Ritz Azul denies being courted by Martin Escudero

Ritz Azul on posing for FHM Magazine: “Once in a lifetime lang na mangyari sa akin ang ganyan and baka hindi na maulit kaya ginawa ko. Wala naman pong regrets. I will be proud of what I did many years from now.”


Itinanggi ng TV5 young actress na si Ritz Azul ang tungkol sa diumano’y panliligaw sa kanya ni Martin Escudero.

Nagulat na lang daw si Ritz nang bigla siyang tanungin na ng ibang reporters tungkol sa pangliligaw raw ni Martin sa kanya.

Naging close kasi ang dalawa nang magkasama sila sa weekly show ng Kapatid network na Kapitan Awesome.

Sabi ni Ritz, magkaibigan lang sila ni Martin at wala naman daw ligawan na nagaganap.

“Mart is a nice guy. Masaya po siyang katrabaho.

“Twice na kaming nagkasama niyan. Una sa Glamorosa and then sa Kapitan Awesome.

“Sa Kapitan Awesome na kami naging close talaga. As in, nagkaroon na kami ng bonding.

“Pero hindi naman po siya nanliligaw.

“I think parang in-assume na lang ng iba dahil nga naging close kami ni Mart.

“Kung nanliligaw naman siya, I would admit it. Bakit ko po naman ide-deny, di ba?

“Tsaka may nagsabi naman sa akin sa isang interview niya ni Mart na he’s saying na hindi rin po naman siya nanliligaw sa akin.

“At least nanggaling na mismo kay Mart yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa Christmas party ng Abante Tonite/Abante Una sa Balita last December 4 sa Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard, Manila.

MART IS CLOSE TO RITZ’S DAD. Pero inamin ni Ritz na close si Martin sa ama niya na laging kasama niya sa kanyang mga lakad.

Hinala tuloy ng marami na mukhang nagpapalakas muna si Martin sa father ni Ritz bago siya seryosong manligaw sa dalaga.

“Pati po ba naman ang pagiging close ni Mart sa daddy ko, bibigyan ng kulay?” sabay tawa ni Ritz.

“Si Mart kasi, he’s very friendly talaga. Ganun din ang dad ko.

“Sa set po kasi ng Kapitan Awesome, nagkukuwentuhan silang dalawa. Kapag ako lang ang nakasalang sa set, kinakausap niya ang dad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, nagkaroon tuloy sila ng bonding. But that doesn’t mean na may balak na manligaw na si Mart.

“He’s just a nice person talaga and my dad likes him for being like that.”

If ever na ligawan siya ni Martin, may pag-asa ba ito sa kanya?

Sagot ni Ritz, “I can’t say ngayon kasi nga friends talaga kami ni Mart.

“Ayoko po kasing may mabago muna sa friendship naming dalawa.

“Siguro I would feel awkward kung sakaling manligaw siya.

“Kasi nga po, may mga biruan kami ni Mart sa set kapag break time namin. Ayokong mawala yung biruan naming ’yon.

“But let’s see. As long as wala pa naman, wala po akong dapat na ikabahala.

“As far as I know, okey po kami ni Mart as good friends,” ngiti pa ni Ritz.



DARING RITZ. From being wholesome ay naging daring na ang image ni Ritz, nang maging cover girl siya last November sa FHM magazine.

Inamin ni Ritz na marami ang nag-e-expect sa kanya ngayon na ang mga isusuot na niyang damit at hapit at sexy dahil nga sa nagawang exposure sa kanya ng FHM.

Pero para kay Ritz, hindi naman kailangan na maging sexy siya parati lalo na sa pananamit niya.

“Depende naman sa occasion, e. Kapag formal naman, natural, I dress appropriately.

“Kung party siguro, I can dress sexy. Yung tamang-tama lang po.

“Huwag naman po nilang i-expect na kung ano ang ginawa ko sa FHM ay ganun din ako magdamit.

“It’s just for the magazine and I am proud na ginawa ko po iyon.

“Once in a lifetime lang na mangyari sa akin ang ganyan and baka hindi na maulit kaya ginawa ko.

“Wala naman pong regrets. I will be proud of what I did many years from now,” ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIDLAT. Pero magiging daring na si Ritz sa next roles niya sa TV5. Tulad na lang sa Kidlat with Derek Ramsay kunsaan balitang medyo sexy ang role niya.

“We haven’t started taping yet, pero based on what they said sa story conference ng Kidlat, medyo daring na nga raw ang role ko since I did na a cover for FHM.

“Contrast siya sa role naman ni Nadine [Samonte] who is the simple and conservative leading lady.

“Iniiba-iba pa kasi nila ang pagsulat sa roles namin. Nothing is final pa naman.

“We’ll see kasi hindi pa naman kami nag-i-start ng taping. I will know more once we’ve started with it.

“Excited na nga ako kasi it will be one of the biggest series that TV5 will produce. So happy na nakasama ako sa cast,” sabi ni Ritz.

SK CHAIRMAN. Bukod sa pagiging artista ay very active din si Ritz sa kanilang bayan sa Sta. Rita, Pampanga, kunsaan siya ang Sangguniang Kabataan chairman.

Isang dahilan iyon kung bakit sa Pampanga pa rin siya umuuwi dahil marami siyang inaasikasong projects lalo na nga’t Pasko na.

“Being a leader for the youth is one big responsibility.

“Kaya po kahit na mag-travel ako between Quezon City and Pampanga, okey lang kasi ginagawa ko naman ito dahil may mga responsibilities ako.

“I’m glad na very understanding ang ibang SK members kasi natutulungan nila ako sa mga projects kahit na busy ako.

“But I make sure na darating ako para maasikaso pa iyon nang husto.

“Ayoko naman po kasing biguin ang mga nagtiwala sa akin na maging SK Chairman,” sabi niya.

Dahil nga sa kasipagan niya sa gitna ng kanyang hectic schedule bilang artista, inalok daw siya na tumakbo para sa isang posisyon in government sa Sta. Rita.

“Nagulat nga po ako when an offer came na gusto nila akong tumakbo for city councilor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I have to decline kasi hindi pa naman ako ready for a bigger responsibility. Tama na sa akin ang pagiging SK Chairman.

“Kung sa current position ko po, medyo nahihirapan na po ako, what more sa isang mas mataas pang position in government, di ba?

“So, hindi po ako umoo sa pagtakbo.

“Siguro a few years from now, puwede kapag talagang ready na ako.

“Ngayon, kuntento ako sa ginagawa ko—showbiz and being SK chairman.”

Mas gusto nga raw ni Ritz na mag-organize ng pageants para sa ilang kabataan sa Sta. Rita. Sumali kasi si Ritz sa ilang beauty pageants sa Pampanga noon.

“Yun ang isang dream ko to organize and produce a beauty pageant for Pampanga.

“Maraming magagandang Kapampangan and I would love to help them gain more confidence.

“I admit, sa mga ganyan ako nagkaroon ng confidence. Lakasan lang ng loob ‘yan. In the long run, masasanay ka na rin.

“Someday I will be able to produce one and help a lot of girls.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN