Congressman JV Ejercito buries hatchet with half-brother Senator Jinggoy Estrada

Sa kanyang pagtakbo bilang senador sa 2013 elections, sinabi ni Congressman JV Ejercito na kung sakaling manalo siya, magandang papasok siya ng Senado na magkaayos na sila ng kapatid niyang si Senator Jinggoy Estrada: “Definitely, siyempre naman. Pangit naman yung papasok ako doon na hindi kami magkasundo, na meron kaming hidwaan. Mas maganda naman… and I think we will be a powerful clan pag nagkasama at nagkaisa kami. We will be a strong force.”


Ikinatuwa at ikinaluwag ng loob ni San Juan City Representative JV Ejercito ang pagkakaayos nila ng kanyang kuya at kapatid sa ama na si Senator Jinggoy Estrada.

Ito ay matapos silang pagbatiin ng mismong ama nila na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Si JV ay anak ni Erap kay San Juan Mayor Guia Gomez, habang si Jinggoy naman ay anak nito kay dating Senadora Loi Estrada.

Sabi ni JV, “Ang maganda lang, nagkahingahan kami.

“Siguro medyo matagal na rin kasi kaming nagkaroon ng hidwaan.

“I think it’s more of politics at ang nagpalaki lang yung mga taong nagsusulsol. Minsan yung mga parating na may kulang o may dagdag.

“Pero siguro, mahal naming pareho si former President Erap, ang aming ama, and I think yung sinabi niya, parehong tumama sa amin.

“Na hindi na siya bumabata, he’s 75, at yung karamihan sa kanyang mga kapatid… even yung lolo namin, namatay at 78.

“So, in-enumerate niyang lahat yun, e.

“Kaya sabi niya, ‘Kung gusto n’yong dalawa na mapabilis ang buhay ko, e, sige bahala kayo.’

“Kaya siguro pareho kaming tinamaan.

“It’s just, both of us love our father very much that we decided to bury the hatchet, ‘ika nga, and siguro tigilan na itong away na ito.

“Although it may take time for us to be able to become really good friends again. Dahan-dahan siguro.

“It will eventually happen.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si JV sa kanyang inihandang Christmas party for the press na ginanap kaninang tanghali, Nobyembre 30, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Pinakapinag-usapan nga sa party ang pagbabati nina JV at Jinggoy.



THE RECONCILIATION. Kailan at saan ba naganap ang kanilang pagbabati?

“I think three Sundays ago. Sa bahay yun ng common friend, family friend,” sabi ni JV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mismong ang ama nga raw nila ang nagpatawag sa kanilang dalawa.

“Oo, kasi lumabas na naman sa media, e.

“Sabi nga ni President Erap, ’Bakit kailangang lumabas pa iyan. Pag may hidwaan dapat sa pamilya na lang.’”

Nagyakapan ba sila ni Jinggoy pagkatapos magkaayos?

“Nagtapikan lang, nagkamayan.”

Ano ang naging pangako nila sa isa’t isa?

“Unang-una, yung tigilan muna namin yung hindi pagkakaintindihan namin, yung samaan ng loob.

“At least naihinga namin yung lahat ng aming saloobin ng matagal nang panahon.

“Pero ang pinakamahalaga roon, sa tingin ko, siguro yung pagmamahal namin dalawa kay former President.

“He’s a major factor kung bakit kami naging magkaibigan.”

Pagkatapos ng kanilang pagbabati, ngayon ba ay nag-uusap na sila?

“Well, may mga common friends kami, na kung meron mang isyu ay diretso na naming pinararating sa isa’t isa.

“Halimbawa, ‘O ganito… yung isyu nating ganito.’ At least mas madali nang ma-resolve, kaysa dati na lumalala, lumalalim.

“So, ngayon, pag merong isyu, sabi niya, ‘Itawag mo sa akin. Itatawag ko sa iyo.’

“Diretso na lang para at least maiayos kaagad.”



MISUNDERSTANDING. Nag-ugat daw ang hidwaan nilang magkapatid dahil sa hindi pagkakaunawaan dulot ng headline ng isang artikulo.

Saad ni JV, “Sa tingin ko, misunderstanding lang because of the title of the article na sabi, e, ‘JV sees sibling rivalry with Jinggoy to extend up to the Senate.’

“Pero kung binasa mo yung article… sinabi ko, ‘We may not be that close, at least we are not fighting anymore.’

“Yun ang sinabi ko, na for the sake of our father, because we love him very much, at least hindi na kami nag-aaway.

“Kung babasahin mo yung article, yun ang nilalaman.

“Pero siguro, malamang may nakakita, ‘Uy, eto o…’ Nadagdagan na. Malamang hindi niya nabasa yung body.”

Ang importante raw ngayon ay nagkaayos na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkadugo kami, e. In the end, siguro we both realize… and I guess both of us are mature already.

“I guess, in the end, we both realize na, you know, pareho ang aming dugo, iisa ang aming dugo.

“Sa huli, kami rin ang magkakasama.”

Normal lang naman daw sa magkapatid ang magkaroon ng tampuhan at pagsubok sa samahan. Mananaig pa rin naman daw sa huli ang pagmamahal.

“Oo naman, siyempre iba yung magkadugo kayo, e.

“Palagay ko, yung pinagdaanan namin, siguro ay mga pagsubok lang iyan.

“Siguro dahil pareho kami ng career. Tapos may mga taong nakapaligid.

“Siguro kung kaming dalawa lang ang mag-uusap na madalas, sa palagay ko naman, yung mga problema, yung mga gusot, ay maaayos.”



BROTHERS IN THE SENATE. Ngayong tumatakbo si JV sa pagka-senador sa May 2013 elections, at sakaling manalo siya, pumasok ba sa isip niyang mas okay tumuntong sa Senado na nagkaayos na silang magkapatid?

“Definitely, siyempre naman.

"Pangit naman yung papasok ako doon na hindi kami magkasundo, na meron kaming hidwaan.

“Mas maganda naman… and I think we will be a powerful clan pag nagkasama at nagkaisa kami. We will be a strong force.”

So, posibleng maging co-authors sila sa batas at bills na gagawin nila?

“Well, I do not see any reason why not, ‘no?

“In fact, dito sa Kasambahay Bill, siya ang principal author sa Senado, ako naman ang isa sa mga principal author sa House.

“So, kumbaga, ngayon pa lang, meron na kaming mga House bills na pareho.

“In fact, noong bago ako sa Kongreso, actually nagtulungan na kami.

“Binigyan niya rin ako ng ibang bills sa Senado. Sabi niya, ‘Tingnan mo ito kung puwede mong magamit.’

“So, exciting din at sana magtuluy-tuloy na itong magandang samahan namin.”

Kasama ba sa naging pag-uusap nila ni Jinggoy ang pag-endorso sa kanya ng kapatid sa Senado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, hindi kami umabot sa ganun. Wala pa kaming napag-usapang ganun.

“Siyempre, it will be a big boost for my candidacy.

“Siyempre he’s one of the top senators right now. Nag-number two siya noong nag-re-election siya, e.

“Of course, it will be a big boost.”



A HAPPIER CHRISTMAS. Sa kabila ng hidwaan nila noon, nagkikita naman daw sila tuwing may family gatherings lalo na kapag Pasko.

“Nagkikita-kita naman. We’re civil.”

Pero mas maganda ba ang Pasko ngayong taon para sa kanila dahil sa kanilang pagbabati?

“Sana. Of course, sino ba naman ang gustong makipag-away sa kapatid, di ba?

“Makaaway mo nga yung kaibigan mo, masakit na sa loob mo, e. All the more pag kapatid mo at sarili mong dugo ang kaaway mo.

“Para ring kaibigan iyan, pag nag-reconcile kayo, mas masarap sa pakiramdam.”

Naiisip niya bang regaluhan si Jinggoy sa Pasko?

“Why not? Kung reregaluhan niya ba ako e di reregaluhan ko rin siya.

“Actually, every Christmas naman, nagbibigay naman siya sa amin, sa pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN