusto nila yung loveteam namin ni Barbie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor sa Party Pilipinas kahapon, Linggo, November 25.

Wala na ba siyang pressure na nararamdaman sa pakikipagpareha kay Barbie?

Tugon niya, “Meron pa po, konti, sa mga eksenang medyo mabibigat.

“Si Barbie naman, handang tumulong sa akin. At saka sobrang supportive siya bilang ka-loveteam.”

Kumportable na sila sa isa’t isa?

“Oo naman," sagot ni Derrick.

"Dati, parang naiilang pa ako sa kanya kung minsan. Pero ngayon, wala nang ganoon.

“Sobrang at ease na kami with each other. At saka nailalabas na namin ang totoong kami.”



GETTING TO KNOW. Ano sa totoong Barbie na kanyang nakilala na ang pinakanagustuhan niya?

“Malambing at saka… masarap alagaan.

“Iyon siya. Yun ang mga magandang qualities niya.

“At saka matulungin, lalo na sa mga eksena na mabibigat na kailangan ko ng motivation.”

Ano naman ang impression niya dati sa young actress na na-prove niyang mali pala?

“Maraming nagsasabi, ano raw siya… mayabang. Kasi, Barbie na ‘yan, e.

“Pero hindi. Hindi po talaga siya mayabang.

“Halimbawa, may eksena kaming nasa putikan, wala siyang arte na, ‘Ay, ano ba ‘yan!?’

“Na dadayain na lang yung eksena, ayaw niya. Gusto niya, siya ang gagawa.

“At saka, takot po kasi siya sa matataas, e.

“Minsan, may mga eksenang lumilipad siya kasi nga butterfly siya. Wala siyang arte. Talagang sobrang professional.”

Ano naman ang kanyang qualities na naipakita niya kay Barbie, na sa pakiramdam niya’y na-appreciate nito nang husto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, naa-appreciate niya yung pagiging gentleman ko sa kanya… feeling ko naman.

“Kasi ganoon po talaga ako sa mga nagiging partners ko, e—talagang mabait po ako sa kanila.

"E, lalo pa si Barbie na tipong siya ang ka-loveteam ko ngayon.

“At saka sobrang tagal na naming magkasama, di ba po? Ayun!”

Likas din kay Derrick ang pagiging makulit. Pero sa pagkakataong sila ngayon ni Barbie ang magka-loveteam, ang teen actress daw ang unang nangungulit sa kanya.

“Kapag kinukulit na niya ako, sinasabayan ko yun ng mas bonggang kulit!” sabay tawa ni Derrick.

Pero dugtong niya, “Sana, tumagal ang loveteam naming dalawa.

“Kasi ang hirap na namang mag-adjust kapag may bago kang ka-loveteam, e.

“Ngayon, sobrang nagiging comfortable na ako sa kanya.

“Sana masundan pa ng maraming projects na kami ang magkapareha.”



CHANGE PARTNERS. Balitang siya sana ang gaganap bilang love interest ni Barbie sa pelikulang Sossy Problems, entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Ano ba ang nangyari at imbes na sa kanya ay kay Kristoffer Martin napunta ang role?

Paliwanag ni Derrick, “Actually, kasama po talaga dapat sana ako doon. Pero nagkaroon ng misunderstanding during the negotiation, kaya nawala.”

What went wrong during the negotiation?

“Sa amin na lang po iyon,” nangiting pag-iwas ni Derrick.

Ang dumaraming fans ng DerBie, naghahangad na mauwi rin sa totohanan ang loveteam nina Derrick at Barbie. Posible ba itong mangyari?

“Kasi kami ni Barbie, ano, e… nag-usap nga kami noong isang araw.

“Na… ‘Kumusta ka na? Kumusta ang lovelife mo?’ Ganoon.

“Sabi niya, hindi raw niya kailangan ng special someone sa ngayon.

“Kasi sobrang masaya raw siya sa work niya.

“And sobrang natuwa ako sa sagot niya. Parang naging, ‘Wow, Barbie, ikaw ba ‘yan?’” sabay tawa na naman ni Derrick.

“Na parang nagiging sobrang seryoso na siya sa trabaho.

“Ganoon din naman po ako, na parang… nahanap ko po yung kasiyahan ko sa trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Honestly, may attraction o admiration ba siyang nararamdaman kay Barbie?

“Oo naman!” pagsisigurong sagot ni Derrick.

“Maganda si Barbie. Maganda siya talaga.

“At saka mabait pa—dagdag pa iyon sa paghanga ko sa kanya.”



MISUNDERSTOOD. Lately, may nagiging issue kay Barbie na maldita na raw ito.

Na kahit daw ang press ay natatarayan nito kapag nataon na hindi maganda ang mood ng teen actress.

Ano ang masasabi ni Derrick dito?

“Si Barbie kasi, ano ‘yan, e… Kasi, mas gusto ko pa nga yung ganoong ugali kasi straightforward siya—hindi plastic.

“Pero sinasabing pagtataray niya? Hindi naman siguro niya intentional iyon.

“Ganoon po talaga kasi siya kahit sa amin, e.

“Kumbaga, iyon siya. Na kung anong gusto niyang sabihin, sasabihin niya.

“Pero hindi naman siguro niya mini-mean na maka-disrespect. Talagang ganoon siya—iyon siya, e.”

Tanggap niya ang "pagmamaasim" minsan ni Barbie kapag hindi maganda ang mood nito?

“Hindi ko po alam kung ganoon nga siya. E, di sana na-turn off na ako sa kanya?

“Feeling ko, ano lang… misunderstood lang siya.

“Ako, masasabi ko iyon, kasi ako nga ang ka-loveteam niya, di ba?

“Wala naman akong nakikitang ikaka-turn off ko sa kanya.

“Kaya ko nga siya hinahangaan dahil sa ugali niya—which is mabait.”



YOUTH AMBASSADOR. Si Derrick ang kasalukuyang Youth Ambassador na itinalaga ng National Youth Commission.

Kumusta na ang mga projects at activities niya kaugnay nito?

“Medyo naka-tour na po ako sa Pilipinas nang konti.

“Nag-i-speech ako sa harap ng mga kabataan... Ini-engganyo at pinapapangako ko sila na huwag mai-involve sa paggamit ng drugs.

“And ang sarap ng pakiramdam na maging role model para sa youth.

“Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, na maging magandang halimbawa at inspirasyon sa mga kabataan.”

NOT READY. Maganda ang height pati ang built ng katawan ni Derrick.

Siguro konting workout pa, magiging hunk na rin ang kanyang porma at pupuwedeng pang-Cosmo Bachelor Bash na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ng teen star, “Hindi pa ako ready for that.

"Kasi kung sa ngayon, maiiba ang market ko kapag nag-Cosmo ako, e.

“Seventeen ako ngayon. Siguro puwede akong mag-Cosmo kapag eighteen o nineteen na ako…

“Kapag medyo nakalabas na ako sa tween image.”

Pictorial na sexy para sa mga endorsements?

“Bawal! Iyon ang sabi sa akin ng Malacañang.

“Kasi nga, ako ang Youth Ambassador sa ngayon, kaya bawal po.

“Bawal din po akong mag-endorse ng sigarilyo o liquor… bawal maghubad o magpakita ng katawan.”



RECORDING ARTIST. Sa ngayon, nakatakda na ring sumabak sa pagiging isang recording artist si Derrick.

Inihahanda na raw nga ang album na kanyang ire-record.

“Soon, magri-recording na ako para rito. Siguro early next year, baka by January.”

Hindi ba niya gugustuhing magkaroon sila ng duet ni Barbie sa kanyang album?

“Puwede!” nangiti si Derrick.

“Kung naririnig ninyo ngayong kumanta si Barbie, sobrang nag-i-improve na siya nang sobra.

“Open ako na magkaroon kami ng duet na song sa album ko.

“Ire-request ko sa recording company na producer nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN