Eugene Domingo dedicates Aliw Best Actress award to original Bona, Nora Aunor

Biro ni Eugene Domingo sa patuloy na pagsisipag sa trabaho: "Walang-wala ako kailangan talaga, yun ang headline: ‘Eugene Domingo, walang-wala ako!’ Dapat masipag ako, hindi ako choosy.”


Ginanap ang 25th Aliw Awards noong Lunes, November 26, sa Manila Hotel.

Ang Awit Awards ay kumikilala sa mga natatanging stage actors, singers, musicians, stand-up comedians, dancers, concert producers, at directors.

Nakuha ni Eugene Domingo ang parangal bilang Best Actress (Non-Musical) para sa pagganap niya sa Bona, na isina-entablado nitong taon sa Philippine Educational Theater Association (PETA) Theater.

Sa ulat ng Ang Latest:Uplate kagabi, November 27, inihandog ni Uge (palayaw ng aktres) ang kanyang panalo sa Superstar na si Nora Aunor—ang original na Bona.

Unang ginampanan ni Nora ang papel na ito sa pelikula ni Lino Brocka na Bona noong 1980.

Masayang sambit ni Eugene, “Puwede bang i-dedicate ko ‘tong award ko sa kaisa-isang Superstar—sa inspirasyon, sa pagpayag, sa pagsuporta?

“Miss Nora Aunor, sumunod ako sa yapak ng Bona...

"Nanalo din ako, at sa lahat ng totoong Bona, sa lahat ng mga fans, ito po ay binabahagi ko sa inyo.

“Sa Aliw Awards, nakakaaliw talaga.”

Itinuturing naman ni Eugene na isa itong maagang Christmas gift sa kanya.

Aniya, “Hindi ko ‘to kayang mag-isa, lahat ng ito biyaya ng Diyos kaya maagang pamasko to para sa ’kin.

“I share this with you, all of you.”

Dahil daw sa panibagong pagkilala sa kanyang talent, aminado ang komedyana na lalo pa siyang na-inspire na gampanan nang mabuti ang kanyang mga trabaho.

At ang maganda niyang balita para sa kanyang mga tagahanga, may ginagawa na siyang pelikula sa ngayon slated for showing next year.

Sabi niya, “Nagsu-shooting ako for a new film to be shown next year nagsu-shooting na ako ngayon sa Star Cinema.”

Biro pa niya,Walang-wala ako kailangan talaga, yun ang headline: ‘Eugene Domingo, walang-wala ako!’

“Dapat masipag ako, hindi ako choosy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN