Andi Eigenmann and mom Jaclyn Jose still not okay

“Parang yung ginawa ko, mali ko pa rin ’yon. Parang kinampihan ko pa ang boyfriend ko than my mom—even my mom maganda yung intentions and my boyfriend just left me out of nowhere,” confessed Andi Eigenmann about taking the side of former boyfriend Jake Ejercito over her mom Jaclyn Jose.


Bagamat ipinagtanggol kamakailan ni Andi Eigenmann ang inang si Jaclyn Jose sa kanyang blog, hindi naman niya itinanggi na may tampuhan pa rin silang mag-ina.

Sa episode ng Kris TV kaninang umaga, December 6, isa sa mga panauhin si Andi, kasama ang kanyang pinsan na si Abby Asistio.

Sa bandang huli ng panayam, hindi naiwasan ng host na si Kris Aquino na tanungin si Andi kung may tampuhan pa rin sila ng kanyang ina.

Halata raw kasi ito sa mga ikinilos ng young actress noong kaarawan ng kanyang anak na si Ellie.

Bilang tugon, tumango si Andi kay Kris upang kumpirmahin ito.

Matatandaang nagsimula ang tampuhan nila nang magbigay ng pahayag si Jaclyn tungkol sa relasyon ni Andi kay Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa kanyang mistress, ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Sa isang panayam, nagpahiwatig si Jaclyn na baka hindi sang-ayon ang mga magulang ni Jake sa relasyon nila ni Andi.

(CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Andi, wala siyang ideya na magkakaroon ng ganitong panayam ang kanyang ina.

Kuwento niya kanina sa Kris TV, “She just told me and Jake when she got home.

“Tapos, yung sinabi niya, hindi ’yon ang lumabas sa interview.

“So, medyo na-hurt kami ni Jake, kasi parang nilaglag kami.”

Gayunman, katulad ng sinabi niya sa kanyang personal blog, iginiit ni Andi na naiintindihan niya ang kanyang ina.

(CLICK HERE to read related article.)

“I honestly said, hindi pa po kami okay,” sabi ng 22-year-old actress tungkol sa relasyon sa ina.

“But I still respect what my mom’s intention was doon sa interview na ’yon, especially pa, after the interview, I chose to go on TV only to defend someone else’s mom and someone else, and Jake.

"Pero, at the end of the day, my mom, she’s still there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Andi na nagkaroon siya ng pagkakamali sa kanyang mga ginawa.

Aniya, “Parang yung ginawa ko, mali ko pa rin ‘yon.

“Parang kinampihan ko pa ang boyfriend ko than my mom—even my mom, maganda yung intentions, and my boyfriend just left me out of nowhere.”

Dahil na rin siguro sa mga pangyayari, nasabi ni Andi na hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon sa ngayon.

Aniya, “I don’t think I’m ready.

“I don’t want to think kung kailan ako magiging ready.

“Parang kung darating, e, di darating.

“Pero as of now, I just want to be single and focus on Ellie and my priorities—which is my career.

“Gusto ko na walang problema, parang free ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN