Glaiza de Castro on kissing scenes with Dennis Trillo in Temptation of Wife: “Nakakaumay! Kasi kahit ako, kapag pinapanood ko, parang, ’Grabe... dami na nito, ah!”

Glaiza de Castro on effective portrayal of role as Heidi in Temptation of Wife: "Although minsan ano… nakaka-guilty na. Kasi sobrang sama nung character ko. Tapos yung mga tao, sobrang affected na. Imbes na good vibes lang sila sa gabi, tapos naha-high blood na sila!”


Maraming bilib sa performance ni Glaiza de Castro bilang Heidi sa primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife.

Marami tuloy ang nagtatanong kung saan niya hinuhugot ang emosyon ng isang babaeng obsessed sa lalaki kahit ito’y may asawa na.

“In real life!” napahalakhak na biro ni Glaiza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, December 2.

“Kidding aside, siguro dahil ganoon din lang talaga kaganda yung script.

“At ganoon din lang kahuhusay yung mga kasama ko sa eksena para madala nila ako doon sa ganoong emotions.

“So, nakakatuwa. Although minsan ano… nakaka-guilty na.

“Kasi sobrang sama nung character ko. Tapos yung mga tao, sobrang affected na.

“Imbes na good vibes lang sila sa gabi, tapos naha-high-blood na sila!” tawa niya.

Patuloy ni Glaiza, “Pero siyempre, trabaho lang ito—nothing personal naman.

“And in real life, totoo naman na may ganoong klase ng tao na gaya ng character ko bilang Heidi.

“Minsan nga, parang ano, e… parang mas malala pa, e!”

Nakakilala na ba siya ng parang si Heidi sa buhay niya na kontrabida sa kanila ng naging karelasyon niya?

Sagot ni Glaiza, “Hindi ko pa alam. Kasi, ako naman, hindi ako yung masyadong parang imbestigador-type of girlfriend o karelasyon.

“So wala pa naman akong na-experience na ganoon kalala na naging kontrabida sa lovelife ko.”

May pressure ba sa kanya na maraming good reviews tungkol sa acting niya sa Temptation of Wife?

“Oo naman... oo.

"Every taping, parang… its’ a new day, e, tapos a new challenge talaga.

“And siyempre, dapat talaga kailangang prepared ka lagi pagdating sa set... na nabasa mo na yung script at alam mo ang pinagmumulan ng bawat scenes.

“Kasi minsan, kunwari, lalo na sa TV, mabilisan ‘yan, e.

“Minsan nga, yung mga episodes na tini-tape namin, ineere na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kahit na ganoon, dapat alam mo pa rin ang mga ginagawa mo.

“Alam mo kung bakit ganito yung kinapuntahan ng eksena. Yung ganoon.”



ACT NATURAL. Kaya wala na siyang inhibitions sa bawat tagpong ipagawa sa kanya kahit may sexy at kissing scenes pa?

“Dapat talaga ganoon, e. Para mag-manifest din yung totoong emotions,” sabay ngiti ni Glaiza

“Mapa-sexy o hindi, dapat lahat ng eksena, black lang lahat iyon—wala kang nakikitang camera o kung sinuman yung production crew.

“Dapat kung sino yung mga kaeksena mo, iyon lang ang nakikita mo.”



DENNIS TRILLO. Halos sa gabi-gabing pag-ere ng Temptation of Wife ay may kissing scenes sila ni Dennis Trillo, na gumaganap naman bilang Marcel. Ano ang feeling niya?

“Nakakaumay! Joke lang!" natatawang sabi ni Glaiza.

“Hindi. Kasi kahit ako, kapag pinapanood ko, parang, ’Grabe... dami na nito, ah!’

“Kumbaga, kung ako yung viewer, yung, ’Sobra na naman na! Grabe, every scene na lang!’

“E, kaya lang, wala naman akong magagawa. Iyon ang hinihingi ng script.”



MARIAN RIVERA. Ibang klase rin ang confrontation scenes at sampalan nila ni Marian Rivera, na gumaganap bilang Angeline, sa teleserye.

Ayon kay Glaiza, nire-rehearse daw nila itong mabuti bago mag-take.

“Oo, pero nandoon pa rin siyempre yung intensity ng mga sampal.

“Siyempre, ano, e… kailangang iparamdam sa audience yung galit, yung inis, yung lahat-lahat na!” sabay tawa ni Glaiza.

Dagdag niya, “Sanay na rin naman ako sa ganyang eksenang sampalan. Siyempre, parte iyon ng trabaho, e… nothing personal.”

May ibang ang sinasabi naman ay mas nakakainis ang character ni Marian bilang si Angeline na sobrang martir at nagpapakatanga para sa asawa nito.

Sabi naman ni Glaiza, “Naku, antayin ninyo na lang kapag naghiganti na siya.

“Eeksena pa rin ang pagiging maldita ko, pero magpupunyagi na ang mga fans ni Angeline.

"Kasi lagi nga nilang sinasabi, sobrang kamartiran na raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa part na lumalaban na siya, talagang magiging victorious na rin ang feeling ng viewers.”



MORE SEXY ROLES. Napatunayan na ni Glaiza na effective siya sa kontrabida role na sexy, at maganda naman nga ang feedback. Okay lang ba sa kanya kung sakaling may isa pang ganitong project na ialok sa kanya?

“So far, ito na lang muna!" tawa na naman niya.

“Kasi, parang in a way, ano na… itinodo ko na dito, e. Yung ganoon, e.

“Yun nga, nasabi rin ninyo, walang inhibitions. Ibinuhos ko nga kasi nang todo, e.

“After this siguro… hindi ko alam. Pero gusto kong bumalanse.

“Ayokong ituluy-tuloy yung ganung image.”

Mariin pa rin ang sagot ni Glaiza nang tanungin namin kung itutuluy-tuloy na niya ang pagpapa-sexy?

“Hindi.

"Kumbaga, kung career path yung pag-uusapan, tapos tatanungin ako, ’Magpapa-sexy ka na ba?’ Hindi!"

Iyon pa naman ang inaantabayanan ng kanyang male fans?

“E, tama na yung nakikita nila sa mga eksena.

"Okey na yung mga nakikita nila sa mga pictures, nakikita nila ako na sexy doon sa role."

Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya kapag napapanood nila ang mga mapangahas niyang eksena sa Temptation of Wife?

“Wala naman. Hindi naman namin masyadong pinag-uusapan.

“Pero naiinis din sila sa akin! Ha-ha-ha! Nadadala din sila.”

Itong role daw niya bilang Heidi sa Temptation of Wife ang pinakamahirap na nagawa niya, so far.

“Ang dami kasing emotions na kailangan ng character ko.

“At saka, ang hirap din na i-manipulate ng mga emotions na iyon. Kasi, in a way, nakakaapekto siya in real life.

“Kumbaga, kung galit ka… kung nalulungkot ka… kung desperate ka.

“Kumakapit minsan, e. Yung ganoon?” sabi ni Glaiza.



HOT AND SEXY. Dahil sa mapang-akit at mapangahas niyang role sa Temptation of Wife, ang naging tingin tuloy sa kanya ngayon ng male viewers ay "hot and sexy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga naglalakas-loob na bang lumapit at magparamdam na gustong pumorma sa kanya?

Napahalakhak na naman si Glaiza bago nakapagbigay ng kasagutan.

“In a way, oo. May ganoong factor din.

“Ang laking tulong din ng pagiging Heidi sa… parang physically.

“Kasi ano, e… sa totoong buhay kasi, hindi ako masyadong maporma, e. Yung ganoon?

“Tapos yung ano ko… posture ko. Mga ganoon... ang laki ng naitutulong.”

Kumusta naman ang mga lalaking nagpapalipad-hangin sa kanya ngayon? Meron na ba siyang nakikita na puwedeng pumasa sa taste niya?

Tugon ni Glaiza, “Tingnan natin. Sa ngayon kasi, wala pa… basta tingnan-tingnan na lang natin.

“Kapag naman meron, ano, e… kapag confirmed na, parang siyempre… bakit itatago?

“Kung mahal mo talaga yung tao, di ba?

“E, kaya lang, wala pa, e!” tawa na naman niya.

Ano sa character ni Heidi ang gusto niyang mapasakanya sa totoong buhay?

“Yung confidence niya—sobra-sobra siya sa confidence.

“Determined siya, e, sa lahat ng bagay.

"Lahat ng gusto niya, nakukuha niya kasi desidido siyang kunin iyon.

“Iyon nga lang, minsan sa maling paraan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN