Mickey Ablan refuses to comment about Iwa Moto’s latest revelations

Sa kabila ng ilang beses na pagsubok ng PEP na kunin ang panig ni Mickey Ablan tungkol sa mga rebelasyon ni Iwa Moto ay tumangging magbigay ng pahayag ang mixed martial arts fighter.


Noong lumabas last Saturday, December 1, ang isyung nagpakasal sina Mickey Ablan at Iwa Moto sa Cavite noong October 19, 2009, ipinaabot agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mickey, through text messaging at sa social networking site na Twitter, ang balitang ito upang makuha ang kanyang reaksiyon.

Pero hindi sumagot si Mickey.

Kasunod ding lumabas dito sa PEP ang tungkol sa diumano’y miscarriage na nangyari kay Iwa. Nagparating din ang PEP ng mensahe kay Mickey pero hindi rin ito sumagot.

Kaninang madaling-araw, December 5, isang text message ang natanggap ng PEP mula kay Mickey.

Mula sa marami naming katanungan sa kanya, isang smiley lang ang naging tugon nito.

Nang mag-insist ang PEP na magbigay siya kahitang anumang statement tungkol sa kasalan, annulment, at miscarriage, ito lang ang tanging nasabi ni Mickey (published as is):

“Nyek. I think it’s better nalang na wag nako mag comment jan at senseless din pag nag comment pako at wala din naman pupuntahan un comment ko, hope u understand..”

“See you soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN