Cristalle Henares has rice and salt for a meal with poor family on Tara Island

“Hindi ko ’pinapakita na naaapektuhan ako, pero sa likod ng ulo ko, ang asin, ginagamit lang nating pangpalasa ‘yan. Pero doon, ulam na pala,” lahad ni Cristalle Henares sa karanasan niya sa pagtira kasama ng isang mahirap na pamilya sa Tara Island. Bahagi ang karanasang ito ni Cristalle sa 10th anniversary episode ng Wish Ko Lang.


Naging emosyunal si Cristalle Henares sa ginanap na Christmas dinner party ng Belo Medical Group para sa ilang entertainment press nung Huwebes, November 29, sa Annabel’s Restaurant.

May kinalaman ang pagiging emosyunal ng 29-year-old na Belo Medical Group executive sa ginawa niyang immersion, o pagdanas ng pamumuhay, kasama ang isang pamilya sa Tara Island.

Ang Tara Island ay isang isla sa Palawan na mararating sa loob ng dalawang oras mula sa Coron—kung maganda raw ang panahon, ayon kay Cristalle.

Ang immersion ni Cristalle ay bilang pagiging guest nito sa ika-sampung anibersaryong episode ng Wish Ko Lang ng GMA-7.

Sa episode na ito na ipalalabas mamayang hapon, nagpakilalang taga-GMA-7 si Cristalle na gumagawa ng dokumentaryo tungkol sa Tara Island at sa mga nakatira rito.

GOING TO TARA. Habang ipinapakita ang ilang larawan na kasama niya ang mga katutubo ng Tara ay ikinuwento ni Cristalle ang naging karanasan niya sa malayong bahagi na iyon ng Pilipinas.

Ayon kay Cristalle, “Noong una, ang sabi nila, ang isla ay two hours away from Coron.

“Ako kasi, parang meron akong motion sickness.

“Noong tinext nila ako na magbo-boat kami, noong una medyo ayoko talagang gawin kasi nahihilo ako sa boat.

“Pero sabi ko, ’binigay ni God sa akin ang opportunity na ‘to. Siguro, may rason siya.

“Kaka-break ko lang, so, siguro gusto ni God na maging busy talaga ko.

“Sabi ni God, ‘Cristalle, kailangan mong maging busy, mag-immersion ka. Kaya ka tinawag ng Wish Ko Lang at puwede kang magpasaya ng ibang tao. At dahil doon, magiging masaya ka rin.’

“So naisip ko, sige na nga, two hours lang, kayang-kaya.”

Yun nga lang, pagdating daw nila ng Coron, hindi lang daw pala dalawang oras ang biyahe sa dagat papuntang isla. Ito’y sa dahilang maalon nang oras na nagpunta sila.

“May kasama kaming pastor at ten years siyang nanirahan sa islang yun. Ang tawag sa isla ay Tara Island.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pastor, two hours lang, di ba?’

“E, sabi niya, ‘Naku, malakas ang hangin today, malakas ang alon. Siguro, mga four hours tayo.’

“E... nasa Coron na ‘ko, nasa boat na ‘ko. Alangan namang magba-back-out pa ‘ko.

“Inip na inip, naghihintay ang mga tao sa Tara island. So sabi ko, ‘Thank, God, meron akong dalang Bonamine.’

“So, yun na lang ang ininom ko para kakayanin ko ang boat ride.”

JOEY AND JANICE. Pagdating sa isla, nakilala raw niya ang mga batang sina Joey at Janice.

Magkapatid ang mga ito at ang pamilya ng mga ito ang nakilala ni Cristalle sa isla.

“Sinundo ko sila galing sa klase. Grade three na sila. Kung makikita niyo, isa lang ang bag na dala nila sa school. Ang agwat ng age nila ay two years apart.

“Yung school nila, wala sa island. Yung school nila, one hour away.

“So, nagbibiyahe sila ng one hour para lang makapunta sa school. Hinahatid sila ng mga magulang nila roon sa Lunes at sinusundo sila kapag Biyernes.

“At dinala nila ako sa isla nila. At nagbiyahe kami ng one hour, boat ride pa rin.”

Sa kuwento rin ni Cristalle, sampu raw na magkakakapatid sina Joey at Janice, pero anim na lang daw sila dahil namatay na ang apat.

Yung kuya raw nila, kamamatay lang noong June dahil sa kawalan ng ospital o health center sa isla.

Ang pagamutan naman na nasa Coron ay kailangang lakbayin pa ng tatlong oras mula sa kanilang isla.

“Very sad yung story nila,” ani Cristalle.

LIVING ON RICE AND SALT. Dinala raw siya nina Joey at Janice sa isang maliit na kubo, kunsaan niya nakilala ang mga magulang ng mga ito, na sina Nanay Delia at Tatay Rolly.

Nagulat daw si Cristalle, pero hindi siya nagpahalata nang malaman kung ano ang pagsasaluhang pagkain ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong ko si Tatay Rolly, ‘Ano ang ulam natin sa hapunan?’ Kasi nakapagsaing na si Joey. Ang sagot niya: ‘Asin.’

“Actually, sinabi nila sa akin na, sa pamilya nila, apat na ang namatay. Asin ang pagkain namin. Parang ako, ‘Okay, fine.’

“Hindi ko ’pinapakita na naaapektuhan ako, pero sa likod ng ulo ko, ang asin, ginagamit lang nating pangpalasa ‘yan. Pero doon, ulam na pala.”

Kinuwento rin ni Cristalle ang isang anak daw nina Tatay Rolly na dalawa o tatlong taon na, pero mukha lang isang taon at malaki ang tiyan.

Ipinakita rin ni Cristalle ang litrato ng nag-iisang toilet sa isla.

NO FISHES. Ikinuwento pa niya ang karanansan nang sumama siyang mangisda.

Kuwento ni Cristalle, “Akala ko, may mahuhuli na kaming isda para meron na kaming lunch.

“Kaso, habang nangingisda kami kasama si Tatay, si Joey, at saka si Janice…pero wala kaming mahanap na isda.

“Sabi ko, ‘Itong isla na ito, wala namang hotel diyan na nag-uubos ng isda. Pero, bakit walang isda?’

“Apparently, merong commercial na fishing boats na nagpupunta roon. Nag-o-overnight, at two times a week sila roon. Kinukuha lahat ng isda, umaalis.”

Ikinuwento rin ni Cristalle na kapag nagkakasakit daw ang mga bata, tsaa o “tea” ang ginagawa na lang na pang-gamot.

“Dahil walang health center, gumagamit na lang sila ng mga tsaa o mga leaves or herbs na pang-gamot.

“Tapos, si Nanay, dahil nga kailangan, pinapagaling niya ang baby na may sakit, hindi na siya makapag-trabaho maghapon.”

Ang ibang nanay raw sa isla ang nagpakita kay Cristalle ng paggawa ng banig.

“Apparently, lahat ng trabaho nila sa isang linggo, buong hapon sila nakayuko, nagwi-weaving. Nadadala nila sa Coron at binebenta lang nila ng P300.

“Tapos, babayaran pa nila ang boat papuntang Coron. So, talagang naawa talaga ‘ko.”

Kaya sabi ni Cristalle sa entertainment press, “Kaya kapag bumibili tayo ng banig, wag na tayong tumawad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHERE IS THE BLACKBOARD? Naikuwento rin ni Cristalle kung paanong ang mga batang nakaabot ng grade one ang siya namang nagtuturo sa mga magulang nila kung paano magsulat.

Ipinakita rin ni Cristalle sa picture ang classroom kunsaan Manila paper lang ang ginagamit ng teacher.

“Tinanong ko, bakit hindi pisara o blackboard ang ginagamit?

“Ang sagot, may namatay last month. So, kailangang gamitin bilang kabaong ang blackboard.

“Can you imagine! Wala silang school supply. So, nakakaawa talaga.

“Hanggang sa sinabi na namin na taga-Wish Ko Lang kami.

“Walang electricity roon. Binigyan namin sila ng solar panel, generator, mga medicines, at mga gamit para sa school.”

SHARING THE BELO EXPERIENCE. Kahit daw mga simpleng toiletries ay wala sa Tara.

Kaya tuwang-tuwa raw kay Cristalle ang mga bata, lalo na nang makitang naligo siya.

Kuwento ni Cristalle, “Naligo ako ng dalawang beses noong araw na yun kasi naiinggit ang ibang bata.

“Never pa nilang na-experience ang shampoo, conditioner. Na may sabon pang-katawan at may iba pa akong sabon pang-mukha.

“Kasi, siyempre, Belo, di ba?” natatawa pa niyang pag-segue sa pagbanggit ng kumpanya nila.

“Pero after that Belo experience, meron pang perfume.”

At saka niya naalala pa ang kuwento ng magkakapatid tungkol sa kanilang toothbrush.

“Noong pagkatapos naming mag-dinner, sabi ko, ‘O, toothbrush na tayo. Nasaan ang toothbrush niyo?’

“Sabi ni Janice, ’Ginamit po na panlinis ng makina.’

“’Tapos sabi ko, ‘Bakit si Joey, may toothbrush?’

“Sabi niya, ‘Ate, binigay po sa kanya ‘yan noong grade one kami.’ Grade three na sila.

“Can you imagine? Isang maliit na bagay tulad ng toothbrush na pinapalit-palit natin every six months, sa kanila, luxury item na yun.”

Wala rin daw Christmas celebration doon kaya ang ginawa raw nila, nagpalipad na lang sila ng lantern para maranasan din ng mga tao roon ang selebrasyon.

SURRENDERING COMFORT. Si Cristalle na rin ang kusang sumagot ng tanong niya na bakit kaya siya pinadala ng Diyos sa naturang isla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Dalawa ang parang lesson na inisip ko.

“Siyempre, kaka-break ko lang. Minsan, naiisip mo, ‘Ah, tapos na ang mundo ko. Magpapakamatay na ‘ko.’

“Hindi naman sa ganoon, pero maraming beses, bilang tao, marami tayong problema na naiisip na end of the world na ‘to.

“Hindi na, wala nang hope, tapos na ‘to.

“Until makita mo ang situwasyon ng mga tao rito na walang-wala na nga sila, pero lumalaban din.

“So, nakaka-inspire sila.

“Number two, siguro sa Manila, naisip ko rin. Since nagpunta ako sa Tara Island, na-challenge ako ng Wish Ko Lang.

“Ano ba ang mga comfort na dala mo na gusto mong i-sacrifice?

“So, sinurender ko ang cellphone ko.

“Meron kasi akong dala-dalang unan. Kahit saan ako pumunta, like Boracay o abroad, kahit saan ako magpunta as long as nandoon ang unan ko, feeling of comfort na makakatulog ako.

“Pero dahil tinanong ako ng Wish Ko Lang na kailangan i-surrender ang malapit sa puso ko, ‘yan nga—cellphone, then unan.

“So, noong nandoon ako, na-separate talaga ako sa lahat ng materyal na gamit.

“At ang huling realization ko roon—minsan, kapag nasa Manila tayo, we get caught up with having the latest Prada bag, having the latest iPhone type.

“Nao-obsess tayo sa mga ideya na ganun. At minsan, ginagamit natin ang mga materyales na bagay na yun para i-define kung sino ba tayo bilang tao.”

Tinanong din si Cristalle kung may plano ba siyang bumalik sa Tara Island?

“Of course, parang napamahal na ‘ko.

“Actually, nabinyagan na nila at binigyan nila ako ng pangalan…Ongkoy.

“Ang ibig sabihin ng Ongkoy pala ay kaibigan o mahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN