Venus Raj shares what she and boyfriend Andrei Felix sometimes quarrel over: “Yung katamaran ko, kabagalan ko, kapabayaan ko.”

Ikalawang Pasko na raw ni Venus Raj na kasama ang boyfriend na si Andrei Felix. “This year, since mas stronger na yung relationship namin, mas stronger na ang bond at kilala niya ang family ko. Kilala rin naman niya ang family ko. Mas masaya,” kuwento ni Venus tungkol sa relasyon nila ni Andrei.


Nagkaroon ng pa-dinner ang Mercator Talent Management manager na si Jonas Gaffud para sa kanyang mga talent na artista at modelo sa Chef Bernard.com sa Makati.

Ayon kay Jonas, wala na raw kasing time para magkasama-sama pa sila bago magtapos ang taon. Pupunta kasi siya sa Las Vegas para sa Miss Universe 2012 pageant.

Sa December 19, gaganapin ang Miss Universe pageant sa Planet Hollywood Resort & Casino, Las Vegas, Nevada, U.S.A.

Pagkatapos nito ay sa January na ang balik niya sa Pilipinas.

Kaya naman noong Martes, December 4, ipinatawag nga niya ang ilan sa talents niya na libre noong gabing yun.

Isa sa dumating ay si Venus Raj, kasama ang boyfriend na si Andrei Felix.

Sabi ni Venus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may morning show raw sila ni Andrei, ang Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.

Dapat daw nang mga oras na iyon—alas-9 ng gabi—ay natutulog na sila.

Sa Biyernes naman, December 14, lilipad din daw siya pa-Las Vegas para sa Miss Universe.

“Decem ber 19, actually, ang pageant. ‘Tapos sa December 20, pauwi na rin ako ng Philippines.

“Pagkatapos, actually, ng pageant, aalis na rin ako agad. Ang dating ko rito, December 22. So, nandito ako ng Christmas.”

Hindi naman daw siya required na magpunta at manood ng pageant. Personal lang daw niyang gustong manood at magbigay na rin ng suporta sa kasamahan din niya sa Mercator na si Janine Tugonon.

Si Janine ang representative ng Pilipinas sa nabanggit na international pageant.

“Hindi naman ako required.

“Ako lang kasi, ang dami rin Filipino do’n. Ang dami ko rin naging kaibigan.

“Yung mga sumuporta, two years ago sa pageant ko, hanggang ngayon, may contact pa rin kami, may communication pa rin kami.

“So, sabi nila, ‘Sayang naman, since yung pageant mo, 2010, dito sa Las Vegas, ‘tapos ngayon, 2012, dito ulit sa Las Vegas. Bakit hindi ka bumalik? Bakit hindi tayo mag-reunion?’ Parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tamang-tama, si Shamcey Supsup naman, will be hosting the online event,” banggit niya sa 2011 Miss Universe third runner-up.

“Kaya sabi ko, maganda at least, every day, makikita natin ang event at puwede akong mag-pinch hit dito.”

JANINE’S EDGE. Kinamusta naman namin kay Venus kung ano ang nakikita niyang chance ni Janine sa Miss Universe ngayon.

Aniya, “Si Janine, ibang klase na ang confidence niya. Nakita n’yo naman kung paano na siya maglakad. Kung paano na siya sumagot. As in, okay.

“At saka, yung physical appearance niya, alam mong Filipinang-Filipina.

“Para sa akin, it’s one of her edge over the other candidates. Kasi, makikita mo agad, ‘Ah, distinct ang hitsura nito.’

“Minsan kasi, kahit Filipina ka, napagkakamalan kang mestiza.”

Sa tingin niya, malaki ang laban?

“Yes,” mabilis niyang sagot.

“Ako, super positive ako palagi.”

CHRISTMAS WITH ANDREI. Yung pagpasok ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa kanya, kumusta naman?

Nakangiting sabi ni Venus, “Okey naman. Okey na okey ang Christmas at New Year.

“Siyempre, mas special this year.

“This is gonna be our second Christmas together.

“Kasi last year, November kami nag-start. November nang maging kami,” aniya pa tungkol sa relasyon sa boyfriend ngayon na si Andrei Felix.

Anong kaibahan ng ikalawang Pasko nila?

“Actually, every day, mas lalong gumaganda, mas lalong tumitindi.

“Ganoon naman daw talaga.

“Pero this year, since mas stronger na yung relationship namin, mas stronger na ang bond at kilala niya ang family ko. Kilala rin naman niya ang family ko. Mas masaya.

“Although last year, nandito kasi ang family niya from the States. So, first time kong nakilala.”

Orihinal na plano raw nila ni Andrei, susunod ito sa kanya sa States at susubukan nila sanang mag-New Year sa New York.

Pero dahil na rin sa pareho silang host ng Umagang Kay Ganda, hindi natuloy ang plano nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parehas kasi kami ng segment. So, it’s either siya ang wala o ako. Hindi kami puwedeng sabay na umalis.

“Gusto sana naming i-try ang New Year sa New York.

“Like, ako, never pa akong nakapag-Christmas at New Year sa ibang bansa.

“Pero yun nga, nag-decide na lang ako na umuwi na lang at dito na lang kami mag-celebrate.”

IS ANDREI THE “ONE”? Mahigit isang taon na nga ang relasyon nila ni Andrei.

Sa kanyang palagay, ano ang formula nila?

“Okey naman kasi ang isang ito,” sabay turo kay Andrei na nasa tabi niya lang.

“Masayang kasama. Kapag may dull moment, palaging sobrang jolly, sobrang sweet. Parang alam niya kung papaano i-handle ang isang relationship.”

Masasabi niya kayang sila na nga ang magkakatuluyan?

“We are praying, we are really praying na kami na.”

Wala ba silang mga away o tampuhan sa pagsasama nila?

“Meron,” pag-amin niya.

“Imposible. E, ako, may pagkaselosa ‘ko. May mga tantrums ako.

“Pero hindi naman ako yung seryosung-seryosong nagseselos. More on palambing lang.”

Si Andrei, seloso rin ba?

“Wala naman siyang pagseselosan,” natatawa pang sabi niya.

Ano ang minsang pinag-aawayan o pinagtatalunan nila?

“Yung katamaran ko, kabagalan ko, kapabayaan ko,” saad niya ng natatawa.

Diretsahan naman naming tinanong si Venus kung hindi pa nga ba talaga sila nagli-live-in.

“Ay, no, no, no! Sa Gilmore [San Juan City] ako nakatira, siya naman sa Eastwood [Quezon City],” mabilis na tanggi ni Venus.

“I’m living with my mom, and sa tingin ko, important also na makilala n’yo ang isa’t isa. Na alam n’yo ang ugali ng isa’t isa.

“Siguro kung kayo na talaga in the future.

“Pero, ang dami pang pagkakataon. Araw-araw kaming magkasama sa trabaho.

“So, parang yun lang, gabi lang kaming maghihiwalay, ‘tapos, magkikita rin kami ng alas-kuwatro ng madaling-araw,” banggit pa niya sa oras na kailangan nilang mag-report sa set ng Umagang Kay Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE UPS AND DOWNS OF 2012. Para kay Venus, kahit na may hindi magandang mga pangyayari, marami pa rin daw siyang maituturing na magagandang nangyari sa buhay niya sa taong 2012.

“Maraming ups and downs, actually.

“Una, maraming pagkakataon na magaganda kasi, napunta ako sa show business.

“Nagkaroon ako ng trabaho. Nagkaroon ako ng daily show. Nagkaroon ako ng lovelife sa 2012, yun.

“Hindi mo naman siguro maiiwasan ang mga pagkakataon na minsan, malungkot ka, pero, it’s normal.

“It’s part of your life. Kahit sino naman siguro, may problema.”

Ano ba ang nakapagpalungkot sa kanya?

“My lola died this year, and then, may mga siguro, minsan may mga times na hindi kami magkaintindihan ng family ko.

“Pero most of the time naman, I’m happy at puwede kong sabihin na maayos naman.

“And hopefully, 2013 will be a better year.

“Palagi namang ganoong ang gusto natin. Hindi naman kailkangang perfect na walang problema.

“Pero sana, yung blessing, mas ma-feel mo, mas marami, at mas maging stronger ang relationship ko kay Lord.

“Yun ang feeling ko na makakapagpaligaya sa akin.”

Yung araw-araw meron siyang morning show at kailangan niyang matulog ng maaga at gumising ng maaga, masasabi niyang sulit naman?

“Oo naman, aside from the fact na marami akong natutunan, ang dami kong nae-explore na dati, iniisip ko lang kung puwede ko kayang gawin ang ganito.

Kaya ko kayang pumunta sa ganito nang mag-isa? Puwede pala.

“Ngayon ko lang na-realize na hindi pala imposible ang mga bagay-bagay na iniisip mo dati.

“Puwedeng-puwede palang mangyari.”

REGAL BABY. Kumusta naman ang kanyang pagiging Regal Baby?

Pumirma ng movie contract si Venus sa Regal Films nung 2011.

“May nagawa na akong isa [pelikula], so far,” ani Venus, ang tinutukoy ay ang pagiging bahagi niya sa cast ng horror film na Pridyider starring Andi Eigenmann.

“Pero, hindi naman ako yung mangangarir talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know. Feeling ko, okey ako as supporting actress at hindi lead.

“I mean, kuntento ako sa ganoon,” sabi pa ni Venus.

“Siguro if it’s pageantry, I’ll aim for higher. Parang panalo palagi.

“Pero sa show business, I mean, bagung-bago ako, wala pa naman talaga akong experience sa acting at ang dami kong nakikita na yun ang talent nila. Yun ang alam nilang gawin.

“Siguro paunti-unti lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN