Direk Mac Alejandre on working with Nora Aunor after 20 years: “Lagi kong sasabihin, na wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala siya… without her.”

Maliban kay Nora Aunor, malaki rin daw ang utang na loob ni Direk Mac Alejandre sa writer na si Ricky Lee. Sabi niya, “Silang dalawa, actually. Si Ricky ang unang-unang naniwala. Malaking utang na loob ko yun, para sa akin.”


Muling makakatrabaho ng TV and movie director na si Mac Alejandre ang Superstar na si Nora Aunor pagkatapos ng mahigit dalawampung taon.

Female lead si Nora sa upcoming teleserye ng TV5 na Never Say Goodbye na ididirek ni Mac.

Kasalukuyang nasa Benguet, Mountain Province, ang major cast at staff ni Direk Mac para sa mga unang araw ng pilot episode ng teleseryeng ito.

“Masayang-masaya ako!” bulalas ni Direk Mac sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw bago ang unang taping day ng Never Say Goodbye.

Nagpahayag din ang noted movie and TV director ng kasiyahan sa panibagong pagkakataon ng pakikipagtrabaho niya with Ate Guy.

Sabi ni Direk Mac, “Masayang-masaya ako na ang artistang unang nagtiwala sa akin, at siyang malaking dahilan kung bakit ako naging direktor, ay maididirek ko na uli.

“Naging very open ako ng pagtanaw ng malaking utang na loob sa kanya, mula pa noon.

“And on the 21st year—after the first time I directed her in 1991 [Maalaala Mo Kaya], tapos 1992, yung Star Drama Presents Nora. So, masayang-masaya ako!

“Siyempre, more than the happiness is the chance for me to experience directing a great talent like her, di ba?

“Also, working together with actors who are also talented, tulad nina Cesar Montano and Alice [Dixson] and Gardo [Versoza], Edgar Allan [Guzman], di ba?

“At yung mga batang artista ng Artista Academy.”

Nabigyan ng kaukulang break sa Never Say Goodbye ang mga Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.



GRATITUDE. “Ako ang laging tatanaw ng utang na loob.

“Lagi kong sasabihin, na wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala siya… without her,” patuloy ni Direk Mac hinggil sa naging kontribusyon ni Nora sa pagiging drektor niya.

Hindi rin nakalimutang banggitin ni Direk Mac si Ricky Lee, ang matalik na kaibigang writer ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa direktor, si Ricky ang nagrekomenda sa kanya kay Nora, na noo’y gagawa ng drama anthology sa ABS-CBN.

“Silang dalawa [Nora and Ricky], actually. Si Ricky ang unang-unang naniwala.

“Malaking utang na loob ko yun, para sa akin...” sabi pa ng direktor.



ROMANCE-DRAMA. Hindi man dapat pang i-reveal agad ang kuwento ng Never Say Goodbye ay nagbahagi pa rin ng ilang impormasyon si Direk Mac.

“Gusto naming magkuwento tungkol sa mga damdamin ng tao, at ang opinyon nila tungkol sa pag-ibig.

“Ang title niya ay Never Say Goodbye, at naniniwala kami na ang tunay na pag-ibig ay hindi nagpapaalam...

“Kung paano man ito nagaganap, yun ang tatalakayin ng kuwento.

“So, very, very exciting!

“Para masorpresa ang lahat, sasabihin natin na mate-test...

“Si Ate Guy ay si Marta, at siya’y susubukan ng tadhana at ng panahon... kung hanggang saan niya makakayang magmahal at ipaglaban ang kanyang pagmamahal."

Bilang object ng kanyang affection, sina Cesar at Gardo ang gaganap na mangingibig ni Nora.

Patuloy ni Direk Mac, “Bilang si Marta, aabangan ng manonood si Ate Guy bilang isang passionate woman…

“At kung paano babaguhin ng pagmamahal at kung paano maituro at mailipat ang ganoong klaseng pagmamahal.”



FARMER. Hindi maiiwasang magkaroon ng paghahambing hinggil sa naging papel o karakter ni Nora sa Never Say Goodbye at sa sinundang mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina, kung saan gumanap si Nora bilang isang gobernadora.

May position of power din ba si Ate Guy sa bagong serye?

“May position of power siya, dahil sa puso niya.

“Pero isa siyang farmer. Isa siyang rose farmer… sa Benguet."

Mag-asawa raw sina Nora at Gardo sa kuwento, at yun ang ikinabubuhay nila—ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga rosas na kanilang ibinebenta.

“Sa kanila ni Gardo ang farm, pero mahirap siya [Nora], kasi hindi ito malaking-malaking farm. Nakiki-plot lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sila mayaman. Hindi sila middle-class. Mahirap sila—ordinaryong mga tao, nagbebenta sila ng bulaklak.”

Ayon kay Direk Mac, makikita ng mga tagasubaybay ng Never Say Goodbye ang magiging bagong “look” ng teleseryeng tatampukan ni Ate Guy kasama ang mga mahuhusay aktor.

“Maganda, kaya excited kaming lahat!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN