Gabby Eigenmann on half-brother Sid Lucero: "Gusto lang niyang ayusin ang sarili niya—he’s trying to get to that better place in his life again."

Gabby Eigenmann on being nominated for Best Supporting Actor at the 17th Asian TV Awards: “I am not really expecting anything. I am just so blessed to be part of the event and masaya na ako sa anumang magaganap. Sabi ko nga, win or lose, I will still thank God dahil isang malaking blessing iyon for me. Tsaka I have my family’s prayers as well. They are all praying for me. Dun pa lang, sobra-sobra na ang mga nakuha kong biyaya.”


Lilipad patungong Singapore ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann bukas, December 6, upang um-attend sa 17th Asian TV Awards na gaganapin sa Shangri-La Hotel.

Nominado si Gabby sa kategoryang Best Supporting Actor para sa pagganap niya sa GMA-7 primetime series na Munting Heredera.


Ang Munting Heredera rin ang nagbigay ng unang acting award kay Gabby—Best Supporting Actor sa Golden Screen TV Awards.

Maituturing na malaking turning point sa kanyang paglabas bilang kontrabida ang pagganap bilang scheming at manipulative na si Desmond sa naturang teleserye.

Excited si Gabby dahil first time niyang na-nominate sa Asian TV Awards.

Makakalaban ni Gabby sa kanyang kategorya ang kapwa Pinoy niyang si Art Acuña for The Kitchen Musical (Singapore); Chen Han Wei for A Song To Remember (Singapore); Devarajan Varadarajan for Point of Entry 2 (Singapore); Frederick Lee for The Descendants (Malaysia); Lucas Luo for Man-Boy (Taiwan); Tsai Chen-Nan for Garden of Life (Taiwan); at Tay Ping Hui for Unriddle II (Singapore).

Ikinatuwa rin ni Gabby na nakakuha ng nominasyon sa Asian TV Awards ang Kapamilya stars na sina Coco Martin (Best Actor in a Leading Role for Maalaala Mo Kaya); Sharlene San Pedro (Best Actress in a Leading Role for Maalaala Mo Kaya); at ang kapwa-Kapuso niyang si Michael V. (Best Comedy Performance by an Actor for Bubble Gang).

Ayon sa Kapuso actor, “Masarap isipin na napasama ako bilang isang nominee sa award-giving body na ito. It’s a big honor for me.

“Mapasama ka lang sa anumang category, it means na isa ka sa nakitaan nila ng husay sa buong Asia.

“Ako, hindi ko ito ini-expect talaga. Nagulat na lang ako and it humbles me more na may mga kasama kang mga kapwa Pinoy na nominated din.

“Tama nga ang sinasabi nila na marami ang bilib sa mga Pinoy pagdating sa performance, hindi lang sa pelikula or theater kundi pati sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At nakakalaban pa natin ang ibang mga mahuhusay na TV stars sa buong Asia.

“I am honored to be part of this big event.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa Christmas party ng Abante Tonite/Abante Una Sa Balita sa Magsaysay Hall ng Ramon Magsaysay Building kahapon, December 4.

May dadalhin ba siyang lucky charm sa awards night ng Asian TV Awards?

“Prayers lang ang dala ko papunta doon,” nakangiting sagot ni Gabby.

“I am not really expecting anything. I am just so blessed to be part of the event and masaya na ako sa anumang magaganap.

“Sabi ko nga, win or lose, I will still thank God dahil isang malaking blessing iyon for me.

“Tsaka I have my family’s prayers as well. They are all praying for me. Dun pa lang, sobra-sobra na ang mga nakuha kong biyaya.”



SANA AY IKAW NA NGA. Speaking of blessings, extended ang afternoon drama series na kinabibilangan ni Gabby sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ang naturang series ang may pinakamataas na rating ngayon sa buong GMA Afternoon Prime kaya hindi kataka-takang ma-extend ito hanggang January 2013.

Saad ni Gabby, “Nakakatuwa nga kasi kahit na malaki na ang pinagkaiba nung istorya from the original ten years ago, gustung-gusto pa rin siya.

“Marami nang iniba sa istorya and it gets more interesting. Tulad na lang ng pagkakaroon ng fake na Olga Villavicer [Chynna Ortaleza], kakaiba ’yon.

“Marami pa kaming mga twist and turns sa series kaya abangan nila lahat ‘yan.”

Worth it daw ang pagganap niya bilang si Gilbert Zalameda dahil nabigyan niya ito ng panibagong bihis mula sa original na gumanap na si Eric Quizon.

“Marami pang mga gagawin si Gilbert na dapat nilang abangan.

“I am giving it my own interpretation and, so far, tama naman ang mga ginagawa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay kasi ang director namin si Direk Dick [Lindayag]. He is very open to suggestions.

“Basta kung ano ang ikagaganda ng eksena at sa role namin, sinusubukan niya.

“Kaya abangan nila ang mga magiging pagharap namin nila Cecilia [Andrea Torres], Olga, at Carlos Miguel [Mikael Daez]. Malaking pasabog ito.”



SID LUCERO. Inusisa rin ng PEP kay Gabby ang tungkol sa nangyayari sa kanyang kapatid sa ama na si Sid Lucero.

Napabalita kasing dumadaan sa matinding depression si Sid kaya napapabayaan nito ang kanyang sarili at career.

Inamin ni Gabby na nanghinayang siya sa pagkakatanggal kay Sid sa huling drama series nito sa GMA-7 with Jennylyn Mercado, ang Hindi Ka Na Mag-iisa, sanhi ng pagiging unprofessional daw nito sa trabaho.

May mga nakakita nga kay Sid kamakailan na nag-gain ng weight at nawala na ang dating hitsura nito.

Sabi ni Gabby, “Nakakausap naman si Timmy [Sid’s real name] at sinabi ko naman sa kanya na if he’s having personal troubles, siguro the best is magpahinga muna siya.

“Kasi nga, maaapektuhan talaga ang trabaho niya kung pipilitin niya ang sarili niya to work, pero at the back of his mind ay magulo ang lahat.

“Natural na nanghinayang ako nang mabalitaan ko na he was taken out of his show with Jennylyn. Siya pa naman ang leading man doon.

“Siguro nga, dahil sa kapatid ko siya, naiintindihan ko ang mga mood swing niya.

“Para sa iba, weird iyon, pero para sa aming magkakapatid, natural na ‘yon.

“May ganyan kaming mga phase sa buhay. It’s a good thing na hindi pa nangyayari sa akin ang ganyan.

“But Timmy said na he will bounce back. Gusto lang niyang ayusin ang sarili niya—he’s trying to get to that better place in his life again.

“Ako naman, naniniwala ako na he will get back on his feet dahil mabuti siyang tao and he’s very talented.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan lang niya ng encouragement mula sa aming pamilya. We are all praying for him to recover and get back to his normal self.”



ANDI EIGENMANN. Tungkol naman sa isa pa niyang kapatid sa ama na si Andi Eigenmann, sinabi ni Gabby na nakikita niyang masaya na ito ulit pagkatapos mabugbog sa magkakasunod na issues involving her ex-boyfrend Jake Ejercito.

Sabi ni Gabby, “Andi is a fighter. Diyan naman ako bilib sa kapatid kong ‘yan.

“She may cry about it, pero after that, tapos na and she goes on with her life as usual.

“Si Andi kasi, she’s a magnet for a lot of controversies. May sabihin lang siya, nagiging issue na kaagad.

“But what’s good is that Andi is fighting her own battles and she’s surviving every one of them.

“Kaya mahal namin ‘yan kasi nga hindi siya yung dependent sa mga kuya niya.

“And she’s a great mother. Lahat ng puwede niyang gawin for Ellie ay gagawin niya.

“Kaya despite of all the intrigues, we are very proud of her.”



MAX EIGENMANN. Wish naman ni Gabby na makabalik na sa showbiz ang isa pa niyang kapatid na si Max Eigenmann.

“Marami ngang nag-tweet sa akin na ang galing ni Max sa movie na Rigodon.

“Si Max at si Sid, pareho kasi sila ng personality.

“Parang hindi pa sila sanay talaga sa buhay artista. Every little thing said about them, dinidibdib nila.

“Si Max kasi, nakapagsimula na siya noon pa, e. But she makes decisions sa buhay niya na minsan kami pa ang nagugulat.

“Pero bilib ako kay Max as an actress kasi magaling talaga siya.

“Kaya hindi na ako nagtaka na marami ang nahusayan sa kanya sa Rigodon because when she immerses herself into a role, she gets it right away.

“Kaya wish ko nga kay Max na she finds her right place and move on from there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandito naman kaming mga kapatid niya to help her in any way.

“Sa pamilya naman namin, lahat nagtutulungan and no one gets left behind.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN