Angel Locsin on competing against Nora Aunor in MMFF Best Actress race: “Siyempre, hindi n’yo po maaalis sa amin na mag-wish.”

Merong strategy o technique si Angel Locsin sa paggawa niya ng maseselang love scenes. Lahad niya: “Saka hindi ko ipinapahalata. Kasi kailangan maging kumportable rin ang ka-eksena ko. Kasi pag ang lalaki, pag nakaramdam ng ilang… parang mas mahirap kasi mas aggressive ang lalaki kaysa sa babae.”


Hindi pa nakakapag-celebrate si Angel Locsin at ang kasintahan niyang si Phil Younghusband para sa panalo ng Azkals laban sa Vietnam sa 2012 AFF Suzuki Cup.

Kinumpirma ito ni Angel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon proper para sa MMFF 2012 movie entry ng Star Cinema, ang One More Try, kahapon, December 5.

Saad ni Angel, “Hindi pa nga, e. Kasi kakatapos lang namin itong pelikula.

“Pero nagkita na kami. Nakita ko yung sugat niya sa kilay… yung ganoon.

“Hopefully, pagkatapos nito, makakapag-celebrate na kami.

“Kasi ngayon, magtsi-check in sila sa hotel. Kasi, di ba, may laban sila against Singapore nga?

"Sana manalo sila,” asam ng Kapamilya actress.



PROUD GIRLFRIEND. Gaano siya kasaya ngayong pasok na ang Azkals sa semis ng Suzuki Cup?

“Ay, sobrang proud! Sobrang proud talaga ako.

“Alam kong pinaghirapan nila yun. Alam kong deserving nila yun.

"Sana suportahan natin yung next game nila.”

May time ba siyang manood ng laban nina Phil this Saturday, December 8?

“Hindi ko alam e. Kasi, ‘eto, nagkakasabay rin kasi yung promo [ng One More Try].

“Pero meron naman na kaming understanding kung paano namin iba-balance yung buhay namin.”

Ano ang naging reaksyon ni Angel noong makita niya ang sugat ni Phil sa kilay?

“Parang hinang-hina,” mabilis na tugon niya.

“Siyempre, ano. Kung puwede nga lang ikaw na lang humarang doon para hindi siya saktan.

“Kaya lang baka… siya sanay siya at ganoon ang hitsura niya. Paano na lang ako, di ba?

“Siyempre, nakakaawa. Pero parang wala lang sa kanya.

“Kahit naglalakad siya na may black eye… yung iba siguro mako-concious, siya hindi—parang wala lang.”

Ano ba ang takot ni Angel na puwedeng mangyari kay Phil sa klase ng sports na sinalihan ng boyfriend niya?

“Well, huwag naman sana... Kahit anong aksidente, ayokong i-entertain sa isip ko.

“Kasi alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Lord e,” sabi ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HOLIDAY CELEBRATION. Paano nila ipagdiriwang ang Christmas?

“Ako, kasama ko yung family ko. Siya naman... kasi kailangan nilang mag-bonding ng pamilya niya.

“After, magsasama-sama kami. After nilang mag-celebrate, pupunta sila sa bahay.

“Puwedeng December 25 mismo. Pero pag December 24 kasi, kasama ko talaga family ko.”

May regalo na ba si Angel kay Phil?

“Meron na,” kumpirma niya.

Naibigay na ba niya?

“Hindi pa… ang aga!” nakangiting reaksyon niya.

Tumanggi si Angel na magbigay ng clue kung ano ang nakahanda niyang regalo para sa kasintahan.

“Pag sinabi ko naman sa inyo at nabigyan ko ng clue… hindi pa nga niya alam… magtatampo naman yun.”

May plano ba silang bakasyon pagkatapos ng pinagkakaabalahan niyang pelikula for the filmfest at sa laro naman ni Phil?

“Pag-uusapan pa namin,” sagot ni Angel.



BEST ACTRESS RACE. Pinangunahan dati ni Direk Ruel Bayani ang statement na may laban sina Angel at Angelica Panganiban sa 2012 MMFF best actress race dahil sa pagganap nila sa One More Try ng Star Cinema.

Ang magiging mahigpit na kalaban ng dalawa ay ang Superstar na si Nora Aunor para sa pagganap nito sa Thy Womb.


Sinuportahan naman nina Angel at Angelica sa pagsasabing lalaban naman sila.

Nangingiting sabi ni Angel, “Actually, habang sinasagot ko, nanginginig po akong talaga.

“Never kong inisip sa buong career ko kahit makatapat [si Nora].

“Kasi, iba naman po talaga yung talento ni Ate Guy. Alam po nating lahat ‘yan.

“Pero bilang mas nakakabagong artista, hindi mo rin maiaalis sa amin na umasa.

“Kasi, naniniwala ho kami sa project na ito.

“Siyempre, yung dedication at confidence na ipinakita ng director namin…

“Sinasabi niyang, ‘May laban yung mga alaga ko.’ Siyempre, nakakatuwa po yun.

“Kung sino man yung manalo doon, I think sobrang deserving naman po talaga iyon.

"Whether kami man or sa ibang pelikula, nandiyan pa si Ate Juday [Judy Ann Santos] na sobrang galing din, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ms. Ai-Ai [delas Alas]… marami po talagang bigatin artista.

“Siyempre, hindi n’yo po maaalis sa amin na mag-wish.”



MMFF ENTRY. Tinanggap ba niya agad ang One More Try noong inalok ito sa kanya?

“Actually, noong ipinatawag ako, anung-ano ako... huwag munang mag-pelikula. Kasi, kakagaling ko lang sa dalawang pelikula, e.

“Tapos, noong nai-discuss na sa akin yung proyekto, yung hawak ko sa ’no,’ bumubukas na... kasi napakaganda nga ng story.

“Kaya lang, medyo natakot lang ako kasi ang character ko dito, nanay.

“E, hindi ko po alam yung pakiramdam bilang nanay talaga.

“Kaya ko na bang mag-mommy?” tanong naman niya sa amin.

“Kaya lang, sobrang challenging niya talaga at parang…

"Hindi ko masasabi na lahat alam ko. Pero parang mas naiintindihan ko yung journey ng isang nanay kung paano niya ipinaglalaban yung anak niya na kung paano niya isakripisyo ang sarili niya.

“Sabi nga nila, wala nang moral o immoral sa usapang wala nang tama o mali, kung para sa anak mo naman.

“So, napa-’yes’ ako. And honestly, nung sinabing si Direk Ruel Bayani… kasi siya yung favorite director ni Mico that time."



MEMORIES. Si Mico Sotto ay ang ex-boyfriend ni Angel na namatay sa pagkakahulog sa tinutuluyan nitong condo ilang taon na ang nakararaan.

“At saka si Oyo [Sotto, ex-boyfriend din ni Ange].

“Tapos lagi niyang mini-mention sa akin before na sobrang bait ni Direk at marami silang natutunan sa acting... maalaga.”

Ibig sabihin, naaalala pa rin ni Angel ang nakaraan?

Mabilis niyang sagot, “Yes! Naalala ko.

“Tapos, noong nangyari nga yun, after namin ni Mico at naging kami ni Oyo, isa siya [Direk Ruel] sa mga tao na hindi kami hinusgahan…

"Tandang-tanda ko yun.

“Tapos, before pa, bago pa siya nagkaroon ng No Other Woman… ganyan… hinihingi ko na talaga.

“Ipinagdadasal ko na pag nagkaroon ng time, makatrabaho si Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala ko nga, teleserye lang or guesting. Hindi akalain na ganito kalaki yung ibibigay ni Lord.

“So, talagang sobrang pasalamat ko kasi nagkaroon ako ng chance.”

Alam ba ni Direk Ruel ang pagnanais niyang makatrabaho ito?

“Hindi ko alam, hindi ko pa alam.”



COMPETITION. Nagampanan na ngayon ni Angel ang role ng isang anak. Ready na ba siya maging isang ina sa totoong buhay?

“Hindi pa, maybe later. Hindi pa, hindi pa!" bulalas ng 27-year-old actress.

"Pero na-realize ko na, ’Ang hirap pala?’ Ganun pala ang nanay, ’no?’

“Pero hindi ka pa rin naman nanay, pero ginampanan ko nga itong role na ito, ang hirap palang maging ina.

"Kasi ang buhay mo, anak mo.”

Gaano kahirap makipagsabayan ng acting sa isang Angelica Panganiban?

“Well, hindi naman sa mahirap o ano? Pero siyempre, mas masarap umarte di ba?

“Pag ang kaeksena mo may paghuhugutan ka. Hindi yung, ’Ano’ng nangyari? Parang may wall?’

“Siyempre, mas makakahugot ka doon sa taong alam mong very passionate rin siya sa trabaho niya.

“Actually, nagkakatulungan kami,” tukoy niya kay Angelica.

Mahirap ba i-sustain yung ganoong klase ng acting at ang role?

“Nakakapagod! Kasi ang bigat ng istorya namin.

“Lalo na ako, kasi yung anak ko dito, may sakit nga.

"Tapos, labag sa akin ito, e. Ayoko kasi yung mga… alam mo… yung, pag may asawa na, may asawa na?

“Alam mo yung mahirap sa akin yung mag-beg na, ‘Uhm... pahiram ng asawa mo.’ Mahirap talaga sa akin.”



LOVE SCENES. Sa bawat pelikula ni Angel, naroon ang anggulong sexy.

Ibig sabihin, may intimate scene, kissing scene at kaunting love scene.

Naroon pa rin ba ang nerbiyos, kaba, at pagka-ilang? Hindi pa rin ba siya kumportable sa gagawing eksena?

Tugon niya, “Kasi, parang kung papanoorin mo sa pelikula or sa TV, parang akala mo napaka-suwabe.

“Pero pag ginagawa mo yun, siyempre kumplikado. Kasi hindi mo naman partner yung kaeksena mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka may certain attack ka na hindi mo naman… na hindi ikaw yun.

“So, kailangang mag-exert ka ng extra effort… kung nagse-seduce ka, siyempre parang ano, e, ’Paano ko kaya ito ise-seduce, e, kanina lang kausap ko siya?’”

Tinatapangan lang ba niya ang loob para gawin ang mga love scenes?

Sang-ayon niya, “Saka hindi ko ipinapahalata. Kasi kailangan maging kumportable rin ang kaeksena ko.

“Kasi pag ang lalaki, pag nakaramdam ng ilang… parang mas mahirap kasi mas aggressive ang lalaki kaysa sa babae.”

Kaya na ba ni Phil na panoorin ang mga love scenes niya?

“Ako, ayoko. Ako ang hindi kaya,” pagtatapat niya.

“Siya, nanood pa siya, separate, e. Mas nag-e-expect pa siya ng todo base sa mga kuwento ko.

“Mas naiintindihan niya, very understanding, kaya suwerte ko.”



AWARDEE. Ano naman ang naramdaman ni Angel sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa People of the Year ng People Asia Magazine?

Kahilera ni Angel sa bibigyan ng award sina Juan Ponce Enrile (Politics), Ben Chan (Business), Randy Ortiz (Fashion), Karen Davila (Broadcasting), F. Sionel Jose (Literature), Apl De Ap (International Recognition), at MMDA Chairman Francis Tolentino.

Nire-represent ni Angel ang mundo ng showbiz o entertainment.

“Ahm… sobrang happy ako. Hindi ko ini-expect talaga.

“Noong sinabi nila sa akin iyon, hindi ko naman akalain na ever na mapapasama ako sa listahan ng People Asia, People of the Year award.

“I’m very thankful. Utang ko yun doon sa mga taong sumuporta sa akin sa inyo…” himig pasasalamat na sabi ni Angel.

Base sa nalaman ni Angel, hindi idinaan sa botohan ang proseso ng pagpili sa kanya sa award na ito.

Saad niya, “Hindi ko alam paano, e. Hindi siya voting, e.

“Parang namili yung internal, kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat.

“Tapos, iba-iba yung… like sa politics, may representative… ako sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maraming-maraming salamat talaga sa People Asia at sa pagtitiwala nila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN