Daniel Matsunaga: “I don’t want to be sad anymore. I’ve moved on and, hopefully, 2013 will be a much bigger and better year for me.”

“This year was so distressing for me and I am happy that I was able to get back to work. Ngayon, masaya na ako and I want to stay this way for a long time. Marami akong trabaho and that is keeping me very busy. My manager [Jonas Gaffud] wants me to be busy always para hindi raw ako malungkot. Wala raw munang lovelife, which is okay for me,” pahayag ni Daniel Matsunaga sa desisyon niyang mag-concentrate muna sa trabaho imbes na pagtuunan ng pansin ang lovelife.


“I am very, very happy!”

Itoang sinabi ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas dinner ng kanyang management office na Mercator kahapon, December 4, sa Chef Bernard.com sa Aguirre Street, Makati City.

Kitang-kita ang maaliwalas na mukha ni Daniel ngayon.

Bumalik na ang dating masayang disposition niya, malayo sa dating malungkot na Daniel pagkatapos nilang mag-break ni Heart Evangelista.

Pero ayaw na raw pag-usapan iyon ni Daniel dahil tapos na nga naman iyon.

Ang gusto niyang pag-usapan ay ang kanyang projects at ang mga gagawin pa niya sa 2013.

Sabi ni Daniel, “I want to stay positive and happy for the New Year.

“This year was so distressing for me and I am happy that I was able to get back to work.

“Ngayon, masaya na ako and I want to stay this way for a long time.

“Marami akong trabaho and that is keeping me very busy.

“My manager [Jonas Gaffud] wants me to be busy always para hindi raw ako malungkot.

“Wala raw munang lovelife, which is okay for me.”



BIRTHDAY CELEBRATION. Nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Daniel last November 28.

Simple lang daw ang naging celebration niya with people close to him.

Kuwento niya, “TV5 gave me a special surprise on my birthday. It happened in Game ‘N Go. I was so touched by what they did.

“Then, simple celebration lang.

“My family kasi is in Brazil, so we just had a video chat. But I was with my close friends.

“Basta masaya ako nung birthday ko.”

BUSY YEAR. Naging busy ang 2012 para kay Daniel dahil sa pagpasok niya sa TV5.

Bukod sa Game ‘N Go, ginawa rin niya ang weekly series na Third Eye at ang daily series na Enchanted Garden.

Extended ang Enchanted Garden hanggang January 2013 at magkakaroon na rin ng second season ang Third Eye next year, kaya tuluy-tuloy pa rin si Daniel sa Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay guest co-host din siya ni Kris Aquino sa morning talk show nitosa ABS-CBN, ang Kris TV.

Sabi ni Daniel, non-exclusive naman ang kontrata niya sa TV5 kaya puwede siyang mag-guest sa anumang shows sa ibang TV network.

Inamin ni Daniel na enjoy siya sa guest hosting niya with Kris TV.

“I like what I am doing there. Masaya yung show.

“I get to do another thing that I always wanted, which is hosting.

“I hope to get better as I go along with the show.”

Kinaaaliwan din daw ni Daniel ang kasama nila sa show na si Melai Cantiveros. Inamin kasi ni Melai na matagal na niyang crush ang Brazilian-Japanese model.

“Nakakatawa si Melai. She makes me laugh.

"Sabi kasi ni Kris, we make a good pair.

“Okey lang because we will be making a lot of people happy naman,” sabi ni Daniel.

Kasama rin si Daniel sa 2012 Metro Manila Film Festival official entry na Sisterakas; kunsaan bida sina Kris, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas.

“I play a male supermodel in the movie. Pag-aagawan ako nilang tatlo.

“It’s a funny movie and I am happy to be part of it. I thought na guest appearance lang, but I had lots of shooting days.

“It’s my first time to have a movie in the Metro Manila Film Festival and to work with Star Cinema,” pagmamalaki niya.



CAREER OVER LOVELIFE. Hindi nga kataka-takang masaya ngayon si Daniel dahil sa magkakasunod na projects niya.

Yun nga lang ay kailangan niya munang isakripisyo ang pagkakaroon ng lovelife.

“Been there and done that na, di ba?

“I learned my lesson that you can’t mix career and a relationship, especially if you are both from the same business.

“I want to focus on my career now. I like being busy and it’s good for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to be sad anymore. I’ve moved on and, hopefully, 2013 will be a much bigger and better year for me,” pagtatapos ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN