FIRST READ ON PEP: Dennis Trillo and Bianca King break up

Inamin ni Dennis Trillo na hiwalay na sila ni Bianca King pagkatapos ng halos isang taong relasyon. "Lie low" ang ginamit na termino ni Dennis sa paglalarawan sa estado ng relasyon nila ngayon ni Bianca.


Tatlong linggo nang break sina Dennis Trillo at Bianca King.

Ito ang inamin ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo sa Annabel’s restaurant, kagabi, December 2.

Kasama ni Dennis bilang artists ng Luminary sina Marian Rivera, Janice de Belen, Jestoni Alarcon, Martin Escudero, AJ Dee, at ang dalawang pinakabagong talents ni Popoy na sina Rafael Rosell at Tom Rodriguez.

Sa simula ng interview ay tinanong si Dennis kung ano ang plano nila ni Bianca sa Pasko at kung ano ang regalo nila sa bawat isa.

Sagot ng Kapuso actor, “Wala pa, wala pa. Hindi pa namin napaplano.

“Siguro hindi pa... wala pa kaming solid na plano.”

Dahil wala namang nababalita tungkol sa estado ng relasyon nila bago ang interview, tinanong si Dennis kung napag-uusapan na nila ni Bianca ang tungkol sa kasal.

Mabilis na tugon niya, “A, hindi pa, hindi pa, hindi pa.

“Wala, hindi naman kami parehong nagmamadali, tsaka hindi namin ano, wala pa lang…”



“LIE LOW.” Nang tanungin kung masaya ba siya ngayon sa kanyang lovelife, dito na umamin si Dennis sa tunay na estado nila ni Bianca.

Aniya, “Ngayon? A… tahimik yung lovelife ko ngayon, e, sobrang tahimik.

“Actually, medyo lie low kami talaga ngayon.”

Cool-off ba ang ibig niyang sabihin?

“Well… lie low. Maraming ibig sabihin kasi yung cool-off, e, so…”

Ano ang ibig niyang sabihin sa “lie low”?

“Hindi muna… hindi kami masyadong madalas magkita ngayon.

“Well, busy kasi kami pareho rin sa trabaho, e.

“Siya, gusto ko ring ma-maximize niya nang husto yung mga opportunities na dumadating sa kanya ngayon. Gusto kong makapag-focus siya dun.

“Ako rin, sa akin ganun [din], dahil sobrang busy din sa trabaho.

“Halos every day kaming nagte-taping [ng Temptation Of Wife]. Tapos, pag hindi nagte-taping, movie naman ang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naiisip lang namin na bigyan namin ng time yung mga priorities namin, lalo na sa trabaho.”

Parehong may entry sa 2012 Metro Manila Film Festival sina Dennis at Bianca. Si Dennis ay kasama sa Shake Rattle & Roll 14 habang si Bianca naman ay nasa cast ng Sossy Problems.

Pinag-usapan ba nila na mag-“lie low” muna sa kanilang relasyon?

“Napag-usapan naman namin."

Sa tono ng pananalita ni Dennis ay parang break na nga sila. Ganun nga ba?

“E, well, sa ngayon, ano rin, e… Hindi ko pa rin alam, e. Malabo.

“Basta lie low lang kami.

“Ayokong manggaling sa akin na yung ano, e… Hindi ko pa ano, e, medyo vague pa lahat.”



MUTUAL DECISION. Three weeks ago raw sila huling nagkita ni Bianca. At mutual daw ang desisyon nila na mag-“lie low” muna sa kanilang relasyon.

“Nakapag-usap nga kami,” ulit ni Dennis.

Sino ang nag-initiate ng paghihiwalay muna nila?

“Ahm, huwag na lang nating pag-usapan, ayoko muna,” iwas niya.

Naghiwalay ba sila bilang magkaibigan?

“Oo, kasi ano naman siya, e…”

Maayos ang naging pag-uusap nila ni Bianca, walang taasan ng boses?

“Wala, wala.”

Umiyak ba si Bianca?

“Hindi ko… hindi ko matandaan. Huwag na nating pag-usapan ’yan.”

Almost one year ang itinagal ng kanilang relasyon. Sa tingin ba ni Dennis ay may chance na magkabalikan sila?

“A, hindi ko masabi,” tugon niya.

Sa ngayon ba ay masaya siya na mag-isa muna?

Sagot niya, “Well, hindi ko naman masasabing masaya na mag-isa.

“Mas masaya lang ako na nakakapag-focus ako sa mas maraming mas importanteng bagay.”



LOVELESS THIS CHRISTMAS? Magiging malungkot ba ang Pasko niya ngayong taon?

“Hindi naman magiging malungkot ang Pasko dahil sa ano, e… hindi naman puro lovelife lang ang Pasko, di ba?

“Sa akin, ang Pasko talaga para sa pamilya naman ‘yan. Ever since, ganun naman ako talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, loveless si Dennis ngayong Pasko?

“Loveless? Siguro yung mga pagmamahal e manggagaling na sa pamilya muna.

“Okay na, sapat na sa akin yun, enough na para maging masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN