Andi Eigenmann on ex-boyfriend Jake Ejercito: "Hindi niya kailangang i-defend yung parents niya at my expense—especially ako po yung artista."

Hinaing ni Andi Eigenmann sa mga intrigang ipinupukol sa kanya: "I never wanted all the time to be talked about, I never wanted to be on the news for anything. And all of a sudden, sunud-sunod na po, puro na po tungkol sa masasamang bagay. Di naman po ako masamang tao. Pero ako na lang palagi ang nagiging masama. Bukod pa po, gusto ko lang talaga magtrabaho. Gusto ko po talagang maging successful dito—this is where I want to be. This is my life. Pero sobrang hirap po, bu


Bago pa man lumabas ang two-part article tungkol kay Jake Ejercito dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 21, alam na daw ni Andi Eigenmann ang naturang interview sa dating kasintahan.

Sa interview ni Allan Diones kay Jake sa London ay inilahad nito ang kanyang panig sa breakup nila ni Andi.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa live interview naman ni Boy Abunda kay Andi para sa the Buzz noong Sunday, November 25, mula sa venue ng dedication at first birthday party ng anak niyang si Ellie, ikinuwento ng young actress na nanghingi na ng dispensa sa kanya si Jake.

Sabi ni Andi, “Ang masasabi ko lang po is that… yun nga, e, marami kasing mga tao ang nag-isip na parang sobrang ungentleman nung ginawa niya, ganyan.

“Pero somehow, yeah, okay, maybe I agree.

“But then, hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin yun.

“But then, naisip ko rin po na hindi po totoo yun.

“Uhm… hindi po rin sindaya ni Jake yun—he apologized to me even before the articles were out.

“Kaya hindi ko po binasa yung article, kasi nung sinabi na niya sa akin, nung ikinuwento na niya sa akin kung ano yung nangyari…

“Okay na po sa akin kung ano yung nanggaling sa kanya and I still forgive him.

“Pero yun nga po, alam ko naman na hindi niya kailangang i-defend yung parents niya at my expense—especially ako po yung artista.”

Ang dating kasi, ayon sa pagkakalahad ni Kuya Boy ng kuwento, ay parang nagkaroon man ng sagutan ng mga salita sa mga nailathala ng press, hindi naman naging balakid ito upang manatili ang isang bagay between Andi and Jake’s family—ang friendship.

Nagkataon kasing dumalo sa birthday at dedication ni Ellie ang ate ni Jake na si Jerica Ejercito.

Sina Jake at Jerica ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANDI JUST WANTS TO BE HAPPY. Tanong ni Boy: “Sa’n ka kumakapit ngayon? It’s not easy, nasa’n ka ngayon sa iyong buhay? Ano ang iyong dasal?”

Humahagulhol na sagot ni Andi, “Gusto ko lang pong sumaya.

“I felt, after everything that happened, like the issues that have come out about me lately, they were so uncalled for.

“I didn’t see them coming. I didn’t think it was necessary na mangyari yung mga yun, na magkaroon ng issues tungkol sa akin.

“Parang ang alam ko, masaya na ako.

“And I started feeling na parang, ‘Bakit ganun yung ginagawa sa akin ng mga taong mahal ako? Siguro masama lang siguro akong tao.’”

Dagdag pa niya, “Kaya masakit po talaga.

“Pero ako pa rin yung masamang tao para sa kanila.

“Kaya para sa akin, naisip ko, bakit pa lagi na lang ako kailangang umasa sa iba, sa kanila?

“Puwede na lang ako mag-isa. Ako na lang, kaya ko naman po, e.

“I can raise Ellie, I can raise Ellie on my own.

“It’s just the two of us.

“And now that’s what I want, the only thing that I want to is to be happy... coz I really am not.

“Ayoko na po, ayoko na po.

"I never wanted all the time to be talked about, I never wanted to be on the news for anything.

“And all of a sudden, sunud-sunod na po, puro na po tungkol sa masasamang bagay.

“Di naman po ako masamang tao. Pero ako na lang palagi ang nagiging masama.

“Bukod pa po, gusto ko lang talaga magtrabaho.

“Gusto ko po talagang maging successful dito—this is where I want to be. This is my life.

“Pero sobrang hirap po, but I can’t give up, because I have Ellie.

“Everything that I’m doing now, it’s for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“I HATE BOYS.” Dito na rin nilinaw ni Andi ang tungkol sa nauna niyang pahayag sa Twitter na “I Hate Boys.”

Bawi niya, “I don’t necessarily hate boys, it’s just that I’m so in love with... and I prefer to be single right now, to focus on my priority.

“Nakalimutan ko na po kung ano yung dapat kong maging priority—yung sarili ko, si Ellie, yung trabaho ko po.

“And right now, that’s all I want to do.”



DEFENDING MOM JACLYN. Sa dagdag naman na ulat ng InterAksyon, dinepensahan ni Andi ang kanyang inang si Jaclyn Jose.

Aniya, “Ang sinasabi ni Jake, na hindi totoo yung sinasabi ng mom ko.

“But it doesn’t mean that my mom was lying. My mom wasn’t lying.”

Naniniwala lang daw siya na ang sinabi ng kanyang ina ay para sa kanilang kapakanan ni Ellie.

Dagdag pa niya, “Nanggaling yun sa dahil nakita niya rin akong nasasaktan.

“At saka may naririnig siyang mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin. And she’s just also being a mother.

“She doesn’t want to see me get hurt also just as much as Tita Laarni doesn’t want Jake to get hurt. Same lang naman po yun, e.

“But sana, huwag ia-accuse ang mommy ko of being a liar because she’s not.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN