Alfred Vargas: "If ever lang naman na papiliin ako ng tadhana between showbiz and public service, I will choose public service."

“Yun din ang maganda kasi may mga negosyo na ako… yun na ang bread and butter ko. So, ngayon, siguro umabot na rin ako sa point na puwede na akong mag-’no’ sa mga producers, sa mga networks kung gusto kong gawin or ayaw kong gawin," saad ni Alfred Vargas tungkol sa pagpili ng acting projects.


Imbitasyon ng CinemaOne Originals ang preview ng pelikulang Supremo noong Lunes, December 3, sa Shangri-La Mall Cinema.

Ibinalita ni Alfred Vargas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na graded “A” ng Cinema Evalutaion Board (CEB) ang kanyang pinagbibidahang pelikula.

“Oo nga, nagulat ako,” excited niyang sabi.

Nangangahulugan kasi na exempted sa tax ang pelikula niya.

“Oo nga raw, one hundred percent [tax exempt]. Tinanong ko nga kung ano yung ibig sabihin ng graded A.

“Parang sinasabi ng gobyerno, ‘Alfred, hindi ka na namin ta-tax-an para gumawa ka pa ng magagandang pelikula.’

“So, yun pala ang ibig sabihin.

“At first nga, alam ninyo, wala naman akong intensiyong ipa-grade ito kasi wala namang pag-asa ito, e.

“Kasi indie lang ito, ang baba lang ng budget nito.

“Tapos sabi nila, ’Kung gusto mo, ipa-grade natin.’ Wala namang masama, wala namang mawawala.

“Hanggang sa trinay [try] nga namin. Nagulat ako, graded A. Oo!

“Sabi nila sa akin, ‘Alam mo kung gaano ka-big deal ‘yan? Kokonti pa lang ang pelikulang nabigyan ng graded A.’

“Kasi, naalala ko, nung nag-Bridal Shower [2004], graded B yun, e.

“So, talagang very happy ako.”



GOVERNMENT SUPPORT. Susuportahan din ba ng Department of Education ang Supremo dahil pagiging sa historical nito?

Sagot ni Alfred, “Maganda yung ipinapakitang support ng DepEd.”

Paano kung maintriga siyang kaya binigyan ng A ang pelikula niya dahil nasa posisyon at naimpluwensiyahan niya ang mga miyembro ng CEB na nag-screen ng Supremo?

Saad ni Alfred, “Actually, hindi yun, hindi yun.

“I always believe na kahit ilan pang pelikula ang ginawa at wala kang performance na ipinakita bilang public servant, hindi ka pa rin pipiliin ng tao.

“Pero kahit wala kang pelikulang ginawa, pero nagpakita ka ng magandang performance, pipiliin ka pa rin ng tao.

“So, hindi ‘yan sa dami ng pelikula o gumagawa ka ng pelikula.

"At saka indie nga lang ito. Hindi ako sure kung mapapanood ito ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I just did this… Kasi, I was in a point in my career kung saan sabi ko sa sarili ko, ‘Teka lang, ten years na rin akong actor, a?’

“E, ngayon public servant na ako.

“Mamaya, dumating ang araw na I’ll have to give up acting, just to do better sa public service ba?

“So, sabi ko, sana meron akong maiwan.

“So, hopefully, isa ito sa mga legacies natin.”



PRODUCTION OUTFIT. Ayaw sabihin ni Alfred ang halaga ng nagastos niya sa pagpu-produce ng Supremo.

Aniya, “Sobrang baba lang, mababa lang… hindi pa nai-showing, e.”

Wala pa ring masabing plano si Alfred kung kanino niya ibebenta ang TV, cable, and video rights ng pelikula dahil gusto niyang palagpasin muna ang showing nito sa mga sinehan.

Giit niya, hindi mapapasakamay sa CinemaOne ang kopya ng kanyang pelikula.

“Hindi siya produced ng CinemaOne, produced siya ng AV [Alfred Vargas] Cinema.

“So, exhibition lang kami… we just got invited.”

Nilinaw rin ni Alfred na hindi galing sa CinemaOne ang budget na ginamit niya sa sarili niyang pelikula.

“Ay, hindi, independently-produced kami outside CinemaOne.

Nilinaw rin niya na hindi kasali sa main competition ang kanyang pelikula, kundi sa exhibition category lang para sa regular run ng CinemaOne.

“In-invite lang kami ni Sir Ronald [Arguelles, head ng CinemaOne], nakita niya yung cut [ng pelikula.]

“Hindi nila binili yung buong rights. Sa amin ito, in-invite lang kami para dito.”



COMMERCIAL SHOWING. Pati raw ang gastusin sa pagpapalabas ng Supremo sa SM Cinemas ay binalikat ng production outfit ni Alfred.

Ipapalabas ang pelikula sa lahat ng SM Cinemas simula ngayong araw, December 5.

“Ang maganda lang kasi ngayon, kaya sa SM Cinemas kami, kasi sila lang yung digital cinemas na kumpleto.

“Magbigay ka lang ng VCD o DVD, okey na.

“Saka hindi naman pala ganoon kamahal, tulad ng magpi-print ka pa ng film, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag nag-hit ito sa box office o mabawi niya ang kanyang puhunan, magtutuluy-tuloy ba siya sa pagpu-produce ng pelikula?

“Ah, oo. Hopefully, para masundan.”

May pinaplano na ba siyang bagong materyal?

“Meron akong ideas sa baul namin. Pero ayoko munang sabihin para hindi maudlot.”

Bakit pagkatapos ng sampung taon niya sa showbiz, ngayon lang niya naisipang mag-produce ng pelikula?

“Siyempre nag-ipon rin ako para ano...

"Tapos, noong nag-start ako, gusto kong makapundar ng kotse, bumili ako ng kotse.

“Gusto kong makapagpundar ng bahay, nakapagpundar ako ng bahay.

“Gusto kong makapundar ng negosyo, nag-negosyo ako.

“So noong nakapag-negosyo na ako, puwede na akong magkaroon ng sariling pamilya.”



BUSINESSES. Ilan sa mga negosyo ni Alfred ay ang Bente stores, lotto outlets, barbecue stalls, farm at water stations kung saan sila ang nagpu-provide ng mga tubig sa malalaking facilities.

Katuwang ni Alfred sa kanyang business ang kapatid na si Patrick Michael Vargas na co-producer din niya sa Supremo.

“I think he’s the best business partner na nakilala ko,” proud niyang sabi sa kapatid.

May timetable na ba siya kung kailan niya lilisanin ang showbiz?

“Hindi naman. Pero kasi napi-feel ko kasi na kapag may mandate ka ng tao, ang laki na ng responsibility mo.

“Hindi kasi ako multi-tasker. Hindi ako katulad ng iba na kaya nilang pagsabayin.

“Ako, ang strength ko, pag naka-focus ako sa iba, nagagawa ko ang trabaho.

“Pero, if ever lang naman na papiliin ako ng tadhana between showbiz and public service, I will choose public service.”

Nalilimitahan ba siya bilang aktor at wala nang challenge ang mga roles na ginagawa niya sa mga teleserye?

“Yun din ang maganda kasi may mga negosyo na ako… yun na ang bread and butter ko.

“So, ngayon, siguro umabot na rin ako sa point na puwede na akong mag-’no’ sa mga producers, sa mga networks kung gusto kong gawin or ayaw kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ba siyang tinanggihan?

“Hindi naman, hindi naman.

“Pero siguro feeling ko, doon ako papunta—gagawin ko na lang yung mga roles na gusto ko,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN