Jericho Rosales on indie films: “I just believe in indie so much. Alam ko na balang-araw, ito ang bubuhay ng pelikulang Filipino."

Sa pamamagitan ng pelikulang Alagwaay tinalakay ni Jericho Rosales ang isyu ng human trafficking sa Pilipinas. Sabi ng aktor, "Medyo nakakakaba ng konti kasi medyo heavy, mabigat na topic. Pero iniisip ko na lang na ito siguro yung calling ko kung bakit ako naging artist. Pero dumating ang script... maganda ang script, tapos talagang maganda—may comedy, may suspense, may drama. Immediately, sabi ko, ‘Sige, gawin natin ang script na ito.&


Umani ng papuri ang aktor na si Jericho Rosales dahil sa pagganap niya sa indie film na Alagwa.

Ginanap ang screening ng Alagwa kagabi, December 2, sa Shangri-La Cinema 4. Dinaluhan ito ng iba pang cast ng pelikula, mga kaibigan ni Jericho sa showbiz, at staff ng talent management na Genesis.

Kuwento ni Jericho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), unang beses niyang mag-co-produce ng isang pelikula.

“First time kong mag-produce. Kasi, ano kami rito [partners], si Gloria Lao at saka ako.

“Pero for this film, advocacy kasi siya. It’s not mainly to make a lot of money or kung anuman yun.

“Siyempre, at the end of the day, it’s a movie that we need to sell, di ba?

“But yung puso talaga namin, nandoon sa goal ng pelikula, which is against human trafficking.

“But with this film, parang in-open namin kung ano ba talaga ang human trafficking sa Pilipinas.

“Kasi, they don’t know that thousands of Filipinos are being trafficked.”



CLOSE TO HEART. Bakit naging malapit sa puso niya ang isyu tungkol sa human trafficking?

Aniya, “I was introduced to it. Medyo nakakakaba ng konti kasi medyo heavy, mabigat na topic.

“Pero iniisip ko na lang na ito siguro yung calling ko kung bakit ako naging artist.

“Pero dumating ang script... maganda ang script, tapos talagang maganda—may comedy, may suspense, may drama.

“Immediately, sabi ko, ‘Sige, gawin natin ang script na ito.’”

Ang kuwento ng Alagwa ay masasabing may pinagbasehan talaga na nangyari sa tunay na buhay.

Sabi pa ni Jericho, “Kunwari sa kotse, di ba, may kakatok?

“Maglabas ka ng camera na, kunwari, kukuhanan mo sila.

"Yung iba, oo. Pero yung iba, tatakbo. Yung aral, tatakbo.

"They are actually free, pero hindi sila free. Taling-tali ang mga ‘yan.”

Dugtong pa niya, “Ang script ni Direk Ian [Lorenos], base ito sa urban legend na malaki ang possibility na totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, nakita yung bata na malaki na siya.

“Ano talaga ito, bittersweet. Nakita niya, malaki na, bulag na.”

Si Ian Lorenos din ang nagdirek ng pelikula.



FOR FILM FESTIVALS. Noong isang taon pa sinimulan ang script ng Alagwa, pero ngayong taon lang nila natapos.

Kung tutuusin, puwedeng isali ang Alagwa sa New Wave section ng Metro Manila Film Festival o kahit na anong indie film festivals. Napakalaki sana ng tsansa na manalo si Jericho ng Best Actor.

Bakit hindi nila ito isinali?

Tugon ni Jericho, “Our goal was ano kasi, kami nila Director Ian, gusto naming mag-travel ang pelikula sa globe.

“So, ipinadala namin siya sa Busan [Korea]. It’s the biggest [film] festival in Asia and that’s where Cannes picks.

“And fortunately, we got invited by five film festivals.

“One is from Italy, two in Cambodia, one in India, and one in the States also.

“I think, we’re going to the States sa January.

"So, na-preview na siya. Tapos na sa Busan.

"Hopefully, we’re praying that we get a distributor na magdi-distribute worldwide.

“If you’re familiar with Slumdog Millionaire, ganoon yun, di ba?

“Pero ang tema nila, parang ganito rin, poverty-inspired.

"So, we’re hoping, ganoon din sana.”



CO-STAR. Ang gumanap na anak ni Echo sa Alagwa ay si Bugoy Cariño.

Kuwento ng Kapamilya actor, kinailangan daw talaga nilang mag-establish ng bonding ni Bugoy.

Aniya, “Yung banter naming dalawa, amin talaga yun.

“That’s why it came out naturally kasi dinibelop namin ang relasyon naming dalawa.

“And he’s very responsive... sobrang brilyante ng batang yun, for me.”

AWARD-WORTHY PERFORMANCE. Ano ang masasabi niya na pang-Best Actor daw ang ipinakita niyang pag-arte sa Alagwa?

“I don’t know,” nakangiting sabi ni Echo.

“For me, may goal yung pelikula. If we win an award, of course, that would be great, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But right now, the film has to be shown—yun ang goal niya.

"It has a message na kailangang maipasa sa ibang mga tao.

“You don’t know, baka one of your maids… I’m not trying to scare everybody but it’s an awareness.”



INDIE FILM PRODUCER. Pinasok na rin ni Echo ang pagpo-produce ng indie film, masasabi ba niyang dito rin kasi niya nagagawa ang hindi niya nagagawa sa mainstream?

“Yeah,” patotoo niya.

“Dito ako malaya. I mean, mahal na mahal ko ang mga taong nanonood ng soap opera.

“Masaya ako kapag sinasabi nilang, ‘Echo, gustung-gusto namin ang soap mo… Nami-miss ka namin…’ Masarap ang pakiramdam.

“Pero bilang actor, dito ko nae-enjoy ang kalayaan.

“Kasi, kapag soap opera, goody two-shoes or, let’s say, pare-pareho ng tema, paulit-ulit ng konsepto."

Dugtong pa niya, “I just believe in indie so much.

“Alam ko na balang-araw, ito ang bubuhay ng pelikulang Filipino.

“At saka, tingnan mo, bakit si Direk Brillante Mendoza, bakit sumisikat sa ibang bansa?”



KIM JONES. Sila raw ng kanyang girlfriend na si Kim Jones ay napakaraming beses nang napanood ang Alagwa.

Ayon kay Echo, hindi pa rin nagsasawa ang girlfriend niya.

Maging ang aktor ay naiiyak pa rin kapag pinapanood ito.

“Nadadala ako, pati yung music. Kung mapapansin niyo, inalis ni Direk Ian ang music.

“At ang sabi niya, he believes in the scene so much, let the story speak for itself.

“Ako yung palaging kapag sinasabi ko, ‘Babes, do you think, you’ll get bored?’

“Then, sasabihin niya [Kim], ‘No, no, huwag kang mag-alala.’

“Kasi, we’ve seen it so many times, magkahawak kami ng kamay.”

Kung titingnan, tila napaka-smooth ng relasyon nila ngayon ni Kim.

“Yeah, yeah,” pagkumpirma ni Echo.

“I am so blessed. Jackpot ako, wala na akong masasabi.”

Paano nga ba niya ilalarawan ang relasyon nila ngayon ni Kim marami na rin siyang napagdaanan sa mga nauna niyang naging girlfriends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jericho, “A breath of fresh air.

“It’s something that for me, is radiant na nakikita ko sa ibang tao na, alam mo yun?

“People would tell us, ‘Ang cute ninyong dalawa. We love you both. We love you for each other.’

“We’re enjoying our relationship kasi, feeling namin, sa ibang tao, naipapasa namin ang good vibes.”

Ngayong Pasko, dito lang daw siya at hindi raw siya lalabas ng bansa.

“Maggi-gift giving. Yung mga bata siguro, magpi-present ng kung anu-ano.

“Maraming artists sa pamilya, e, so, we’ll see.”

Sa kanila rin daw magpa-Pasko si Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN