TV5 young star Meg Imperial to be launched in sexy movie Menor de Edad

Sa pagpasok ni Meg Imperial sa sexy roles, mas mabuti raw na wala siyang boyfriend ngayon. Paliwanag niya, “Mas mabuti na rin po ito para walang problema at magagawa ko ang mga gusto ko with my career. Mahirap na yung may nakikialam na ibang tao. Thankful nga po ako na very supportive ang parents ko. Naiintindihan nila na ito ang career na gusto ko at magandang break ang ibinigay na sa akin. Might as well gawin ko na ito kesa magsisi raw ako kung tinanggihan ko.”<


Pagkatapos ng matagumpay na pagbabalik ng Viva Films sa paggawa ng sexy movies, via Rigodon starring newcomer Yam Concepcion, ang susunod nilang sexy project ay ang Menor de Edad.

Ito ang magiging opening salvo ng Viva Films sa January 2013.

Ang bida ng pelikula ay ang TV5 young actress na si Meg Imperial.

Si Joel Lamangan ang direktor ng launching film ni Meg, at si Wendell Ramos naman ang kanyang leading man.

Sobra raw kinabahan pero natuwa, at the same time, si Meg dahil nabigyan siya ng malaking break ng Viva Films, kunsaan matagal na rin siyang nakakontrata sa management arm nitong Viva Artists Agency (VAA).

Hindi na raw nagdalawang-isip pa si Meg nang sabihin sa kanya na siya ang napiling bida para sa Menor de Edad.

“Mahirap mag-say ng ‘no’ sa ganyang offer.

“Big break ko na po ito at nangako ako sa Viva na gagawin ko ang makakaya ko para sulit ang tiwala nila sa akin.

“Malaki naman din po ang tiwala ko sa kanila dahil magaling na director ang humawak sa pelikula namin na si Direk Joel.

“Alam kong magandang lalabas ang pelikula namin kaya hindi na po ako nag-inarte pa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa Christmas party ng Abante Tonite/Abante Una sa Balita last December 4 sa Ramon Magsaysay Building along Roxas Boulevard in Manila.

Ayon kay Meg, tapos na nilang i-shoot ang buong pelikula at pang-promotional materials na lang daw ang ginagawa nila.

FHM COVER GIRL. Kailan lang daw ay na-shoot na ang sexy poster ng Menor de Edad.

Hindi na raw nailang si Meg sa sexy pictorial dahil siya ang cover girl ng FHM magazine ngayong December.

Sabi niya, “Marami po akong natutunan na sexy poses noong ginawa ko ang cover for FHM.

“Doon, medyo kabado pa ako. Pero noong makita ko na maganda ang kinalabasan ng photos, na-inspire ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya noong i-shoot namin ang poster for Menor de Edad, ginawa kong inspiration ang FHM cover ko.

“This time, mas relaxed na ako at mas marami akong sexy poses na ginawa.”

BIRTHDAY GIRL. Tamang-tama lang daw na sa January 2013 ipalalabas ang launching film ni Meg dahil birthday month niya iyon.

She will be turning 20 years old on January 20.

“Kaya right timing lang,” sambit niya.

“Mature role na ang ibinigay sa akin ng Viva after kong lumabas na tweetums sa series na Bagets: Just Got Lucky.

“New image na ito for me as I turn a year older next year.

“And dasal ko na maging successful naman ang lahat ng pag-aabala na ito ng Viva Films para sa career ko.”

WENDELL RAMOS. Thankful din si Meg na si Wendell Ramos ang kanyang naging leading man. Napakabait daw nito at maingat sa kanilang kinunang love scene.

“Matagal ko nang kilala si Wendell. Nagkikita kami niyan sa mga shows ng TV5.

“Noong sabihin sa akin na siya ang leading man ko, natuwa ako kasi alam kong mabait siya.

“Tsaka sa mga naririnig ko nga tungkol kay Wendell, masarap siyang katrabaho. Wala raw arte at very cooperative.

“Isa lang naman ang love scene namin sa movie, pero gusto ni Direk Joel na seksing-sexy ang dating.

“Si Wendell pa nga po ang worried kasi alam niyang first time ko na gawin ang ganung eksena.

“Siya raw kasi, sanay na siya na magpa-sexy. Kaya lagi niya akong tinatanong kung okey ba ako.

“Kaya lalo akong humanga sa tulad ni Wendell kasi bukod sa professional siya, hindi pa siya yung tipong nagte-take advantage,” nakangiting sabi ni Meg.

Kumusta naman ang halik ni Wendell sa kanya?

“Ay, siyempre po masarap!” sabay tawa ni Meg.

“Kailangan kasi ma-feel ko na masarap kasi yun ang instruction ni Direk Joel sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagiging professional lang po kaming dalawa sa eksena. Yung kiss kasi, part yun ng eksena na kailangan naming gawin.

“Professional lang po kaming dalawa ni Wendell.”

NO BOYFRIEND. Wala naman daw magseselos sa ginawang pagpapa-sexy ni Meg with Wendell dahil wala siyang boyfriend.

“No boyfriend muna.

“Mas mabuti na rin po ito para walang problema at magagawa ko ang mga gusto ko with my career.

“Mahirap na yung may nakikialam na ibang tao.

“Thankful nga po ako na very supportive ang parents ko. Naiintindihan nila na ito ang career na gusto ko at magandang break ang ibinigay na sa akin.

“Might as well gawin ko na ito kesa magsisi raw ako kung tinanggihan ko.”

Kaya matagal na wala ring nagawang TV series si Meg dahil nag-concentrate siya sa kanyang launching film.

“May last series was Glamorosa. Kontrabida ako doon ni Ritz Azul.

“Pero paminsan-minsan, lumalabas ako sa Lokomoko U, Maynila, Game ‘N Go, at Pidol’s Wonderland.

“Nag-focus talaga ako sa Menor de Edad.

“But next year, baka may gawin akong bagong show sa TV5. May sinabi na ang Viva sa akin regarding that.

“For now, sisimulan na rin namin ang promo for Menor de Edad para maabangan na nila ito next year,” pagtatapos ni Meg.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN