Andrew Wolff on finishing first runner-up in Mr. World 2012: "It feels great and I really wanna dedicate this to all the Filipinos out there."

Nakabalik na ng bansa si Andrew Wolff mula sa matagumpay niyang pagsali sa Mr. World 2012 sa Kent, England. Si Andrew ay naging first runner-up sa nasabing male beauty pageant na pinagwagian ng delagate mula sa Colombia.


Hindi man niya nakuha ang titulong Mr. World 2012, masaya namang humarap sa media si Andrew Wolff kahapon, November 29, pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport mula sa England.

Si Andrew ay naging first runner-up sa Mr. World 2012 na ginanap noong November 24 (November 25 ng madaling-araw sa Pilipinas), sa Kent Event Centre, Kent, England.

(CLICK HERE to read related story.)

One point lang ang lamang sa kanya ng nanalong si Francisco Javier Escobar Parra ng Colombia.

Sa panayam ng Bandila ng ABS-CBN, sinabi ni Andrew na kahit hindi niya nakuha ang titulo ay masaya pa rin siya dahil nagbigay siya ng magandang laban para sa bansa.

“It feels great and, you know, I really wanna dedicate this to all the Filipinos out there.

“Tight talaga, kasi yung mga kalaban ko—athletes, actors, models, you know. They were really talented guys.”

On the other hand, ipinagmalaki naman ni Cory Quirino, ang organizer ng Mr. World Philippines, ang natamong tagumpay ni Andrew.

Pahayag niya, “Sobra talaga, Im so proud of Andrew. I know that Mr. World pageant is the toughest in the world.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN