Ate Gay disappointed over non-airing of guest appearance on Banana Split

“Taas ng Standard ng Banana Split ha di nila pinalabas guesting ko at di rin ako binayaran matapos akong paghintayin ng 3hrs.congrats!” Ate Gay claimed on his Twitter account yesterday, December 6. The comedian stated that he previously appeared as guest on Banana Split to promote his recently-concluded concert. Unfortunately, that guest appearance was not aired.


Naglabas ng sama ng loob ang komedyanteng si Ate Gay—o Gil Morales sa totoong buhay—tungkol sa hindi pag-ere ng kanyang guest appearance sa weekly gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Sa kanyang personal Twitter account kahapon, December 6, ipinarating ni Ate Gay ang pagkadismaya niya sa naturang show.

Aniya, “Taas ng Standard ng Banana Split ha di nila pinalabas guesting ko at di rin ako binayaran matapos akong paghintayin ng 3hrs.congrats!

“yan ang sama ng Loob ko bago mag arena..namamalimos ako ng guesting na di nila naibigay..salamat sa kanila

“matapang kong sinabi ito para di nila ulitin sa iba...matagal ko ng kinikimkim ito.”

Ayon kay Ate Gay, naging guest siya ng show bilang promotion sa katatapos lamang niyang concert na Ako Naman! Ate Gay Sa Arena, na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, noong November 30.

Makalipas ang ilang oras, sumagot naman ang entertainment columnist na si Ogie Diaz kay Ate Gay para iparating ang nalaman niya mula sa staff ng Banana Split.

Sabi ni Ogie sa kanyang Twitter account: “@AteGay08, accdg to banana split staff, they paid ur guesting. But d material u did, waley daw. Pag inilabas daw nila yon, masisira ka.”

Sinagot naman ito ni Ate Gay: “@ogiediaz alam ko ang havey at waley dahil sa akin galing yan.bakit di nila ipalabas ng ang manunuod ang magsabi kung waley o havey.”

Muling sumagot si Ogie: “@AteGay08 the banana split staff knows better. Antagal na nila sa industriya eh.But they are willing to give me the material n show it here.”

Ayon kay Ate Gay, hindi talent fee ang isyu sa kanyang paglalabas ng sama ng loob kundi ang hindi paglabas ng kanyang ginawa sa show.

Sinabi naman ni Ogie kay Ate Gay: "According to @peterdiosa, nasa Artist Gallery (your manager) ang tf mo, @AteGay08. Ibinigay din daw after u performed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang sagot ni Ate Gay: “@ogiediaz @peterdiosa hindi totoo yan..di ako magsasalita kung nagbayad sila..at di issue dito ang bayad..yung waley ang issue.”

Diin pa ng stand-up comedian: “Di Bayad ang isue nililigaw nya.ang issue napakataas ng standard ng Banana split..yung bayad hindi talaga ako binayaran.alam to ng managerko.”

Hinamon din ni Ate Gay ang mga taga-Banana Split:


“Masaya to,hinahamon nila ako na kapag naipalabas ang ginawa ko sa banana split waley daw ang ginawa ko..Gow.

“Ako pa talaga ang sabihang Waley..eh alam naman ni ogie na sa akin nagsimula yang word na yan at havey.kakaloka.

“matagal ko na itong sama ng loob ngayon ko lang inilabas.umiiyak akong pumupunta sa mga radio stations para lang makapagpromote ng Arena.”



“PANININDIGAN KO.” Sa mga sumunod na tweet ni Ate Gay, kung saan naka-tag din si Ogie, ipinaliwanag niya ang nangyari.

Sinabi rin niya na paninindigan niya ang kanyang mga sinabi.

Ito ang mga Twitter post ni Ate Gay:

“@ogiediaz ok.ang pinunta ko dun the door declamation at the door song..dahil yun ang napagusapan.nagbonus nga ako nh mash up eh

“@ogiediaz di ako natatakot ilabas yun kasi tiyak na havey yun..binastos ako kaya paninindigan ko

“@ogiediaz tama ang ginawa ko dun..di ako pumupunta sa kahit anong guesting ko pag di ko lam ang gagawin

“@ogiediaz nagtanong po ako kung ano..sabi manger ko the door at declamation..at approve sa kanila

“@ogiediaz ending di nila pinalabas

“@ogiediaz at wala naman sa tagal sa industriya yan...may sama ako ng loob paninindigan kong tama ako..masama ba magsabi ng nararamdaman?

“@ogiediaz at saka ang puhunan ko respeto at takot sa Diyos...ang akin lang nagsabi ako ng sama ng loob tapos.nasaktan ako sa waley ah..cge

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“@ogiediaz eto ang totoo..pumunta ako dun para sa the door song at declamation..yan nga ang pinunta sa akin sa arena..waley ba yun????”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang Banana Split kaugnay ng mga naging pahayag ni Ate Gay, subalit ayon sa ABS-CBN Corporate Communications, walang statement na maibibigay ang staff ng nasabing programa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN