Cinemanila festival director Tikoy Aguiluz ruminates on Bwakaw’s Oscar chances

Sa opinyon ni Direk Tikoy Aguiluz, may bias laban sa foreign films and Academy members. Saad niya, “Hollywood Academy members, these are people who grew up with Hollywood films. Ang taste nila is really for mainstream Hollywood films. So it’s a different audience than the jury members in Cannes. Yung world cinema ang kanilang background, so their taste is different from the Academy members. The Academy members, historically, have not been friendly to foreign films, par


Magsisimula na sa December 5 ang Cinemanila International Film Festival sa Market! Market! Cinemas sa Taguig City.

Kaugnay nito, nagkaroon ng press launch ang prestihiyosong annual event kahapon, November 26, sa Dolce Latte sa Quezon City.

Present sa launch ang festival director ng Cinemanila na si Direk Tikoy Aguiluz at ilang filmmakers na kalahok sa festival.



BWAKAW IN OSCARS. Isa si Direk Tikoy sa itinuturing na tagapagtaguyod ng indie movies sa bansa.

Kaya naman hindi maiwasang itanong sa batikang direktor kung ano ang tingin niya sa tsansa ng pelikulang Bwakaw para makasungkit ng nominasyon sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards, o mas kilala bilang Oscars, sa susunod na taon.

Puro magagandang balita kasi ang naririnig tungkol sa pelikulang ito ni Jun Lana na naging kalahok at nag-premiere sa Cinemalaya 2012.

May nagsasabi pa ngang isa ito sa top contenders para sa naturang kategorya.

Naniniwala si Direk Tikoy na posibleng ma-nominate at manalo ang Bwakaw sa Oscars, ngunit mukhang mahihirapan daw ito.

Saad niya, “It’s hard to predict if you’re going to win. Bwakaw might have a chance.

"Why? Because it screened in the New York Film Festival and other film festivals in the U.S.

"And then the subject matter is interesting to the American audience, and it’s also well-made.

"So, you never know.”

Ayon sa direktor, marami kasing hadlang dito.

“Maraming obstacles—distribution, and then the logistics, and then the taste of the American Academy members.

"Sila namimili, e.”

Ang mga miyembro ng Academy Motion Picture Arts & Sciences ang bumoboto sa magiging nominado at mananalo sa Oscars.

Pagpapatuloy ni Direk Tikoy, “If there are 300 members, lahat yun padadalhan mo ng screener.

"Number two, you need a publicist to promote the film while the Academy members are screening them.”

Sa opinyon din ni Direk Tikoy, may bias ang Academy members against foreign films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Hollywood Academy members, these are people who grew up with Hollywood films. Ang taste nila is really for mainstream Hollywood films.

"So it’s a different audience than the jury members in Cannes. Yung world cinema ang kanilang background, so their taste is different from the Academy members.

“The Academy members, historically, have not been friendly to foreign films, particularly Asian films.

"For example, [Akira] Kurosawa and Satyajit Ray, namatay muna bago bigyan ng award.

"There had not been foreign films that are box-office hits in the U.S., except for European films.”

Bukod pa raw dito ang problema mula pa lang sa Film Academy of the Philippines (FAP), na siyang pumipili sa ipadadalang entry sa Academy Awards.

Kung wala raw ang suporta nito ay hindi magtatagumpay ang anumang pelikula.

Ayon kay Direk Tikoy, may mga pagkakataon daw kasing mali ang desisyon ng FAP.

Ibinigay niyang halimbawa ang hindi pagpili sa pelikulang Lola ni Brillante Mendoza noong 2010, kahit na malakas na ang ugong nito sa U.S.

“It had the same distributor as the movie that won the Oscar, Departures [2008], the Japanese film. So we had the backing of the distributor.

"But the home country did not support it. Instead, we sent Ded Na Si Lolo...

"Sa home country mo pa lang, may problema ka na,” saad niya.



STRONG DOCU. Naniniwala rin si Direk Tikoy na mas malaki ang tsansa ng Pilipinas na manalo sa Best Documentary Feature, kaya naman dapat magpadala na rin daw tayo ng entry dito.

“The feature films are run by the big players. We all know that.

"If you don’t have a distributor, if you don’t have a big star, there’s a slim chance.

"Unless you’re really lucky, like the Iranian film," pagbanggit ni Direk Tikoy sa A Separation, na nanalong Best Foreign Language Film sa Oscars ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero side by side siguro, sa full length, we should also field an Oscar bet for documentary.

"So we should convince the Film Academy to get involved in choosing a documentary entry for the Academy Awards.

"But I don’t think they do that,” pahayag niya.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, may mga documentary films na gawa sa Pilipinas na nanalo na ng awards sa ibang bansa.

Ilan dito ay ang Kano: An American and His Harem ni Monster Jimenez noong 2010, Give Up Tomorrow ni Michael Collins noong 2011, at Harana ni Benito Bautista ngayong 2012.

Nilinaw ni Direk Tikoy na ibang-iba ang mga ito sa popular na documentary na produced for TV.

“I think the made-for-TV documentary, shot in three days, four days, are not really documentaries.

"I’m not saying they’re bad, they have a purpose...

"I think there is a clear distinction between a real documentary and a made-for-TV documentary.

"When you watch them side-by-side, then you’ll know the difference.

“One example is the documentary of Ramona Diaz, Imelda, and now the Arnel Pineda documentary, and Give Up Tomorrow.

"These things take years to produce, it takes a lot of money to put them together, a lot of passion.

"The TV documentary—in one week, you can have it.”

GIVE UP TOMORROW. Pagpapatuloy ni Direk Tikoy, panahon na para suportahan ang documentary films sa Pilipinas dahil nabubuo na ang market para rito.

Ibinigay niyang halimbawa ang malakas na screening ng Give Up Tomorrow noong isang buwan sa ilang sinehan sa buong bansa.

Ang Give Up Tomorrow ay tungkol sa mga problema sa justice system ng bansa at sa kontrobersiyal na Chiong Murder Case noong 1990s.

Nanalo ang nasabing documentary ng Heineken Audience Award sa Tribeca Film Festival last year.

“Now, we’re beginning to discover the market for documentaries in the Philippines as well. That was unheard of years ago—even last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nagkakaroon ka ng market.

"I think the audience has really become sophisticated, in terms of taste.

"So ready na for documentary, even the general audience,” sabi ni Direk Tikoy.

May tsansa rin daw manalo sa Academy Awards ang Give Up Tomorrow, kung susuportahan ito ng Film Academy of the Philippines.

“We have to convince the Film Academy members to endorse it.

"I think it never crossed our minds that we have a chance in competing in the Documentary category.

"My point lang is, meron na tayong Feature Film, e. Why don’t we have one in the documentary category because we have a chance.

"Malakas ang subject matter natin. We have so many stories to tell in the Philippines, very compelling.

"A film like Give Up Tomorrow, I think, has a very good chance,” pahayag ni Direk Tikoy.

Ipalalabas ang Give Up Tomorrow sa Cinemanila International Film Festival na gaganapin mula December 5 hanggang December 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN