MMFF SPECIAL COVERAGE: MMFF execom member Boots Anson-Roa answers issue about inclusion of Thy Womb

Layunin daw ng MMFF na higit na patingkarin ang partisipasyon ng independent film producers, ayon sa executive comittee member na si Boots Anson-Roa. “Bukod sa mero’n kasing last year na independent film producers na kasali with full-length pictures, mero’n ngayon student short films. And in addition to student short films, mero’n din student short film na kuha sa cell phone."


Present ang ilan sa mga cast at production people ng walong official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF), maging ang limang indie films na nakapasok sa New Wave section, sa isang press conference ng nasabing filmfest sa Annabel’s restaurant kamakailan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang isa sa executive committee members ng MMFF na si Ms. Boots Anson-Roa tungkol sa mga kaganapan sa 2012 MMFF na magsisimula on Christmas day.

Unang napag-usapan ang tungkol sa pagkakapasok ng pelikulang Thy Womb na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

May ilang isyu kasing naglalabasan dahil sa pagkakapasok ng Thy Womb bilang kapalit ng pelikulang Lola Basyang ng Unitel Production.

May ilang nagkukuwestiyon kung bakit nakapasok pa ang Thy Womb kahit naipalabas na raw ito at nanalo na rin ng awards sa ilang international film festivals, gaya ng 69th Venice International Film Festival.

Bukod pa dito, may isa na ring entry si Nora na nakapasok—ang El Presidente.

Ayon kay Boots, “Siguro, very simply, we can say the the rules go by them.

"Dumaan sa isang masusing proseso yung pagpasok ng Thy Womb among the eight noong mag-backout ang Lola Basyang.

“By the rules, kapag may nag-backout among the original eight, yung number nine, automatically papasok.

"Yung number nine, hindi pa ready. So, kinausap yung number 10, hindi pa rin ready.

“Number 11 ang Thy Womb at ang number 11 ay ready.

“So, we look in the other rules also that have to do with… parang a free showing, wala namang problema dun.

"Bagamat nilabas ang Thy Womb sa Venice at iba pang film festival, hindi naman ito commercial showing.

“Hindi rin naman pinalabas dito at yun naman ang importante.”

Tinalakay na rin ni Ms. Boots ang tungkol sa pagkakaroon ng isa pang entry ni Nora, ang El Presidente.

Sabi ni Ms. Boots, “Kahit ang El Presidente, nagsaad na iba ang genre nila at Thy Womb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“With regards to Nora Aunor being in the two films, yun mismong El Presidente ang nagsabi na cameo role at hindi leading lady ang role ni Nora run, kaya walang problema dun.”



EARLIER PARADE OF STARS. Ang isa pang masasabing pagbabago sa 2012 MMFF ay mas maaga na ang Parade of Stars. Sa halip na December 24 na nakaugalian na, December 23 na gaganapin ang parada.

Sabi naman ni Boots, “Yes, it’s December 23, hindi na 24.

“I think, it has to do with the day also. Sunday na at para may rest na rin ang mga artista. Tapos ang awards night will be on the 27th.

“At ang isa pang magandang innovation at salamat din sa sipag at initiative ni Chairman [Francis] Tolentino, higit pang patitingkarin at paiiralin ang participation ng mga independent producers.

"Bukod sa mero’n kasing last year na independent film producers na kasali with full-length pictures, mero’n ngayon student short films.

“And in addition to student short films, mero’n din student short film na kuha sa cell phone.

“And we’ve seen some of them, nakakatuwa,.

“By way of promoting also the advocacy of MMDA, yung student short film, binigyan sila ng criteria.

"Yun nga, one of them, short ang film. Anywhere from 5 to 10 minutes na ang tema ay one of the advocacies ng MMDA.”

(CLICK HERE to read full article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN