Vhong Navarro on separating private life from showbiz career: "Kahit gaano mo ka-crush yung isang tao, kapag trabaho, ihihiwalay mo yung professionalism sa personal."

Dahil nasa showbiz, pangkaraniwan nang nali-link si Vhong Navarro sa mga nakakapareha niyang mga artistang babae. Pero sabi ng komedyante, “Isa na ata ako sa mga pinakamasuwerteng lalaki dahil, sa dami ng nasasamahan kong magagandang dilag, awa ng Diyos, hanggang trabaho lang. Kasi, hindi hindi naman talaga nila ako pinapansin!”


Hindi naman inililihim ni Vhong Navarro na mayroon siyang non-showbiz girlfriend ngayon.

Pero dahil nasa showbiz ang comedian ay hindi maiwasang ma-link pa rin siya sa iba.

Katulad ngayon sa bagong pelikula ni Vhong, ang Shake Rattle & Roll 14, kunsaan kapareha niya ang Kapuso actress na si Lovi Poe.

Sa pocket presscon para sa pelikula noong November 26 ay naging bukas sina Vhong at Lovi sa kanilang paghanga sa isa’t isa.

Kaya ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vhong ay kung hindi kaya pagselosan ng girlfriend niya ang pag-amin niyang ito.

Sagot ng mahusay na komedyante, dancer, at host, “Naku, sobrang pagdating sa trabaho, napaka-maintindihin nun.

“Yung sabi ko nga kanina, kahit gaano mo ka-crush yung isang tao, kapag trabaho, ihihiwalay mo yung professionalism sa personal.

“Isa na ata ako sa mga pinakamasuwerteng lalaki dahil, sa dami ng nasasamahan kong magagandang dilag, awa ng Diyos, hanggang trabaho lang.

“Kasi, hindi hindi naman talaga nila ako pinapansin!” biro niya.

LOVI POE. Consistent ang It’s Showtime co-host sa pagsasabing crush niya talaga si Lovi.

“Sinasabi ko naman na isa sa mga hinahangaan ko pagdating sa kagandahan ay isa na si Ms. Lovi Poe.

“Bukod sa magaling siyang umarte, ang una mong makikita ay yung hitsura.

“Pangalawa, yung performance niya sa acting, magaling.

“Kumbaga, nadadagdagan yung pagiging crush mo sa kanya.”

Patuloy ni Vhong, “Ang maganda naman sa amin, after the movie, may communication pa rin kami.

“Kaya nga nakakatuwa kasi akala ko nga matatapos na dun yung friendship na nabuo sa pelikula.

“Ang maganda, mayroon pa ring communication, tweet-tweet pa nga minsan, so nakakatuwa.”



STREETBOYS. Si Vhong ang masasabing pinakamatagumpay sa lahat ng naging miyembro ng all-male dance group na Streetboys.

Kabilang din sa grupong ito, na binuo ng direktor na si Chito Roño, sina Jhong Hilario, Spencer Reyes, at Danilo Barrios—na pawang gumawa rin ng pangalan sa larangan ng pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vhong, bukas pa rin ang komunikasyon nila ng mga dating kagrupo. At sa sandaling nangailangan ng tulong ang mga ito sa kanya ay tumutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

“Kumbaga, ganun naman talaga, tulungan.

“Nung time naman na si Spencer yung napaka… nasa status, hindi niya kami pinabayaan.

“At the same time, si Spencer nun, hindi niya ipinaramdam na siya yung pinakasikat nung time na yun.

“Siyempre, iba na yung financial.

“Minsan, kapag may kailangang lumapit… kasi nung time naman na nandito sila sa Manila, hindi natin maiiwasan yung ganun.

“Nag-lie low ang Streetboys na talagang maraming raket, dumating yung point na kinapos, siyempre, try mong tulungan pag lumapit sa iyo.

"Ngayon, sobrang ganda, sobrang successful nila sa Singapore.

“Pang-ilang taon na nila, pang-apat na yata o pangatlo… sa awa ng Diyos.”

Performers ngayon sa Universal Studios sa Singapore ang karamihan ng mga naging miyembro ng Streetboys.

Napag-alaman din ng PEP na si Vhong pala ang nag-suggest na maging parte ng It’s Showtime si Jhong Hilario.

“Actually, parang sinuggest ko lang na gawin nating judge si Jhong, kasi ang sarap kapag nakikita mo ang kagrupo mong nagta-tumbling.

“Si Jhong naman, sinuggest ko, hindi naman dahil kailangan ng tulong.

“Kumbaga, siya naman yun, super talented, hindi naman walang sinabi. Magaling yun!”



ON THE BRINK OF GIVING UP. Sa kabila ng tagumpay ngayon ni Vhong, inamin nitong dumating din siya sa puntong gusto na niyang sumuko sa showbiz.

“Noong una pa lang, gusto ko nang mag-give up.

“Hindi ako dapat sa Streetboys, aksidente akong napunta sa Streetboys.

“Kasi, dalawa kaming magkaibigan, dalawang dance [group] na nag-audition kami, sa disco pa noon. Nineties nung time na yun.

“May kasama akong guwapo, classmate ko siya. Kaya lang, sa pagsasayaw, hindi siya gaanong marunong. So, tinuturuan ko siya.

“Kaya lang, nung time na mag-audition ako, ako yung napunta sa Streetboys at siya sa kabilang grupo, na dapat dun ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro meant to be na mapunta ako sa Streetboys, kasi pinagtiyagaan ako ni Direk Chito, na talagang kahit mukhang hito ako… Kasi ang payat ko nun.

“Kahit medyo marunong na akong magsayaw, talagang nag-training talaga kami.

“Kaya nagpapasalamat ako kay Direk Chito sa tiwala at pasensiya na, kahit ganun ang hitsura at pangangatawan ko, tinanggap niya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN