Valerie Concepcion has yet to move on from breakup with Dondon Hontiveros

Bagamat tumatanggap na siya ng mga manliligaw, aminado si Valerie Concepcion na hindi pa siya nakakapag-move on mula sa breakup nila ng basketbolistang si Dondon Hontiveros: "Tumatanggap naman ako ng mga suitors. Pero yun nga, parang hindi rin nagwu-work, e. Parang sinasabihan ko agad na, ‘Huwag muna kasi I haven’t really moved on with my ex. It’s unfair to you,’ ganun. Ang hirap, ang hirap actually,”


Next year pa ipalalabas ang bagong teleserye ng ABS-CBN na sasamahan ni Valerie Concepcion.

Pero natutuwa na ang young character actress dahil kahit matagal siyang walang regular show, pagkatapos niyang maging bahagi ng E-Boy, marami naman ang nakapansin sa husay niya sa tatlong linggong guest appearance niya sa sitcom na Toda Max at ang pinakapaborito niyang role bilang mistress sa Angelito Ang Bagong Yugto na tumagal din ng dalawang linggo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie sa birthday party ng beauty expert na si Cathy Valencia sa Mandarin Hotel, masaya niyang ibinahagi ang katuwaang nararamdaman sa mga positive feedback tungkol sa pagkakaganap niya sa Angelito.

“Actually, si Tita Becky [Aguila, her business manager], gustung-gusto niya yung role ko dahil mas tumatak daw yung role ko doon kaysa sa E-Boy.

“Kasi yung E-Boy, regular show ko, tapos itong Angelito, guest lang.

“Sabi ko nga, sana hindi nag-end agad [yung role niya]. I don’t like, kasi dapat two taping days lang yun.

“E, dahil nga sa nagandahan at nagustuhan kaya ginawang three weeks… isa akong mistress.”

Dugtong pa ni Valerie, “Sa akin naman, walang problema kung anong role.

“Actually, mas gusto ko nga yung natsa-challenge ako sa iba-iba. Para hindi yung, ‘Ay, si Valerie, ganito na naman.

“At least, iba-iba yung nakikita nilang Valerie, di ba?”

Nagpapasalamat si Valerie sa mga nagsasabing malaki na ang inihusay niya bilang aktres.

“Dahil nga siguro sa mga pinagdaanan ko kaya nagkakaroon ng depth ang buhay ko!” sabi niya kasunod ng isang malakas na halakhak.

Aminado naman si Valerie na nagagamit niya ang mga kabiguan niya sa pag-ibig para lumalim ang acting niya.

“Oo naman,” pagsang-ayon niya.

“Ikaw na nga ang nagsabi na six months ago na yun, pero may pinagdadaanan pa rin ako.

“So, parang malaki talaga ang pagiging affected ko dun sa nangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BREAKUP. Ang tinutukoy ni Valerie na kabiguan ay ang breakup nila ng PBA cager na si Dondon Hontiveros, anim na buwan na ang nakararaan.

Sabi ni Valerie, matagal tumakbo ang kanilang relasyon ni Dondon.

“We dated for a year and then naging kami for four years. So, five years din kami.”

Bakit hindi pa siya nakakapag-move on?

“Hindi ko alam. Hindi ko pa siguro nakikita yung makakapag-move on sa akin!” halakhak niya.

May mga nagsasabing kapag hindi pa raw nakakapag-move on ang isang tao sa nawalang relasyon, ibig sabihin ay nakokonsensiya rin siya dahil sa kanyang kasalanan.

“Meron rin naman talaga,” mabilis niyang pag-amin.

“It takes to tango, ‘ika nga.

“Talagang aminado naman ako na parang… kumbaga, inaamin ko naman na ako ang nakipaghiwalay talaga.”

Kasalanan bang maituturing na siya ang nakipaghiwalay?

“Yeah, I think,” mabilis na sagot ni Valerie.

“Kasi, di ba, if you’re really into it, you’ll do everything to work it out.

“Pero ako, hindi ko alam kung bakit ako napagod. Bigla akong nag-give up.

“Tapos, all of sudden, I’m missing him. So, parang it’s hard.

“Pero yun na yun, e.”

Paano siya napagod? Hindi pa ba niya tanggap ang nangyari sa kanila ni Dondon?

“Weird, di ba? Actually, yun din yung naramdaman ko after ngayon— bothered pa rin ako.

“Because I felt like na I was okay na, e, na parang iniisip ko na sarili ko na we’re not meant for each other, ganyan-ganyan.

“Tapos, biglang pagod ako. And then, all of sudden, parang bigla ko siyang na-miss.

“’Ano to?! Bakit parang bigla na naman akong bumalik sa ganitong sitwasyon?’

“So, yun!”

Ano ba yung nakaka-miss sa dati niyang boyfriend?

“Hmmm… ano ba? Siya as a person. Siya mismo!

“Kumbaga, parang… kasi hindi naman siya sweet na tao kaya hindi ko masasabing yung sweetness niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, yung siya talaga as a person. Yung company niya, whenever we’re together.

“Kasi nasanay ako na siya yung lagi kong kasama.

“Like, pag may pinagdadaanan ako, siya yung laging takbuhan ko, ganun.

“Siguro yun.”

Baka naman meron siyang hinahanap kay Dondon na hindi niya makita? Yung inaasahan niya na hindi nagkaroon ng katuparan, gaya siguro ng pagiging hindi malambing ni Dondon?

“Oo, siguro ganun.

“Kaya nga… huwag na nga! Huwag na nga!” pigil ni Valerie sa gusto niya sanang sabihin.

NOT BECAUSE OF HER DAUGHTER. Wala bang kinalaman ang anak ni Valerie na si Fiona kung bakit nakipaghiwalay siya kay Dondon? Sa mga interviews kasi noon sa aktres ay parang hindi tanggap ng anak niya ang basketbolista?

“No, no!” mabilis niyang tanggi.

“Actually, siya [Fiona] pa nga mismo ang nagsasabi sa akin lately na, ‘Mama, how come I don’t see Tito Don anymore?’

“Sabi ko, ‘He’s busy e.’ Hindi ko pa masabi.

“Sabi ko lang, ‘He’s busy, e.’

“Tapos sabi niya, ‘Okay.’

“‘Why?’

“Because I miss him.’

“Kaya nga isa rin sa mga ikinalulungkot ko, na parang nakilala niya [Dondon] si Fiona, two years old pa lang.

“So, parang nakita na sa kanya ng anak ko yung father-figure, e.

“Kasi habang lumalaki yung anak ko, siya yung nakikita. She’s eight years old now.

“Imagine that?

“So, isa rin yun sa mga pinanghihinayangan ko about the relationship.”



RECONCILIATION. Paano kung bumalik si Dondon sa kanya?

“Naku, malabo yun!” sigurado niyang reaksiyon.

“Hindi na ako umaasa, alam mo yun?

“Parang ipapasa-Diyos ko na lang lahat.

“Kung kami, kami. Kung hindi, hindi. Alam mo yun?

“So, yun!”

Nakikipag-date na ba siya uli sa ibang guys?

“Yes, tumatanggap naman ako ng mga suitors.

“Pero yun nga, parang hindi rin nagwu-work, e.

“Parang sinasabihan ko agad na, ‘Huwag muna kasi I haven’t really moved on with my ex. It’s unfair to you,’ ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap, ang hirap, actually,” malungkot niyang sabi.

Iniiyakan pa rin daw ni Valerie ang paghihiwalay nila ni Dondon.

“Recently lang umiyak ako, e. Alam mo yung parang sa tagal kasi, parang napi-feel mo yung, ‘Shucks!’

“Napi-feel ko na yata na wala siya, or nasasanay na yata sila na wala ako sa buhay niya.

“To the point na, even his friends, hindi na ako pina-follow sa Twitter. Hindi na kami friends sa Facebook! Oh, my god!

“Parang nagsi-sink in yung reality na pa-fade na, e. Parang talagang…

“Kaya nga yung tanong mo na paano kung bumalik? Naku, malabo yun!

“Kasi, parang napi-feel ko talaga na unti-unting nawawala yung connection naming dalawa.”

Sa loob ng six months na wala na sila ni Dondon, sino ang kinapitan ni Valerie?

“Anak ko,” mabilis niyang sagot.

“Friends ko… si Lord! Honestly, seryoso ako, ha? Si Lord talaga.

“Every Tuesday midnight, yung pa-Wednesday, nagba-Baclaran ako.

“Kasi humihingi ako ng guidance na, ‘Lord, mali ba yung ginawa kong desisyon na nakipaghiwalay? Bakit ako nagkakaganito ngayon?’

“So, humihingi ako ng guidance na sana tama yung ginawa ko. Sana, yung susunod kong decision in life, i-guide Niya ako.

“I think, that’s where I’m getting my strength, na parang habang may buhay, may pag-asa.”

MALAMIG NA PASKO. Paano na ang Pasko?

Sabi ni Valerie, “Malungkot… malamig ang Pasko.

“Actually, magbe-birthday pa nga ako ng December 21.

“Hindi ko alam if I’ll just stay na lang at home or if I’ll just have dinner na lang with my friends or magpa-party ako.

“Hindi kasi ako lumalabas kaya siguro nagdu-dwell ako doon sa kalungkutan.”

Tungkol naman sa nalalapit na pagpasok ng 2013, paano niya sisimulan ang bagong taon?

“Ay, siyempre, gusto ko namang simulan positively.

“Siguro, ibi-busy ko na lang ang sarili ko sa work.

“Kasi mag-i-start akong ma-taping last week ng December. So, timing rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang at least suwerte ako pagdating ng bagong taon may trabaho ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN