Donna Cruz sustains injury from marathon accident in Corregidor

Donna Cruz on her loyal fans: “Enjoy ako kasi kahit na hindi na ako active, o kahit isipin ng iba na iba na ang katayaun ko ngayon sa career ko, sabi ko, mas talo ko pa nga yung sobrang sikat dahil may fans ako na super loyal at talagang ganyan para sa akin. Hindi na ako active, pero grabe pa rin ang suporta nila sa akin."


Noong December 2, Linggo, ay nakatanggap ng tawag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gusto raw naming ma-interview si Donna Cruz.

Nasa Manila kasi ang Cebu-based semi-retired actress-singer para makipagkita sa kanyang fans sa isang grand get-together and Christmas party.

Medyo naantala ng dating si Donna, pero matiyagang naghintay ang kanyang mga fans sa Belissisimo Ristoranti kung saan ginanap ang celebration.

Pero nauna rito ay nalaman namin na naaksidente si Donna sa 3rd Corregidor International Half-Marathon noong December 1. Nadapa siya at tumama ang kanyang mukha sa bato.

Kaya nakita ng PEP na may munting sugat siya sa ilalim ng kanyang ilong.

“Heto, mukhang nabugbog! Ay, ang pangit ng term, baka intrigahin!” paunang salita ni Donna nang kumustahin siya ng PEP.

Dagdag niya, “Happy ako sa aking family at sa running.

“Pero kahit na nadapa ako sa race kahapon, hindi pa rin ako magku-quit.”

MARATHON ACCIDENT. Hinayaan namin na si Donna ang magkuwento nang naganap na aksidente sa kanya sa marathon sa Corregidor.

“Hindi kasi talaga ako sanay sa trail running, pero di ko naman first time ito.

“Pero dahil hindi ako sanay kaya ayoko sana mag-join.

“Kaya lang, nag-request si Yong [Larrazabal, her husband] na sabay kaming tumakbo. E, siyempre naglalambing ang asawa ko.

“Tapos kaya naman niya talagang mag-race. Mabilis tumakbo ang asawa ko, e.

“Pero sabi niya, sasabayan niya akong tumakbo. Dahan-dahan lang daw kami sa mga rocky part, sa mga grassy part, kaya medyo walking-walking lang kami.

“E, may isang girl na nasa harapan ko so gusto ko siyang abutan. Very competitive pa rin kasi ako.

“Pag sa road race kasi nauunahan ko siya. Pag sa trail, nauunahan niya ako.

“Dahil nakikita ko siya, sabi ko, uunahan ko na siya.

“Sa bilis kong tumakbo, napatid ako sa bato and then tumama ang face ko sa another malaking bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe! Kasi nagkasugat-sugat ako, sa balikat, sa tiyan...

“Hindi naman ako nadala sa hospital, pero pagdating namin sa Cebu, magpapa-X-ray ako para sure.”

Half-marathon ang sinalihan ni Donna at nasa 12 km mark nang siya ay madisgrasya.

“Grabe! Iyak nang iyak kasi akala ko may nangyari na sa face ko.

“Akala ko nabali na ang ilong ko o kaya naman nasira ang mga teeth ko.

“Wala akong pakialam sa sugat ko sa tuhod. Imagine, nasira ang tights ko, e, matigas iyon. Talagang sugat-sugat ako.

“Ang concern ko talaga was my face. Sabi ko, ‘My face! My face!’

“Sabi siguro nila sa clinic, ‘Ang arte naman ng babaeng ito.’

“Pero super miracle na ganoon lang ang nangyari. I thought may nangyari na sa face ko.”



SHOWBIZ COMEBACK. Wala na ba talaga siyang balak bumalik sa showbiz?

Sagot ni Donna, “Kung ano po ang darating, why not?

“Kung may offers, kung matuloy, talagang para sa akin.

“Kung hindi, happy naman ako kung nasaan man ako ngayon.

“Sobrang kuntento ako sa family ko.”



LOYAL FANS. Patuloy ni Donna, “Tapos, nakilala ko ang mga fans ko sa Facebook and we became close kasi we formed a group na.

“Close kami kasi nag-open na ako sa kanila.

“If you notice, di ako naglalagay ng pictures ko sa postings ko kaya di ninyo nakikita mga pictures ko.

“Iilan lang kaming members, tapos dun ako sa group namin nagpo-post ng pictures. Lahat kami magkakilala.

“Enjoy ako kasi kahit na hindi na ako active, o kahit isipin ng iba na iba na ang katayaun ko ngayon sa career ko, sabi ko, mas talo ko pa nga yung sobrang sikat dahil may fans ako na super loyal at talagang ganyan para sa akin.

“Hindi na ako active, pero grabe pa rin ang suporta nila sa akin.

“Kahit birthday ng kids ko or ni Yong, nagpapadala sila ng gifts sa akin. Nag-aambag sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, huwag na silang sobrang gagastos.

“Kaya naisip na magkaroon ng get-together today at gusto ko na every year ito mangyari.

“Inayos ko ang get-together na ito para pasasalamat sa friendship."

Kuwento pa niya, "Mga four months ago namin ito napag-usapan.

“Sabi ko sa kanila, pupunta kami ng Manila for Yong’s convention so isabay na rin namin ang get-together.

“Four days kami sa Manila so puwede namin itong isingit.

“Nakakatuwa na may nanggaling pa ng probinsiya tapos may nanggaling pa ng abroad.

“Grabe talaga ang suporta nila.”



PRIVATE LIFE. At this point, kuntento ka na ba si Donna sa buhay niya bilang asawa ni Yong at ina ng mga anak nilang sina Belle, Sean, at Gio?

Sagot ng dating teen superstar, “Yes, haping-happy ako at hindi ko puwedeng isakripisyo ang buhay ko for a career in showbiz.

“Kahit na ulit-ulitin natin ang buhay ko, ito pa rin ang gusto ko.

“Even before, pag ini-interview ako, sinasabi ko na I want to have a family at a young age.

“Pag tinatanong ako noon, ‘How do you see yourself ten years from now?’ sinasabi ko na may asawa ako.

“Ito kasi ang life na gusto ko.

“Ang nakakapagod lang kung minsan ay pag may exam ang mga kids na sasamahan mo mag-review. Tapos, medyo minsan makukunsumi ka rin.

“Okay naman ako kasi mababait ang mga anak, wala akong problema.

“Saka mabait na asawa si Yong. Wala akong problem sa worries ng ibang babae.”

Patuloy ni Donna, petty lang daw ang pinagtatalunan nila ni Yong. Gaya ng kung bakit ito late ito nakakauwi. Sasabihin naman daw ng asawa niya ay masyadong maraming pasyente.

“Minsan, nasasabi ko na hindi ba puwedeng bawasan ang mga patients kasi hindi naman emergency cases ang concern nila.

“Yun ang pinag-aawayan namin na lumalaki kung minsan, kasi medyo nagna-nag ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ganoon lang kasi mabait din naman ako.

“Sa bahay lang ako, I am homebody.”



MISSES SINGING. Pero inamin ni Donna na kung minsan ay nami-miss niya ang singing.

Pero siya raw ang tipo ng tao na madaling makuntento sa kung ano ang ibinigay sa kanya ni Lord.

“Hindi naman ako yung tipong magde-demand na dapat may kakantahan ako, no, I am not like that.

“May mga offers naman, kaya lang, either hindi natutuloy kasi minsan medyo matagal ang kailangan kong i-stay sa Manila.

“Hindi ko kaya i-sacrifice ang family ko.

“Two days lang ako mawala sa piling ng mga kids, I miss them na.

“Like when I taped for Daldalita, nagte-tape ako noon for two days lang, pero parang uneasy ako and I feel miserable pag di ko kasama ang bata.

“Sobrang attached sa amin ang mga kids kasi sa room namin ni Yong natutulog.

“May sarili silang room sa house, pero sa room namin sila natutulog. That’s how close we are.”

Wala ba silang balak sundan ang kanilang bunso na si Gio?

“Kung hindi lang talaga mahirap magbuntis, why not?

“I love kids, lalo na pa ang sarili kong anak.

“Pero mahirap pag nagkakasakit, tapos nagkahawa-hawa. Wala akong tulog kaya parang pati ako magkakasakit na rin.

“Pag nilagnat, ako ang nagpupunas.

“May yaya naman kami, pero sa mga pagkakataon na nagkakasakit, oh my gosh, walang tulugan talaga kasi inaalagaan ko sa pagpunas ng pawis.

“There was a time na grabeng nagsunud-sunod ang sakit—fever, cough, colds.

“Tapos na-paranoid ako sa dengue. Sobrang check ako nang check.

"Hanggang sa sobrang na-depressed ako sa bahay dahil sa sobrang pag-iisip ko. Ay, grabe!

“Gusto ko pa talaga magka-baby kami, pero mahirap.

“Sabi nga ng OB-Gyne namin, hanggang maaga pa at okay pa sa age ko puwede pa akong magka-baby.

“Gusto ko pa sana ng baby girl, pero I am sure ayaw ni Belle kasi gusto niya na siya lang ang baby girl namin,” saad ng 35-year-old former That’s Entertainment mainstay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARRYING AT AN EARLY AGE. Belle is already 13 and, in a few years, magkakaroon na ito ng manliligaw.

Sabi ni Donna tungkol dito, “Mabait naman iyan, parang ako rin iyan.

“Kahit na ligawan iyan, alam naman niya what to do.

“Close kami ni Belle. We are best friends.

“Alam niya kung ano ang mga pinagdaanan ko as a girl.

“Kasi, may mga classmates siya na nagkaka-crush na. Sabi niya, ‘No Mommy, I don’t like.’ Okay, good. “

Donna says it’s an advantage na she got married young dahil nakikita niya ang paglaki ng kanyang mga anak."

Looking back to the time she got married at the peak of her career, wala raw pagsisisi si Donna sa kanyang naging desisyon.

“Wala akong pinagsisihan and I am very thankful to God kasi ito talaga ang life na gusto ko.

“Minsan, naiisip ko na what if simple lang ang buhay namin sa Cebu.

“Basta nakakaraos lang sa araw-araw, okay pa rin ako. Gusto ko pa rin simpleng buhay.

“Kunwari, hindi gaanong stable ang job ng asawa ko, I’d work din, di ba? Kaya ko naman mag-work.

“Kaya nagpapasalamat ako na nahilig ako sa running kasi yun ang time ko for myself, kasi matagal na rin ako tumatakbo.

“Tapos pagdating ng kids sa bahay from school, bonding na kami.

“Hindi boring ang life ko.

“Siguro, I’d wake up at around 11 [a.m.]. Nakarating na sa house ang bunso ko kasi junior kinder lang siya.

“Pagdating niya sa house, chika-chika kami or laro. Tapos lunch na.

“Then tumatakbo ako nang maaga. Pagbalik ko sa house, yung dalawang kids naman ang darating.

“Tapos kami ni Yong, we make it a point to have a date night.

“Plain housewife, running mom—marathon mom lang ang peg ko.”


RUNNING TOGETHER. Sabay raw silang tumatakbo ni Yong pag half-marathon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero takot daw si Donna sa full marathon because she thinks it’s too much for her.

“Pag nag-join si Yong ng full marathon, ako sa half-marathon, tapos I wait for him na lang sa finish line.

“Nakapag-42 k na rin naman ako kaya yung race na sinalihan ko kahapon [Corregidor International Half-Marathon], chicken lang sana iyon.

“Kaya lang, kasalanan ko at kasalanan ng bato kaya ako natumba at naaksidente.

“Kasi naman, gusto kong maging competitive.

“Dapat pala nilakad ko na lang kasi yung course at hindi pang-race kasi sobrang hirap. Pinaakyat kami ng bundok.

“Half-marathon lang, pero combination ng trail, flat surface, saka grass.

“Dun sa grass, natatakot ako kasi baka matapilok ako so dahan-dahan ako.

“Dun sa bato, okay lang, parang kaya kong mabilis. Then, natapilok ako.”

Masaya si Donna sa pagsali sa marathon dahil hindi raw na niya kailangang mag-effort na mag-diet para pumayat.

Healthy ang pagbawas niya ng timbang, unlike before na pag nag-diet siya by limiting her food intake, mukha raw siyang drug addict.

“Grabe ako mag-diet before!” bulalas ni Donna.

“Now, I can eat anything I want. Tatakbo lang ako, I can burn the calories na na-take ko.

“Kaya almost every day tumatakbo ako.

“Si Yong, every other day tumatakbo kasi mayroon din siyang strengthening day.

“Kahit na busy siya sa work, nakaka-run pa rin siya.

“Sabay kami minsan pag tinatamad akong tumakbo sa afternoon.

“Si Yong ang nag-convince sa akin to go into running kasi pag nagda-diet ako, masungit ako!” tawa ni Donna.

“I deprived myself sa okay na food para lang huwag ako tumaba.

“Tapos naisip ko na siguro nga kailangan gawan ko na ng paraan ang pagda-diet ko kasi hindi na ako happy.

“I get depressed sa food na kinakaina ko. Payat nga ako, pero nade-depress naman ako.

“Hindi naman healthy iyon, tapos nagsusungit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So what I did para di ako mag-quit sa running ay bumili ako ng expensive running gear at running gear.

“Sabi ko, ‘I won’t quit kasi sayang ang pera ko.’"

Kuwento pa niya, “One week pa lang ako tumatakbo, ni-register na ako ni Yong sa isang race sa Cebu.

“My gosh, nawili ako kasi lumabas ang pagiging competitive ko.

“Nagkaroon ako ng goal na dapat sa susunod kong race, nasa top 10 na ako.

“Mabilis na ako ngayon sa 5k, nag-improve na ang time ko.

“Ang 5k race, kaya ko ng 23 minutes; tapos ang 10k, kaya ko ng 43 minutes.

“Nanalo na rin ako ng 10k race dito sa Manila.

“Ang sarap tumakbo dahil sa adrenalin rush tapos after ng race, masasabi mo na I did so well.”

CHRISTMAS PLAN. Ano ang plano nila for Christmas?

“Doon kami mag-spend sa Cebu.

“Pag New Year, we celebrate sa cruise ship kasama ang buong family ni Yong, kami-kami and the kids,” sabi ni Donna.

Binanggit din ni Donna sa PEP na hopefully soon ay magre-relocate na rin ang kanyang Mommy Yolly sa Cebu para makasama niya at maalagaan niya ito.

“Sana doon na rin sila para nababantayan ko ang yearly check-up nila. Inaayos na namin ni Yong na sa Cebu na rin sila.

“Basta soon, very soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN