Sam Milby on zero lovelife: “Yung mundo ko dito, siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilala na new people, you know.”

Sam Milby on winning his first award as a recording artist: "It’s a big thing for me ‘coz I think a lot of people, they don’t look me as a singer, they look me more as an actor. So the fact that I get a music award, lalo na sa Awit Awards, is a big plus."


Maagang dumating si Sam Milby sa Glorietta Activity Center noong Martes, November 27, kung saan ginaganap ang 25th Aliw Awards.

Nominado kasi si Sam sa kategoryang Best Ballad Recording para sa awitin niyang "Hindi Kita Iiwan."

Luckily, hindi naman nasayang ang kanyang pagdalo sa okasyon dahil siya ang nanalo.

Pagkatapos niyang magawaran ng Best Ballad Recording trophy, masayang humarap si Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, sobra raw niyang ipinagmamalaki ang kanyang nakuhang award.

Sabi ni Sam, “This is actually my first Awit Award, so big thing for me.

“Thank you so much to Awit Awards, to PARI, to Star Records, and Jonathan Manalo, my producer—he’s also the one who wrote the song so big thing ito. Thank you for giving me the song.

“Wala... wala ako masabi.”

Isa rin daw patunay ang kanyang natanggap na tropeyo na isa rin siyang singer.

Pahayag niya, “Yes it is, it’s a big thing for me ‘coz I think a lot of people, they don’t look me as a singer, they look me more as an actor.

“So the fact that I get a music award, lalo na sa Awit Awards, is a big plus.

“Kumbaga, yung Grammys is the biggest award-giving body for music, most prestigious; here in the Philippines, it’s Awit.”

ZERO LOVELIFE. Bongga man ang kanyang career, zero naman daw siya pagdating sa lovelife—at hindi daw niya ito choice.

Natatawa niyang sabi, “Darating din yun. Wala pa naman.

“I don’t know… di naman choice, wala, e.

“Yung mundo ko dito, siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilala na new people, you know.”



AGAINST ALL ODDS. Inusisa na rin ng press si Sam kung ano na ang progress sa teleserye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion sa ABS-CBN—ang Against All Odds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin niyang baka second quarter pa daw ng 2013 ang airing nito, taliwas sa napabalitang January ito sisimulang ipalabas.

Sabi niya, “Second quarter pa ng 2013.

“I think mas mahirap siyempre, kasi may movie siya [Judy Ann], nagsu-shoot din siya ng movie for MMFF. Sa December na ‘yan.

“Actually, napakahirap talaga para sa kanya yung schedule—may MasterChef, movie, serye, then mga anak niya.”

Pinabulaanan naman ni Sam na nagkaroon ng pagbabago sa casting ng Against All Odds at isa siya sa natanggal.

Sabi niya, “Ay, hindi po totoo yun. Andun pa rin ako sa Against All Adds.

“Na-put on hold lang yung taping namin. Baka nga second quarter siya lalabas.”



DEATH MARCH. Bukod sa paggawa ng teleserye, ibinahagi ni Sam ang tungkol sa katatapos lang na shooting nila ng indie film na Death March; kasama sina Zanjoe Marudo, Jason Abalos, at Sid Lucero.

Pero baka hindi raw ito unang maipalabas sa bansa kundi sa abroad.

Aniya, “I don’t know, hindi ko lang alam kung ilalabas dito sa Pilipinas but tapos na yung shooting.

“Siyempre iba, about the Bataan death march.

“Sundalo ako sa movie, American soldier.

"Pero nahirapan pa rin ako sa mga dialogues kasi iba yung [American] accent.

“Siyempre, hindi naman ginagawa yung mga ganung roles dito sa Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN