Lauren Young is now officially a Kapuso

Dumalo si Lauren Young sa trade launch ng mga bagong programa ng GMA-7 kahapon, November 28, sa Makati Shangri-La Hotel. Ito ang kauna-unahang event ni Lauren bilang isang Kapuso.


Isa nang Kapuso ang dating Kapamilya talent na si Lauren Young.

Pagkatapos ng ilang buwang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Lauren sa GMA-7, sa wakas ay nakumpirma na rin ito nang dumalo ang young actress sa kanyang kauna-unahang event bilang isang Kapuso.

Isa si Lauren sa mga artistang nagpunta sa trade launch ng mga bagong programa ng GMA-7 kahapon, November 28, sa Makati Shangri-La Hotel.

Kasama niyang dumalo sa pagtitipon ang kanyang bagong manager na si Pia Magalona at ang mga anak nitong sina Maxene, Saab, Frank, Arkin, at Elmo Magalona—na pawang talents din ng Kapuso network.

Pagkatapos ng trade launch ay nag-tweet si Lauren ng tungkol sa kanyang pag-attend sa GMA-7 trade launch at ang pagbabago sa kanyang career.

Narito ang mga tweet ni Lauren (@loyoung):

“Change is good, & sometimes change is for the better. Went to my first event for GMA & everyone was so nice. Can’t wait to start working! ❤”

“Thanks to everyone wishing me good luck on this new journey I’m about to take! God has a plan for everyone and this is His plan for me. :)”

“I’ll always be grateful to Star Magic for helping me discover my passion & supporting and guiding me through my career.#LoveLoveLove“

“Besides its not about the network. It’s about the craft!#LoveLoveLove”

"I really enjoyed seeing old friends & meeting new people at the GMA Trade Launch today. What a great day! Good night everyone!"

“And I just want to give a big thank you to all the artists and bosses for welcoming me and being so nice! I already feel right at home ❤”

Bilang reaksiyon sa kanyang tweets, nag-post din ng mensahe ang nakatatandang kapatid ni Lauren na si Megan Young (@meganbata): “Goodluck in GMA @loyoung! Nakakatawa lang na nagpalit tayo :p You will work with amazing people there! :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Megan ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Batch 2. Ngunit pagkatapos ng tatlong taon ay nagdesisyon siyang lumipat sa ABS-CBN noong 2007.

Bukod sa pagdalo sa trade launch ng GMA-7, kasama na rin si Lauren sa bagong portfolio ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsiyo ang magiging unang proyekto ni Lauren sa GMA-7.

Ang huling regular program niya sa ABS-CBN ay ang remake ng soap na Mula Sa Puso, kunsaan ginampanan niya ang role noon ni Claudine Barretto bilang Via.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN