Charice: "Hindi naman porke’t nagpalit ako ng buhok, hindi naman porke’t may tattoo ako sa katawan ko, iba na ako."

“I think, yung pinakamasakit po, yung dyina-judge ako ng mga tao na hindi naman ako kilala. Especially po na yung mga tao po na kilala na nga ako, dyina-judge pa ako. Kasi, para po sa akin, ’Uy, kilala n’yo naman ako," sagot ni Charice nang tanungin kung ano ang pinakamasakit na batikos na natanggap niya.


Sunud-sunod ang mga pagbabagong nakita ng mga Pinoy mula kay Charice mula nang bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos gumawa ng panagalan sa international recording scene.

Kasabay ng mga pagbabagong ito—tulad ng kanyang hairstyle, pananamit, pananalita, at pagpapa-tattoo—ay ang pagpukol sa kanya ng mga batikos at intriga.

Sa panayam kay Charice ng "ninong" niyang si Boy Abunda sa The Buzz kahapon, December 2, tinanong ang singer kung ano ba ang laman ng puso niya sa lahat ng mga pangyayaring ito sa kanya.

Saad ni Charice, “Kasi po, yung pananahimik lang naman ng part na yun, simula po nang ginupit ko ang buhok ko… nagpalagay ng tattoo.

“I knew na may something na mangyayari sa media.

“Siyempre, as a person, kahit po alam ng mga fans ko, alam ng ibang mga tao na…

“Kumbaga, kilala ng ibang tao na I’m a strong person... nasasaktan pa rin po ako.

“Para po sa akin, I’d rather na huwag na lang marinig yung mga kuwestiyon nila, mga batikos nila.

“Naiintindihan ko po yung mga inisip nila na suplada na raw po ako. Kasi, hindi ko nasasagot yung mga interviews nila.

“Siyempre, isa na rin po yung... alam naman natin na yung ibang media rin po, some of them po, medyo disrespectful ang dating.

“Most of it naman, na-feel bad din naman po ako. Pero siyempre, mga that time, masakit for me.

“Pero siyempre, yun nga, sinasabi nila na kapag masaya ka, may kapalit.”

Sa lahat ng naging batikos sa kanya, ano ang pinaka hindi niya matanggap sa lahat?

Tugon ni Charice, “I think, yung pinakamasakit po, yung dyina-judge ako ng mga tao na hindi naman ako kilala.

“Especially po na yung mga tao po na kilala na nga ako, dyina-judge pa ako.

“Kasi, para po sa akin, ’Uy, kilala n’yo naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BASHERS ON TWITTER. Nang maging resident judge si Charice sa X Factor Philippines, nag-umpisa na ring lumabas ang mga negatibong reaksiyon, pangungutya, at pag-bash sa kanya ng ilang detractors sa social networking sites gaya ng Twitter. Ano ang naiisip niya?

“In-expect ko na po yun,” tugon ni Charice.

“Hindi naman porke’t nagpalit ako ng buhok, hindi naman porke’t may tattoo ako sa katawan ko, iba na ako.

"Hindi naman ganoon yun.

“Kasi po, noon pong pinapaalam pa lang sa akin na, ’Gusto mo bang mag-judge?’ Yun po ang una kong inisip—for sure, may magba-bash na naman sa akin.

"Pero at the same time, yun nga ang reason na ma-witness ang bagong talents.

“Meron na tayong KZ [Tandingan, grand winner of X Factor].

“At the same time, noong nag-start na po ang X Factor, mahirap po.

“Mahirap po, sobra. Kaya nga, ilang months din akong hindi nakapag-Twitter.

“Kasi nga po, gusto kong mag-enjoy sa Twitter with my fans.

“Tapos, may mga makikita ka nang masasakit na words na kung makita ka nila, parang kilala ka nila.

“Ngayon po, may problem sa Twitter, may nag-hack.”

Pero sabi rin ni Charice, “Actually, ano po, these fast few weeks, talagang active po ako.

“Masaya ako medyo nabawasan ang mga bashers. Meron pa rin po, at least, mas nabawasan po siya.

“Unlike sa X Factor, yun ang masakit na part. Minsan, nakikita ko ang mga kakilala ko na dyina-judge po nila ako.

“Yun ang masakit dun, kasi hindi naman ako ganoong tao.

“Hindi po ako nagdya-judge ng tao. Kilala ko po ang sarili ko.

“At sa mga taong kilala ko po, siyempre po, alam ko po ang feeling ng dyina-judge kaya ayoko pong gawin sa kanila yun.”

Hindi pa ba siya nasasanay sa ganitong pambabatikos sa kanya sa Twitter at ibang social networking sites?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Charice, “May time po na akala ako, sanay na ako.”

Pero mahirap?

“Mahirap po talaga,” pagsang-ayon niya.

“Kasi, kahit paano, palagi ko pong sinasabi sa mga fans ko, ’Kahit nakikita ninyo ako sa stage, kahit nakikita ninyo akong nagpe-perform, hinahangaan ng maraming tao, kahit papaano, tao pa rin ako. Nasasaktan ako, kumakain ako, humihinga ako.’

“Kumbaga, parang, isa rin po ako sa kanila.

“Ang pinagkaiba lang, mas unfair sa akin, wala na po akong privacy.

“Kumbaga, ang suwerte nga po nila, nararanasan nila ang mga bagay na gusto ko pang maranasan ulit.

“Para sa akin po, yung ipinapakita ko sa kanila, parang reflection na rin po ng lahat ng tao sa buong mundo. Kasi, tao rin po ako, e.”



FASHIONISTA. Ano ang gusto niyang ipaliwanag sa kanyang hairstyle at fashion sense?

“Ang hirap mag-explain!” natawang sabi ni Charice.

“Dahil ano po, e, yung unang lumabas ang isyu na ‘yan, about haircut, parang, ‘Ano ba ‘yan? Haircut lang.’

“Pero naiintindihan ko po ang mga reaksiyon nila.

“Pero, I don’t think na kailangan ko pa pong ipaliwanag, kasi po, alam ko na lilipas din ‘to.

“Nasanay sila sa mahabang buhok. Yun din po, hindi rin ako sanay.

“Pero ito na po ang normal na ako. Masaya po ako, e.

“Again, sabi ko nga, kapag masaya ka, maraming kapalit.”



NEW ACCENT. Tinanong din ni Boy si Charice tungkol sa “accent” nito.

“Alam ninyo, hindi ko na maintindihan.

"Kasi po, noong una, noong wala akong accent, kung batikusin din ako, ganoon din.

“Ngayon pong tina-try ko ang best ko kung paano sila magsalita, gayundin, batikos pa rin.

“So, para po sa akin, tina-try ko lang po ang best ko, ang trabaho ko po.

“Siyempre, kahit paano, may points din yun. Kayo naman, hindi naman perfect.

"Inaamin ko rin naman po. Siyempre, hindi naman po ako masyadong magaling din sa English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, kahit paano, masaya rin po ako na may mga tao na nakakapansin na, ‘Uy, may accent na pala ako.’ Natutuwa rin po ako.

"Pero sana naman, huwag naman nilang batikusin ako in sobrang bad way.

“Hindi ko naman po sinasadya yun. Siyempre po, itinuturo rin sa akin yun.

“Nakakasama ko rin sila. Si Cheesa, mentor ko rin po yun!” natatawa niyang sabi.

Patuloy niya, “Para sa akin, learning pa rin po ako.

“Huwag naman nilang masamain. Hindi naman po porke’t nakaka-accent, e, maarte na.

“At saka, hindi naman po totally may accent, maririnig ninyo pa rin po.

“Kasi, napapagod rin po ako. Kumbaga, prepared ko pa rin po na may Tagalog accent.

"Minsan, kailangan ko lang po talaga.”


MANAGER. Bukod sa pagbabagong-anyo ni Charice, naging isyu rin ang pag-terminate niya sa kanyang longtime manager na si Grace Mendoza.

Ipinalit niya rito ang kanyang personal assistant at Canadian road manager niyang si Courtney Blooding.

Pero pagkatapos ng ilang buwan, pinalitan na rin daw ito ni Charice.

May nagsasabing may kaugnayan daw ito sa isang hindi magandang tweet patungkol sa American Idol runner-up na si Jessica Sanchez.

Paliwanag niya, “Naku, alam ko po na mangyayari ‘to.

"Pero para sa akin, ayoko na pong palakihin kung ano man.

“Basta, nagpapasalamat na lang po ako at siguro naman, naka-move on na ang lahat.

“Nangyayari naman ’yan sa lahat ng artista dito sa atin. Hindi lang dito kung hindi maging sa buong mundo.

"Huwag na po nating palakihin.

“Naka-move on na po ako. I think, naka-move on na rin sila.

"Happy-happy na lang po.”



MOMMY RACQUEL. Nandiyan din ang intrigang diumano’y may away muli sa pagitan nila ng kanyang ina na si Mommy Racquel. Kumusta na sila?

Saad ni Charice, “I know na may ibang tao na iniisip na magkaaway kami or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, hindi naman po magkaaway.

"But I think, normal naman po sa mga tao na may tampuhan.

"Especially noong time na nagiging independent na po ako, siyempre, mother, talagang minsan nangungulit na kamusta na ako.

“Pero hindi naman po sobrang laking away gaya ng iniisip ng iba.”

Ayon pa kay Charice, “Actually, nagpunta nga po ako doon noong isang araw…

"Siyempre, ipag-pray lang po natin ang mommy ko. Medyo may karamdaman lang po siya na pinagdadaanan ngayon.

"Pero sa relationship po, okay kami.”



IN THE MOVIES. Sa kabila ng mga intrigang ibinabato kay Charice, inisa-isa rin ni Boy ang mga achievements na natanggap ni Charice sa taong ito.

Nandiyan ang Nickelodeon Kids’ Choice Awards for Best Asian Act, 55 million views na ang kanta niyang “Pyramid” sa YouTube, first Asian to be included in the Top 10 Billboard Charts, at box-office hit ang kanyang Hollywood movie with Salma Hayek na Here Comes The Boom.

Ipalalabas daw ang naturang pelikula sa Pilipinas sa January 2013.

Nakangiting sabi ni Charice, “Siyempre po, nagpapasalamat po ako sa mga nanood sa ibang bansa. Thank you po sa lahat ng nanood.

"Excited po ako na makarating dito sa Philippines. Yun talaga ang ano.

“Sinasabi ko nga sa director, sana makapunta sila rito.

“Ano po, e, I owe the Filipinos sa mga suportang ginagawa nila sa akin.

“Kahit minsan, hindi nila napi-feel yun from me, sa puso ko, I owe them.

“I owe you, guys. Marami pa po. Siyempre, yung iba, hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Ayan na naman ako, secret na naman, tapos mambubulaga na naman.

“Pero siyempre po, music, nagwu-work pa rin ako ng mga music ko. At alagaan n’yo po.

“Tapos po, may single po ako, my friend, Cheesa, nandiyan po—’I’m Not Perfect.’”



LOVELIFE. Kinumusta rin ni Boy ang lagay ng puso ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Teka lang, namumula ako. Huwag na nga lang,” nakangiti niyang pakiusap.

But is she happy?

“Masaya po ako,” tugon niya.

Sa pagkakataong yun, inilabas muli ni Boy ang kanyang imaginary mirror.

Ano ang gustong sabihin ni Charice sa kanyang sarili?

“Keep doing what you’re doing. Be strong. Love yourself. Don’t live your life for other people. Believe in God. Love you.”



NEW GENRE. Sa huli, tinanong ni Boy kung bumibirit pa ba si Charice. Kung nandoon pa ang batang Charice na nagustuhan sa kanya dahil sa mga pagbirit niya ng kanta?

“Sa totoo lang po, I think that’s one of the big issues na nangyayari.

“Kasi po, kung birit lang po, kaya ko pa rin po.

"Pero tulad ng looks ko, nag-e-evolve rin po ang music na gusto ko po.

“Pero minsan, siyempre, kung napapansin ninyo, iba na ang mga music na kinakanta ko.

“Medyo nasasanay na po ang boses ko doon. Kaya minsan, naiilang na po akong bumirit.”

Pagkatapos nito ay nag-request si Boy ng isang kanta mula kay Charice at ang inawit niya ay ang "I Will Always Love You" ni Whitney Houston. Ito raw kasi ang kantang nagpasikat sa Pinay singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN