Nadine Samonte reveals ex-boyfriend Emerson Chua proposed to her after their breakup

“Actually, yun ang hirap kasi sa mga lalaki, e. Naiisip nila kung kailan huli na. Kung kailan… alam mo yun? Kung kailan wala na. Bakit hindi nila maisip kung kailan nandiyan pa, di ba? Di ba? Nakakainis! Kasi kung iisipin mo, puwede naman, e. Pero hindi nila ginagawa," hinaing ni Nadine Samonte sa mga nakarelasyon niya.


Sigurado si Nadine Samonte na hindi niya makakasama ngayong Pasko ang dating kasintahang si Emerson Chua.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-ano nga ako sa Instagram, e.

“Kung makikita ninyo yung Instagram ko, may nakalagay doon na, ‘I’m waiting for Mr. Right and this is my saddest Christmas.’

“Kasi sanay ako na meron akong minamahal at warm ang Christmas ko.

“Pero ngayon, very cold…

"Although, kasama ko naman yung family ko. So, kahit paano masaya rin naman ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa Christmas party for the press ng TV5 na ginanap sa Elements, Eton Centris, noong Miyerkules, December 5.



LOVELESS. Paano na niya ise-celebrate ang Christmas? Mag-a-out of town ba sila ng family niya?

“Ay, hindi po. Kasi may mga tapings ako for Enchanted Garden.

“Saka usually, pag Christmas, sa bahay lang kaming family… lagi namang bahay.

“Kasi nung time namin ni ex [Emerson], sa Christmas kami sa bahay, doon din siya nagki-Christmas sa amin.”



PLANNED WEDDING. Nabanggit na dati ni Nadine sa past interview sa kanya ng PEP na plano na niyang lumagay sa tahimik dalawang taon mula ngayon.

Nag-alala pa nga ang mommy niya noon sa naging statement niya dahil baka nga mauwi na sa kasalan ang pag-iibigan nila ni Emerson.

Pero bakit para siyang binuhusan ng malamig na tubig at dumating na siya sa puntong kailangan na niyang kalasan ang kasintahan?

“Oo, totoo yun, gusto ko na talagang magkapamilya, gusto ko nang magka-asawa. Gusto ko nang magka-anak.

“Gusto ko talaga, hindi ko alam kung bakit. Very family-oriented kasi ako.

“So, parang… kaya siguro dumating sa point na ganyan…

“Kasi ang hirap ipilit ang isang bagay na ikaw lang ang ready, tapos yung partner mo, hindi pa.

“Parang wala akong nakikitang… hindi naman future kundi yung, ’Kelan yun?’

“Parang walang pinaghahandaan? Parang pinaghahandaan lang yung ngayon," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagmamadali ba siyang lumagay sa tahimik o magkaroon ng sariling pamilya?

“Hindi naman. Pero kasi, gusto ko ng konkretong plano.

“Kumbaga, kung magkakaroon ako ng family ko, gusto ko yung plano talaga.

“Kasi ayoko yung nangyari sa family ko, yun pa rin ang mangyayari sa magiging family ko, di ba?”

Alam ba ni Emerson ang sentimyento niyang ito?

“Alam niya,” mabilis na sagot ni Nadine.



CLOSED BOOK. Hindi ba siya nag-effort na mag-propose o magbigay man lang ng ideya o pag-asa na sila ang magkakatuluyan?

Sabi ni Nadine, “Noong nagkahiwalay kami, he told me that he was going to propose na.

“Sabi ko, ‘It’s late na. Kung kailan naghiwalay na tayo, saka pa lang.’

“So, hindi ko alam. E, Book Two na ito, e. Close na siguro muna itong Book Two na ito, e.

“Kasi kung may Book Three, hindi ko alam, e.”

Ibig bang sabihin, magkakaroon pa sila ng reconciliation?

“Hindi ko alam. Pero as now, sa three months na no communication, no talkings, no seeing each other, totally wala.”

Nakapag-move on na ba siya?

“Oo,” sigurado at mabilis niyang sagot.

Hindi na niya iniiyakan ang breakup nila?

“Hindi ko na siya iniiyakan, hindi na ako umaasa.

“Pero siyempre, may mga times na sa seven years, lumaki ka na kasama mo siya sa tabi mo, e.

“Siyempre, ang pangit naman kung sasabihin kong nakalimutan ko nang lahat, di ba?

“Hindi naman ganoon na within three months’ time?

“Siguro may mga bagay lang na kapag may nakikita ako, naaalala ko siya.

“Pero ganoon lang. Tapos mapapangiti na lang ako na puro memories na lang.”

Kaya pa ba niyang tanggapin uli si Emerson kung sakaling bumalik ito sa kanya?

“Hindi ko alam, hindi ko pa masabi. Kasi, as of now, wala talaga.”



LEANDRO MUÑOZ. Naging kasintahan din ni Nadine ang balikbayan aktor na si Leandro Muñoz noong mag-break sila ni Emerson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mga sandaling iyon, sigurado si Leandro sa kanyang nararamdaman para kay Nadine. Katunayan, inamin nito na iniyakan niya ang pakikipaghiwalay sa kanya ng aktres.

Para iyakan ng isang lalaki ang isang babae, ibig sabihin nito, sincere sa kanyang pagmamahal ang lalaki.

Hindi ba nanghinayang si Nadine na ipinalit niya uli si Emerson para kay Leandro, at posibleng may relasyon pa sana sila hanggang ngayon ng aktor?

“Kay Leandro? Actually, sobrang bait naman talaga ni Leandro.

"Pero… kasi naman itong si Leandro, e… Ano, e, ano, e...” alinlangan niyang pahayag.

Sa pagitan ng kanyang mga ngiti, nagsimulang magkuwento si Nadine.

“Nung nandito siya, okey naman lahat, e. Nakita naman ninyo, di ba?

“Sobrang sweet, sobrang kilig.

"Pero pagdating ng States, ibang tao na, e!” tawa niya.

Nagkahiwalay ba sila noong bago bumalik ng States si Leandro?

“Hindi, nasa States siya,” pagtutuwid ni Nadine.

Nawalan ba sila ng communication, sincerity, o interes sa isa’t isa kaya nakipag-break na siya?

“Oo... siya,” pag-amin ni Nadine.

“Binalaan ko na siya nung nandoon siya. But he didn’t listen.”

Pero iniyakan nga ni Leandro ang breakup nila?

“Oo, umiyak nga siya sa harap ko,” pagpapatunay ni Nadine.

Nanghinayang ba siya at kinalasan niya si Leandro?

“Actually, yun ang hirap kasi sa mga lalaki, e. Naiisip nila kung kailan huli na.

“Kung kailan… alam mo yun? Kung kailan wala na.

“Bakit hindi nila maisip kung kailan nandiyan pa, di ba?

“Di ba? Nakakainis!

"Kasi kung iisipin mo, puwede naman, e. Pero hindi nila ginagawa.”



OYO SOTTO. Naging boyfriend din ni Nadine si Oyo Sotto, na ngayo’y kasal na at may anak sa aktres na si Kristine Hermosa.

Hindi ba naiinggit si Nadine sa sitwasyon ni Kristine na sana siya ang nasa puwesto nito at masaya sa piling ni Oyo Boy?

“Hindi naman. Kasi yung nangyari sa kanya, I’m so happy for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, nagkaroon siya ng asawa!” pahayag niya na sinundan ng malakas na halakhak.

“Sori, ha? Yun na lang, happy na ako sa kanya.

“Masaya naman ako sa career ko, okey naman ako sa ganoon.”



KATRINA HALILI. Ang kaibigan at ka-batch ni Nadine sa StarStruck na si Katrina Halili ay isa na ngayong ganap na ina. Hindi ba naiinggit si Nadine dito?

“Nakakainggit!” bulalas niya.

“Kasi nga, family-oriented ako, e. Gusto ko nga yun, e. Gusto kong magka-anak.

"Pero siyempre, gusto ko munang ikasal naman talaga.

“Pero siyempre, parang… may baby… mahilig ako sa bata.”

Dadalo ba siya sa binyag ng anak ni Katrina?

“Sure, why not, kung maiimbitahan ako.”

Samantala, may isa pang taon si Nadine sa TV5 at masaya naman siya sa pag-aalaga sa kanya ng istasyon.

“Willing ba nila akong i-renew? Kasi ako, gusto ko pa ring magtrabaho sa kanila,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN