Jose Manalo on being a former drug user: "Hindi naman kasalanan ng Tondo yun, ako ang may kasalanan nun, katawan ko yun."

Nag-umpisa ang pagbibisyo sa drugs ni Jose Manalo sa Tondo. Pero hindi niya sinisisi ang lugar sa nangyari sa kanya. Sabi niya, “Wala sa lugar na tinitirhan ‘yan. Siguro ikaw na rin yun, ako na rin ang gumawa noon kaya naging ganoon ako.”


Bumalik daw ang alaala ng Tondo kay Jose Manalo habang nagsu-shooting sila roon ni Wally Bayola ng pelikulang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!?.

Sabi niya, “Yung mga nakaraan ko sa Tondo, na mga mali kong ginawa, ‘eto... maganda na ngayon.

“Dapat ingatan lahat ng mga bagay na dumarating sa buhay ng tao.”

Nakausap si Jose ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cabalen restaurant sa SM Megamall, noong Martes, November 27, ilang sandali bago ang premiere ng kaniyang pelikula.

Ilang taon ba siyang tumira sa Tondo?

“Hanggang ngayon nandoon pa yung mga kamag-anakan ko, mga pinsan ko.

"Lehitimo kaming taga-Tondo. Yung mga magulang ko, doon lumaki. Ako, doon ako lumaki.

"Umalis lang ako doon…

“Actually, hindi umalis. Lumipat lang dahil nagpahinga nang konti, dahil nabisyo ako nung araw, gusto ko lang maalis.

“Naging user ako, naging user ako dati. Ten years akong naging user,” pag-amin ni Jose tungkol sa madilim na bahaging iyon ng kanyang buhay.

Nang umalis siya ng Tondo, naalis ba ang bisyo niya?

“Totally. Hindi... ako na rin mismo. Sinabi ko sa sarili ko, ’Ayoko na.’ One day, stop ako.

“Nag-start ako magbisyo, siguro, mga nineteen years old.

“Matagal na. Huminto na ako, 1992, nung bago ako pumasok sa Valiente.

“Noong nakuha ako, nagpapahinga na ako ng mga time na yun, e.

“Sakto, dumating naman yung ganitong oportunidad.”

Ayon pa kay Jose, nakikita pa rin niya ang mga barkadang nakasama dati sa pagbibisyo.

“Pag nakikita ko sila, pag nagpupunta sila sa akin.”

Bibinigyan daw ni Jose ng pera ang mga kaibigan niyang ito.

“Oo... hindi, ako naman, kahit papaano inaabutan ko.

"Pero sabi ko, ‘Una muna ninyong tulungan ang sarili ninyo. Pag nakita ko, tutulungan ko kayo.’

“Wala namang problema.”

Anong edad siya umalis sa Tondo?

“Siguro mga twenty-seven years old na ako.

“Pero hanggang ngayon, nagpupunta pa rin ako doon tuwing fiesta, tuwing Mahal Na Araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga obligasyon ko sa Tondo, hindi ko inaalis.

“Buong Mahal Na Araw, nandoon ako. Pag Mahal Na Araw, nagka-Caridad ako nang alas-tres.

“After nang alas-tres, yung mga barkada ko doon, sama-sama kami, nagpu-prusisyon kami.”

Ano ang isang bagay sa Tondo na hindi niya makakalimutan?

“Iyan, iyang nabisyo ako," sagot ni Jose.

"Hindi naman kasalanan ng Tondo yun, ako ang may kasalanan nun, katawan ko yun.

“Wala sa lugar na tinitirhan ‘yan.

"Siguro, ikaw na rin yun, ako na rin ang gumawa noon kaya naging ganoon ako.”



TANDEM WITH WALLY. Kung may offer na pelikula o proyekto na hindi kasama si Wally, hinding-hindi raw papayag si Jose.

“Hindi! Hindi, hindi ako papayag. Kahit pumayag yung manager, hindi ako papayag.

“Lalo si Bossing [Vic Sotto], hindi papayag yun na magkahiwalay kami.

“Pumapayag siya na kaming dalawa, pero hindi siya papayag na maghiwalay kami."

May dream project ba siya para sa kanila ni Wally?

Sagot ni Jose, “Actually, ako yung taong walang pangarap, e.

“Parang, ako lang yung kung ano yung dumating sa buhay ko, tanggap lang ako nang tanggap.

“Para mangarap ng mga kung anumang bagay tungkol sa akin…

"Siguro ang dream ko lang, na magtuluy-tuloy yung trabaho namin...

“Mas dumami yung mga kaalaman namin sa trabaho na ‘to, mas mapalawak pa namin siguro—iyon lang ang dream ko.”

Ano ang specific na pelikulang gusto niyang gawin sa susunod, na matsa-challenge sila ni Wally?

“Siguro kung lalagyan mo ng mga madudugong drama, iyon siguro yung mga dream namin.

“Kasi, komedyante kami, so para maiba lang nang konti siguro, yung medyo mas mabigat yung mga dramang gagawin namin...

“Na talagang mararamdaman ng mga tao na puwede rin pala kaming mag-drama.”

Marami sigurong paghuhugutan ng emosyon si Jose?

“Hindi rin, e... hindi ako ganun, e.

"Mahina ako, mahirap akong umiyak, e. Hindi mo ako mapapaiyak, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung nangyayari na talaga, ayun, doon mo ako mapapaiyak.

“Pero siguro kung ilalagay mo lang yung sarili mo sa istorya, makakaya ko... tsaka depende sa direktor.”

EAT BULAGA! IN LONDON. Kagagaling lang ng Eat Bulaga! sa London. Ano ang hindi makakalimutan ni Jose sa naturang lugar?

“Mahal! Lahat ng bilihin, mahal!” sabay tawa niya.

Mayaman naman siya, di ba?

“Hindi rin!” at muling tumawa ang comedian-host.

“Hindi, masarap kasi na-experience mo yun...

“Nakapunta ka doon at napasaya mo yung mga kababayan natin na minsan lang makapanood ng ganoon.

“Sa Amerika kasi, marami nang show na nangyayari, pero sa London, bihirang-bihira.

“Masarap, masarap yung experience namin dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN